Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 10/8 p. 29-30
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Di-tiyak ang Paghalata sa AIDS
  • Mga Ahas sa Halip ng Pusa
  • Payo Tungkol sa Pagsasalin
  • Nakamamatay na mga Computer
  • Dumaraming Populasyon ng India
  • Limang Buwang Tinangay ng Alon
  • Isa Pang Namatay Dahil sa Digmaang Pandaigdig II
  • Gawang-Langgam na Pamatay-Insekto
  • Ika-37 Paglalakbay ng Papa
  • Paggagamot-sa-Sarili
  • Sino ang Nasa Panganib?
    Gumising!—1986
  • Kung Paano Iiwasan ang AIDS
    Gumising!—1988
  • “Mga Legal na Isyu sa Medisina Tungkol sa Pagsasalin”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kaloob ng Buhay o Halik ng Kamatayan?
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 10/8 p. 29-30

Pagmamasid sa Daigdig

Di-tiyak ang Paghalata sa AIDS

Natuklasan ng mga mananaliksik na ang isang tao na nagdadala ng virus ng AIDS ay maaaring hindi ipakita ito sa ilalim ng pamantayang mga paraan sa pagsubok na dinisenyo upang mahalata ang mga antibody na nagawa ng katawan bilang tugon sa virus. “Ang tuklas ay nakaliligalig sapagkat ipinahihiwatig din nito na ang virus ay aktuwal na dinadala ng ilang mga tao na malamang manganib sa impeksiyon ng AIDS na ipinahayag na malaya sa virus sa karaniwang ginagamit na mga pagsubok, at maaaring dalhin nila ito sa iba,” sabi ng The New York Times. “Ang tuklas ay nangangahulugan din na ang ilang nahawaang dugo ay maaaring nakalusot sa maingat na pagsusuri na idinisenyo upang ingatan ang suplay ng pagsasalin ng dugo.” Nasumpungan ng mga siyentipiko na ang virus ng AIDS ay maaaring magtago sa mga macrophage​—mga selulang kumakain ng mga bulok na bagay sa sistema ng imyunidad ng katawan​—o maaaring matulog sa mga selulang T-4, na karaniwang nag-uudyok sa paggawa ng antibody. Ito ay maaaring magpaliwanag kung bakit ang ilang taong apektado ng virus ng AIDS ay hindi nakagawa ng mga antibody hanggang pagkalipas ng isang taon o higit pa. Ang mga mananaliksik ay agad nagsimulang magtrabaho upang gumawa ng bagong mga paraan sa pagsubok.

Samantala, sang-ayon sa report ng AP (Associated Press), sinasabi ng kasamang propesor sa Cornell University of Medicine na “ang suplay ng dugo ng bansa ay mas marumi kaysa inaakala ng publiko,” sinasabi na “isa sa 10 mga pagsasalin ng dugo ay magbubunga ng ilang uri ng impeksiyon, pati na ng hepatitis at AIDS.” Binanggit ding ng report ng AP na si Dr. Joseph Feldschuh ay nagsabi sa isang medikal na komperensiya na “ang publiko ay nailigaw, lalo na sa tsansa na magkaroon ng AIDS sa pamamagitan ng isang pagsasalin.” Sa katunayan, sabi niya, kahit na tinataya ng U.S. Centers for Disease Control sa Atlanta, Georgia, na isa sa 40,000 unit ng dugo ay maaaring naglalaman ng hindi nahalatang virus ng AIDS, “mga maling tantiya ang ibinigay sa publiko, inilalagay ang panganib na magkaroon ng AIDS sa pamamagitan ng pagsasalin na isa sa 250,000 hanggang sa isa sa 1 milyon.” Binanggit ni Feldschuh ang mga pag-aaral kung saan siya ay naghinuha na halos isa sa 3,600 yunit ng dugo ay maaaring mayroong virus ng AIDS bagaman hindi ipinagkanulo ng mga antibody.

Mga Ahas sa Halip ng Pusa

Ang mga taong nakatira sa bulubunduking rehiyon sa isla ng Creta ay nag-aalaga ng mga ahas sa kanilang tahanan. Bakit? Sa katulad na dahilan kung bakit ang mga tao ay nag-aalaga ng mga pusa​—upang itaboy ang mga daga. “Ang karamihan ng mga uri ng ahas ay nagbibigay ng mahalagang paglilingkod sa mga tao sa bukid,” sabi ng pahayagang Ethnos ng Atenas, Gresya. “Iniingatan nila ang mga ani mula sa mga daga, kinakain nila ang nakapipinsalang mga hayop, at nililipol nila ang mga insekto.” Tinatawag ng artikulo ang gawaing ito na “isa ngang kataka-takang bagay.”

Payo Tungkol sa Pagsasalin

Ang mga pagsasalin ng dugo ay dapat “panatilihin sa pinakakaunting gamit,” payo ng isang hurado sa U.S. National Institutes of Health. At kung isasaalang-alang ang bumuting mga pamamaraan sa pag-oopera, inirekomenda ng hurado na ang “tradisyonal na mga gamit ng dugo ay muling-tasahin.” Ang babala ng gobyerno ay unang inilabas batay sa panganib na magkaroon ng AIDS sa pamamagitan ng pagsasalin ng dugo. Ang mga pagsasalin ng dugo ay nagdadala ng “dokumentadong mga panganib ng impeksiyon at mga pagbabago sa imyunidad,” sabi ni tagapangulo Tibor Greenwalt. Bagaman isinaalang-alang ng hurado na ang mga tsansa na mahawa ng AIDS mula sa isang pagsasalin ng dugo ay maliit lamang, ang report ay nagbababala na ang “antas ng panganib ay malamang na hindi bababa sa malapit na hinaharap kahit na kung dagdagan pa ng karagdagang mga pagsubok sa pagsusuri.”

Nakamamatay na mga Computer

“Ang mga siyentipiko ng gobyerno ay naniniwala na isang malubhang aksidente na likha ng may sirang mga microchip ay ‘hindi maiiwasan’ sa susunod na apat na taon,” ulat ng The Times ng London. Bakit? Isinisiwalat ng mga pagsisiyasat kamakailan ang isang mataas na porsiyento ng may sirang mga microchip na ginagamit sa kagamitang militar. Ikinatatakot ng mga dalubhasa sa computer na gayunding mga kahinaan ay mangyayari sa mga microprocessor na ginagamit sa sibilyang mga gamit​—gaya sa mga istasyon ng kuryente, sa eruplano, at sa ilang kotse. Sa isang pagsisikap na iwasan ang kapahamakan, sinasabing ang mga siyentipikong Britano ay nakagawa ng “kauna-unahang microprocessor na matematikang napatunayang walang kamalian sa disenyo,” sabi ng The Times.

Dumaraming Populasyon ng India

“Ang populasyon ng India ay umabot na ng mahigit 800 milyon,” ulat ng The New York Times, “at ang matataas na opisyal ng pamahalaan ay nagsasabi na sila ay nababahala sa kabiguan na ibaba ang dami ng ipinanganganak na bata ng bansa.” Dahil sa pagdami na mahigit 120 milyon katao sa loob lamang ng wala pang walong taon, malamang na maunahan pa ng India ang Tsina, na 1.1 bilyon mga tao, bilang ang pinakamataong bansa sa daigdig. Ang pagdami ay nagkaila sa mga pagsisikap ng gobyerno na itaas ang pamantayan ng pamumuhay at alisin ang karalitaan. Si Saroj Kharpade, Minister ng State for Health and Family Welfare, ay nagbabala na ang bansa ay patungo sa isang kalagayan kung saan “mawawalan ng sapat na mga bahay, tubig, paaralan, mga pasilidad sa kalusugan upang pangalagaan ang dumaraming bilang.”

Limang Buwang Tinangay ng Alon

Noong Hunyo isang bagong rekord ng pagtitiis sa karagatan ay waring naitala ng limang mangingisda na taga-Costa Rica na limang buwang tinangay ng alon sa Pacific Ocean. Naglalayag mula sa Costa Rica para sa walong-araw na biyaheng pangingisda, sila ay hinampas ng bagyong tumagal ng dalawang-linggo na sumira sa kanilang radyo at tumangay sa kanilang 9 na metrong bangka palaot, kung saan naubos ang kanilang panustos na gatong. Sila’y nabuhay sa pamamagitan ng pag-iipon ng tubig-ulan at pagkain ng mga isda at mga pagong. Sila’y sinagip ng isang bapor na Haponés na nangingisda ng tulingan mga 1,130 kilometro timog-silangan ng Honolulu, mga 5,800 kilometro ang layo mula sa kanilang pinanggalingan. Ito lamang ang tanging bapor na nakita nila sa buong panahon na sila’y nasa laot. Bukod sa mga mukhang sunog sa araw at ilang namamagang mga paa, sila ay kataka-takang nasumpungang nasa mabuting kalusugan.

Isa Pang Namatay Dahil sa Digmaang Pandaigdig II

Ang Digmaang Pandaigdig II ay sumawi pa ng isang buhay. Isang mina ang sumabog sa lalawigan ng Mersa Matrûh, mga 480 kilometro hilagang-kanluran ng Cairo, pinapatay ang isa katao at sinusugatan ang dalawa pa. Daan-daang libong mga mina mula sa digmaan ang sinasabing nakalibing sa mga rehiyon ng disyerto sa gawing-kanluran ng Ehipto, kung saan naganap ang mga digmaan sa pagitan ng mga hukbong Allied at Axis noong 1942 at 1943.

Gawang-Langgam na Pamatay-Insekto

Isang bagong paraan upang alisin ang mga anay at mga balang ay nakatawag-pansin sa mga siyentipiko. Ang pamatay-insekto na ginamit ay gawa ng isang maliit na itim na langgam​—ng uring Monomorium​—at sapat na ang kaunting dosis nito. “Isang patak ng lason [sa biktima] at ito’y mamamatay sa loob lamang ng ilang segundo,” ulat ng pahayagang Pranses na Le Monde. Di-gaya ngmga insekto na binomba ng gawang-taong pamatay-insekto, yaong ginamitan ng lason ng langgam ay waring hindi nagkaroon ng mabisang imyunidad. Ang lason ay ginawa nang sintetik, at isang laboratoryo ay nagbabalak gumawa ng gawang-taong bersiyon ng pamatay-insektong ito na gawa ng langgam.

Ika-37 Paglalakbay ng Papa

Sang-ayon sa ulat ng New York Times, ang pambihira ay waring siyang karaniwan sa ika-37 paglalakbay ni Papa John Paul II sa ibayong dagat. Marahil narinig ng Paraguay ang pinakamaikling palakpak sa talumpati ng papa. Ang Presidente, “si Hen. Alfredo Stroessner . . . ay apat o limang beses na pumalakpak,” at ang mga opisyal ng pamahalaan at banyagang mga diplomatiko na naroroon sa palasyo ng presidente ay gumaya. Marahil ang Uruguay ang may “pinakamaikling nakaiskedyul na pakikipagkita” sa papa. Nasabi lamang ng mag-aaral na si María Paula Lolena ang kaniyang pagbati, “Sa ngalan ng lahat ng Uruguay, ibinibigay po namin sa inyo ang mga bulaklak na ito.” Pagkatapos siya ay hinimatay​—hawak-hawak pa rin ang mga bulaklak. Marahil nasaksihan ng Bolivia ‘ang pinakamataas na Misang idinaos ng isang papa.’ Ang altar na El Alto, malapit sa La Paz, ay 4,100 metro sa ibabaw ng taas ng tubig. Ito’y dinaluhan ng isang pangkat ng mga Indians na inihalo ang pagsamba sa “Inang Lupa” at sa araw sa kanilang paniwalang Katoliko. “Hindi ko tiyak kung ano sa kanila ang Papa,” sabi ng kanilang pari, si José Iriarte.

Paggagamot-sa-Sarili

“Ang mga Amerikano ay naniniwalang sa bawat karamdaman, mayroong isang pildoras​—na ang lahat ay maaaring gamutin,” sabi ni Dr. Harvey Klein, isang propesor sa Cornell University Medical College. Sa 725 aprobadong aktibong mga sangkap lamang, mga 300,000 mabibiling gamot at mga bitamina ay nagawa. Udyok ng pag-aanunsiyo, ang mga Amerikano ay gumugol ng $12 bilyon sa pagbili nito noong nakaraang taon sa pagsisikap na pagbutihin ang kanilang kalusugan​—isang pagdami ng 43 porsiyento sapol noong 1982. Gayunman, may mga panganib. “Walang ganap na ligtas na paggagamot na nakilala ng tao,” sabi ni Dr. James S. Todd ng American Medical Association, “at ang karaniwang tao ay wala sa kalagayan na humatol.” Kailangang mag-ingat lalo na sa pag-inom ng maraming gamot, yamang ang mga kombinasyon ay maaaring maging mapanganib. Iminumungkahi na ang impormasyon at mga babala tungkol sa produkto ay maingat na basahin at hingin ang payo ng isang dalubhasa kung sakaling nag-aalinlangan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share