Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 3/22 p. 16-18
  • “Mga Paruparo ng Dagat”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Mga Paruparo ng Dagat”
  • Gumising!—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Kamangha-manghang mga Bagay sa Ilalim ng Dagat na Pula
    Gumising!—1994
  • Ang Madikit na Likido na Inilalabas ng Slug
    May Nagdisenyo Ba Nito?
  • Pag-aani ng Produktong May mga Pakpak
    Gumising!—2002
  • Dagat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 3/22 p. 16-18

“Mga Paruparo ng Dagat”

ANO ang naiisip mo kapag may bumanggit ng salitang “susô” o “lintang-kati”? Karamihan sa atin ay nag-iisip ng ilang malusak, madulas na hayop na hindi maganda, kahali-halina, o kaakit-akit.

Sa ilalim ng sahig ng dagat, gayunman, ay nakatira ang isang uri ng lintang-dagat, isang tulad ng susóng hayop, na napakaganda at makulay anupa’t ito’y tinatawag na paruparo ng dagat. Bagaman ang karamihan ng mga nilikhang ito ay walang kabibi, ang mga ito ay kasama sa pamilya ng mga molusko, na kinabibilangan ng mga kabibing-dagat.

Ano ito? Ito’y isang nudibranch (binibigkas na nōōdē-brank). Ang nudibranch ay binansagan ng gayon sapagkat ito ay isang molusko na walang kabibi at, samakatuwid, ang mga hasang nito ay nakalabas. Ang pangalan nito ay nangangahulugan, sa literal, “walang takip na hasang.”

Pinag-aaralan pa ng mga biyologo sa dagat ang tungkol sa mga nudibranch, subalit 3,000 uri ang nasumpungan na at ang karamihan nito ay nakilala na. Iba-iba ang haba nito mula sa 0.3 centimetro hanggang sa mahigit 30 centimetro at kabilang sila sa pinakamatingkad ang kulay na mga hayop sa dagat, may kulay matingkad na dalandan, asul, murado, dilaw, at pula.

Kahit na ang tumpok ng mga itlog ng ilan sa mga nilikhang ito ay maganda ang kulay at disenyo. Ang kanilang mga itlog ay nakaayos na parang mga laso na sarisari ang hugis, na parang laso na ipinalalamuti mo sa isang regalo. Ang “mga laso” na ito ay iniiitlog sa gilid at inihuhugis na parang isang malaking tumpok ng itlog na kahawig ng isang malaking bulaklak. Ano’t hindi iyon kinakain ng isda o ng iba pang mga maninila? Ang lalagyan ng itlog ay naglalaman ng isang sustansiya na napakasama ng lasa sa mga maninila, sa gayo’y iniingatan ang mga itlog hanggang sa ang mga ito ay maging planktonic larvae.

Ang adultong nudibranch ay hindi lamang maselan at lubhang nakikita kundi mabagal-kumilos at malambot, wari ngang isang kabalintunaan ng kadalasa’y matindi, malupit, at masungit na kapaligiran ng karagatan​—anupa’t isang biyologo sa dagat ay nagsabi, “Ang mga ito ay nakapagtataka at kamangha-mangha dahilan sa ito’y gayon.” Oo, kamangha-mangha na ang mga ito ay nagpapatuloy na umiral sa kanilang kapaligiran​—lalo na ang gayong katakam-takam-tingnan na nilikha ay hindi kinakain ng isda na naaakit sa matingkad na mga kulay nito at kadalasa’y wawaga-wagayway na anyo.

Marami sa malambot-katawan na mga nudibranch ay pambihira ang pagkakadisenyo upang manginain sa mga anemone sa dagat at sa mga kamag-anak nito na mga hydroid. Ang mga organismong ito na pinakapagkain nila ay may nandudurong mga selula sa kanilang mga galamay upang masindak ang kanilang biktima at kumilos bilang isang proteksiyon laban sa karamihan ng mga maninila. Ang nudibranch, gayunman, ay hindi tinatablan ng kanilang duro, at kapag kinakain ng isa sa mga lintang-dagat na ito ang nandudurong anyo na siyang may pananagutan sa nakalalasong duro ng anemone o hydroid, ipinapasa ng kamangha-manghang disenyo ng panunaw nito ang ilan sa mga nakalalasong organismong ito sa iba pang bahagi ng katawan nito upang maging depensa laban sa mga sumasalakay na nagnanais kumain kay G. Nudibranch.

Iniingatan ng iba pang mga nudibranch ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagbubuga ng laway na masama ang amoy sa tao at marahil ay gumagawa sa kanila na hindi katakam-takam sa mga isda at sa iba pang mga maninila. Ang isang uri nito, ang sea lemon, ay may natatanging glandula na naglalabas ng isang madulas, maasim na laway na may sulfuric acid bilang isang depensa laban sa mga maninila.

Napansin na sinasakmal ng mga isda ang isang nudibranch, upang ilura lamang ito sa “suya.” Ang obserbasyon tungkol sa ugaling ito ay umakay sa mga siyentipiko na maghinuha na ang kaugnayan ng matingkad na kulay at masagwang lasa at/o isang may durong bibig ay gumagawa ng isang pagtugon na gumagawa sa matingkad ang kulay na lintang-dagat na isang paanyaya sa isang hindi masarap na pagkain. Isa ngang malakas na mekanismo sa depensa!

Ang ibang nudibranch ay nagtatamasa ng iba pang mekanismo sa depensa; sila’y nakalalangoy at sa gayo’y nakalalayo sa posibleng panganib ng isang sutil na kaaway. Nagagawa pa nga ng iba na iwaksi ang mga bahagi ng kanilang katawan kapag sinasalakay at nakakatakas. Sa dakong huli, ang mga bahaging ito ay muling nalilikha.

Kapag pinagmamasdan ang maselang kagandahan ng nudibranch sa kapaligiran nito sa karagatan at matutuhan ang kaunti tungkol sa paraan ng patuloy na pag-iral nito, ang isa ay minsan pang namamangha sa dakilang imahinasyon, karunungan, at mapanlikhang kakayahan ng Diyos na Jehova. (Apocalipsis 4:11) Mahusay ang pagkakasabi rito ng salmista nang kaniyang isulat: “Anong pagkasarisari ng iyong mga gawa, Oh Jehova! Ginawa mo itong lahat sa iyong karunungan. Ang lupa ay punô ng iyong mga gawa. Kung tungkol sa dagat na ito na napakalaki at maluwang, naroon ang di-mabilang na kumikilos na mga bagay, nabubuhay na mga nilikha, ng mga munti at ng mga malaking hayop.”​—Awit 104:24, 25.

[Mga larawan sa pahina 16, 17]

Kabila: Spanish shawl

Itaas: Mexicanong diyosa at mga itlog

Ibaba: Ulo ng letsugas

[Mga larawan sa pahina 18]

Itaas: Itlog ng Spanish dancer

Ibaba: Palaaway na aeolio

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share