Mga Bantayog ng Papuri
Ang matataas na bundok ay malaon nang nagkintal sa isipan ng nag-iisip na mga tao tungkol sa kaliitan ng tao. Kung ikaw ay nakatayo sa tabi ng nagtataasang malalaking bato, hindi mo maiiwasang masindak sa kanilang laki at taas. Kahanga-hanga, napakatayog, ang nagtataasang bunton na ito ng mga bato ay inaakala ng ibang kultura na tirahang dako ng kanilang mga diyos.
Karagdagan pa sa kanilang kadakilaan, ang mga bundok ay nagtitipon at nag-iimbak ng tubig at inihahatid ito sa mga ilog at mga lawa. Tinutustusan ng kabundukan ang buhay halaman, ang mas mababang dako ay ekselenteng lugar para sa pagtatanim ng mga binutil at prutas. Ang mga ito rin ay nagsisilbing kanlungang dako ng tao at ng mga hayop. Ang mga bundok ay angkop na mga bantayog sa kapurihan ng kanilang Maylikha.—Amos 4:13.