Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 9/8 p. 16-18
  • Nabighani ang Sydney sa Malaking Naglalayag na Bapor

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nabighani ang Sydney sa Malaking Naglalayag na Bapor
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Orihinal na Paglalayag ay Isang Tagumpay sa Nabigasyon
  • Ang Muling Pagganap ay Nagsisimula
  • Kahawig Gayunma’y Naiiba
  • Ang Iba Pang Malaking Bapor ay Nakaragdag sa Tanawin
  • Sydney—Isang Masayang Daungang Lunsod
    Gumising!—1999
  • Barko
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Tarsis, mga barko ng
    Glosari
  • Patungo sa Botany Bay
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 9/8 p. 16-18

Nabighani ang Sydney sa Malaking Naglalayag na Bapor

“Dapat akong magtungong-muli sa karagatan,

sa malungkot na dagat at kalangitan,

At isang malaking bapor ang aking hiling

at uugit sa kaniya’y isang bituin.”

Nang isulat ni John Masefield, ika-20 siglong makata ng Inglatera, ang mga salitang iyon sa kaniyang baladang “Sea-Fever,” maaaring hindi niya nailarawan sa kaniyang sarili ang nakatutuwang epekto ng malalaking bapor sa mga manonood. Ngunit ang tanawin ng naglalayag na mga bapor ay tiyak na nakapukaw ng damdamin nang higit pa sa inaasahan ng mga taga-Sydney at ng kanilang maraming bisita. Araw ng Australia noon, Enero 26, 1988, at ang Sydney Harbour ay nagliliwanag dahil sa naglalayag na mga bapor upang ibalita ang pasimula ng mga pagdiriwang para sa ikadalawang daang taon ng Australia.

Mga bangka ng mga manonood ay nakaharang sa tubig, at tinatayang dalawang milyong mga tao ang nakalinya sa may daungan. Subalit bakit ang gayon na lamang interes sa isang pangkat ng malaking naglalayag na bapor? Sapagkat bahagi ito ng muling pagganap sa paglalayag sa Australia ng Unang Plota mula sa Portsmouth, Inglatera noong Mayo 13, 1787, at dumating sa Sydney Cove noong Enero 26, 1788.

Ang Orihinal na Paglalayag ay Isang Tagumpay sa Nabigasyon

Sa kaniyang aklat na Australian Discovery and Colonisation,si Samuel Bennett ay nagbibigay ng kahali-halinang mga detalye tungkol sa Unang Plota na iyon. Siya ay sumulat: “Ang Isla ng Wight [Inglatera] ay nahirang bilang ang tagpuan para sa plota, na binubuo ng labing-isang bapor. . . . Ang garison ay binubuo ng 200 marino, . . . ang apatnapu ay pinayagang dalhin ang kani-kanilang asawa at pamilya, 81 malalayang mga tao at 696 na mga bilanggo. Ang mga tagapagtatag ng kolonya samakatuwid ay binubuo ng isang malayang tao sa bawat dalawang bilanggo. . . . Karamihan ng mga bilanggo ay nasa kabataan pa buhat sa agrikultural na mga distrito ng Inglatera. . . . Iilan lamang ang nahatulan dahil sa malubhang kasalanan. Sa anim na raan at siyamnapu’t anim, limampu’t lima lamang ang nahatulan ng mahaba kaysa pitong taon, at ang mga hatol ng karamihan ay magtatapos sa loob ng dalawa o tatlong taon pagkatapos nilang dumaong.

Hindi malinaw kung eksaktong ilan ang namatay sa mahabang paglalakbay-dagat mula sa Inglatera hanggang sa Australia. Ang bilang ay iba-iba mula sa mababang 14 hanggang sa mga 50. Ipinababanaag ng isang manunulat na ang pagkakaroon ng mahigit na isang libo kataong nagsisiksikan sa 11 maliliit na bapor na maglayag ng halos kalahati ng mundo sa isang paglalakbay-dagat ng mahigit na walong buwan na mayroon lamang kaunting kamatayan at walang isa mang bapor ang nawala ay isang mahalagang tagumpay ng nabigasyon at organisasyon.

Ang Muling Pagganap ay Nagsisimula

Kaya noong Mayo 13, 1987, 11 naglalayag na bapor ang muling lumisan sa Portsmouth, Inglatera, na kagayang-kagaya ng ginawa ng Unang Plota 200 taong mas maaga. Apat na bapor ang inupahan noong araw na iyon upang mapanatili ang kabuuang bilang na 11 sasakyang-dagat para sa opisyal na pasimula ng muling pagganap. Ang pitong bapor na naglayag patimog sa Australia ay sinamahan ng dalawa pa sa Tenerife sa Canary Islands, at dalawa pa ang sumama sa plota sa Sydney. Nangangahulugan ito na ang ganap na kabuuan ng 11 square-riggers ay naroroon sa pagpasok sa Daungan ng Sydney.

Tinularan ng ruta sa dagat ang orihinal na walong-buwan na paglalayag: Tenerife, Rio de Janeiro, Cape Town, at pagkatapos ay sa Sydney. Gayunman, sa pagkakataong ito, dalawang ekstrang paghinto ang ginawa, isa sa Port Louis, Mauritius, at sa Fremantle, Kanlurang Australia. Ang kanilang pangwakas na tagpuan ay sa Botany Bay, timog lamang ng Daungan ng Sydney. Mula rito ang muling naggrupong plota ay kumboy na naglayag patungo sa maningning na daungan noong Martes ng umaga, Enero 26, 1988.

Kahawig Gayunma’y Naiiba

Bagaman ang hitsura at laki ng mga bapor sa muling pagganap ay halos kahawig ng orihinal na mga bapor, sa maraming bahagi ito ay lubhang naiiba. Ang ika-20 siglong mga kopya ay lubhang komportable, ang iba ay maluho pa nga. Ang mga ito ay may makina gayundin ng mga layag upang pumasok at lumabas sa mga daungan, at ang mga ito ay nasasangkapang mabuti ng mga genereytor, mga freezer, mga makinang panlaba, tagapagpatuyo, dutsa, at tagagawa pa nga ng tubig.

Anong laki ng pagkakaiba nito sa naranasan ng mga bilanggo na siksikan sa madilim, mabahong mga silid dalawang siglong mas maaga! Ang karamihan ay nakatanikala at pinapayagan lamang sa kubyerta kung araw kapag mabuti ang panahon. Sa iba pang panahon, sila ay nakakulong sa mga silid na parang piitan. Ang mga higaan ay makakapal na tabla na 0.9 metro ang pagitan; ito ay 2.3 metro ang haba at 1.8 metro ang lapad. Ang bawat higaan ay hinihigaan ng lima katao!

Ang Iba Pang Malaking Bapor ay Nakaragdag sa Tanawin

Ang square-riggers ng plotang muling pagganap ay totoong maliit. Ang pinakamalaki ay 48 metro lamang ang haba at tumitinag lamang ng 530 toneladang tubig. Kaya upang makaragdag sa tanawin, ang iba pang bansa ay inanyayahang magpadala ng malaking naglalayag na bapor upang makibahagi sa pagdiriwang. Ang pagtugon ay lipos. Mga 200 gayong bapor ang dumating sa Sydney, mula sa maliit na 13 tonelada hanggang sa dambuhalang barkong Nippon Maru ng Hapón, 110 metro sa haba, na ang taas ng palo ay 50 metro at tumitinag ng 4,729 tonelada ng tubig. Ang magandang naglalayag na mga bapor ay nagbuhat sa iba’t ibang bansa gaya ng Poland, Oman, India, Uruguay, Espanya, at Estados Unidos, at ang Netherlands.

Marami sa dumalaw na mga bapor ay nagkatipon sa Hobart sa estadong pulo ng Tasmania para sa isang 1,150 kilometrong karera sa karagatan patungo sa Sydney, kung saan sila pagkatapos ay nakahanay sa daungan upang tanggapin ang kumboy ng muling pagganap ng 11 bapor ng Unang Plota habang ang mga ito ay naglalayag mula sa kalapit na Botany Bay.

Ito, kung gayon, ang kahanga-hangang tanawin na bumati sa libu-libong masiglang manonood noong maningning na ika-26 na araw ng Enero 1988. Ibinalita nito ang unang 200 taon ng paninirahang Europeo sa malawak, kayumanggi, sunog-ng-araw na bansa ng Australia​—ngayo’y tahanan ng mga 16 na milyong tao.

[Buong-pahinang larawan sa pahina 17]

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share