Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 2/22 p. 16-18
  • Nasisiyahan Ka Ba sa Maliliit na Nilikha?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nasisiyahan Ka Ba sa Maliliit na Nilikha?
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang “Japanese Weevil” o Bukbok
  • Isang Magandang Paruparu
  • Isang Masipag na Bubuyog
  • May Dahon sa Bahay-Gagamba!
    Gumising!—2002
  • Dahon ng Lotus na Hindi Nababasa
    Gumising!—2009
  • “Iniibig Ko ang Diyos. Ginawa Niya ang Punong Ito”
    Gumising!—1988
  • Kagandahan sa Himpapawid
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 2/22 p. 16-18

Nasisiyahan Ka Ba sa Maliliit na Nilikha?

MARAMI ang hindi nasisiyahan. At isa ako sa mga yaon hanggang simulan kong pagmasdang mabuti ang maliliit na nilikhang ito. Pakisuyong isaalang-alang ang ilang bagay na natutuhan ko tungkol sa tatlo sa mga ito.

Ang “Japanese Weevil” o Bukbok

Kung Mayo pinipili ng isang bukbok ang isang angkop na murang dahon, gaya niyaong sa pamilya ng punong encina. Una, ginugupit nito ang mga ugat ng dahon na malapit sa punò nito. Sapagkat ang punustos na dagta ay naputol, ang dahon ay nalalanta. Ngayon ang dahon ay kailangang itupi.

Kung nasubukan mo nang magtupi ng dahon upang magandang balutin ang pagkain, alam mo kung gaano kahirap gawin ito nang maayos. Gayunman, ang munting insektong ito, wala pang limang-milimetro ang haba, ay sanay na sanay sa paggawa nito. Ginagamit ang lahat ng anim na paa at ang kaniyang mga panga, itinutupi niya ang dahon nang pahaba at pagkatapos, mula sa dulo, ay binibilot ito. Sa gawing itaas, siya’y humihinto upang mangitlog sa mga tupi ng dahon bago kompletuhin ang pagbilot. Matalino, itinutulak niya ang mga gilid ng dahon sa kalagitnaan ng binilot na tubo upang ang dahon ay huwag makalas sa pagkakabilot.

Kapag napisa na ang itlog, ang bagong bukbok ay may silungan at napaliligiran ng maraming sariwang pagkain. Ang mahigpit ang pagkakabilot na dahon ay mananatiling sariwa sa loob kung paanong ang loob ng pinitas na repolyo o letsugas ay mas tumatagal kaysa labas nito. Dahil sa mga paghahanda ng matalinong ina nito, ang bagong bukbok ay matutustusan hanggang sa ito ay lumabas sa daigdig pagkaraan ng tatlo hanggang apat na linggo.

Isang Magandang Paruparu

Ngayon, tingnan mo ang mga itlog ng pambansang paruparo ng Hapón, ang Great Purple! Ito man ay maganda! Mula sa katapusan ng Hulyo hanggang sa kalagitnaang-Agosto, ang mga ito ay makikita sa mga dahon at mga sanga. Nangingitlog ng 20 hanggang 200, ang bawat itlog ay 1.5 milimetro lamang sa diyametro. Sa loob ng anim hanggang walong araw, ang itlog ay napipisa. Nginangatngat ng larba ng paruparo ang ibabaw ng itlog, lumalabas dito, at kinakain ang sarili nitong balat ng itlog. Napakalinis na munting nilikha!

Sa susunod na tatlo hanggang apat na buwan, ang larba ng paruparo ay kumakain, natutulog, at paulit-ulit na nagpapalit ng balat nito. Sa Nobyembre ito ay nagtatago sa nahulog na mga dahon sa ilalim ng isang punungkahoy at natutulog nang mahimbing. Ito ay nagigising sa pagsisimula ng Mayo, hinuhubad ang kayumangging balat nito noong taglamig at patuloy na kumakain, nang mas malakas sa panahong ito. Hindi magtatagal, ito ay nagiging isang krisalis, o pupa. Ang mahusay na pagbabalatkayong ito ay nagsisilbing proteksiyon anupa’t ipinalalagay ng mga maninila na ito ay isa lamang dahon na nililipad ng hangin.

Sa panahong ito, ang insekto ay nabuhay na ng mahigit na sampung buwan. Sa bandang katapusan ng Hunyo, ang balat ng pupa ay bumubuka, at lumilitaw ang isang magandang paruparo. Ang pakpak nito ay sumusukat ng hanggang 11 centimetro. Yamang mayroon lamang itong halos 40 araw na natitira upang mabuhay, nararating nito ang tugatog nito ng kagandahan sa wakas ng buhay nito.

Isang Masipag na Bubuyog

Ang mga bubuyog ng pamilya na gumugupit-ng-dahon ay gumugugol ng mahabang panahon upang humanap ng tamang lugar na pagtatayuan ng mga pugad. Ito ay maaaring isang butas sa isang bato, isang guwang sa isang piraso ng kahoy na gaya ng kawayan, o isang lungga sa ilalim ng lupa.

Kapag nakapili na ng lugar, sinisimulan ng bubuyog ang paghahanap ng angkop na mga dahon na ginugupit niya nang habilog. Itinutupi niya ito sa dalawa at dinadala ito sa napiling lugar. Ang pagtitipon ng sapat na dahon ay kadalasang nangangahulugan ng mula 20 hanggang 30 mga paglalakbay.

Sa susunod na dalawang araw, siya’y nagtitipon ng nektar at pollen, na dinadala niya pabalik at idinidiskarga. Kapag siya’y nakaimbak na ng sapat na pagkain para sa kaniyang sanggol hanggang sa ito’y sumapit sa sapat na gulang, siya’y nangingitlog. Hindi kontento hangga’t hindi niya nailalagay ang kaniyang itlog sa loob, ang maingat na inahing bubuyog ay lumalabas ngayon upang pumutol ng bilog na bilog na mga dahon. Taglay ang ilan nito, tinatakpan niya ang kaniyang mahalagang itlog. Kapag napisa na ang larba ng bubuyog, masisiyahan ito sa timbang na pagkain ng nektar (karbohidrato) at pollen (proteina) na inilaan ng masipag na ina nito.

Pagkatapos pagmasdang mabuti ang ilang mga insekto, natanto ko na kahit na ang kaunting kaalaman ay makapag-aalis ng maraming di-matuwid na opinyon laban sa Dakilang Disenyador at Tagapagbigay-Buhay ng gayong maliliit na nilikha​—ang kaniyang pangalan ay Jehova. Marahil ikaw man ay makakasumpong ng panahon na masiyahan sa maliliit na nilikha. Ang mga ito’y nasa lahat ng dako.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share