Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 11/8 p. 16-17
  • Portugal—Pagkalipas ng 26 na Taon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Portugal—Pagkalipas ng 26 na Taon
  • Gumising!—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Matinding Kahirapan Tungo sa Pinakamalaking Kayamanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Naranasan Namin ang Di-sana-nararapat na Kabaitan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
  • ‘Maliligaya ang Lahat ng Patuloy na Naghihintay kay Jehova’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Nagdudulot ng mga Gantimpala ang Pagtanggap sa mga Paanyaya ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 11/8 p. 16-17

Portugal​—Pagkalipas ng 26 na Taon

“MAYROON lamang kayong 30 araw upang lisanin ang bansa.” Dahil sa ultimatum na iyon, noong 1962 kami ng asawa ko ay napilitang umalis sa Portugal, ang aming atas misyonero.

Kasama ng apat pang mga misyonero, kami ay pinaaalis dahil sa pagiging mga Saksi ni Jehova at sa pagiging neutral sa mga isyu tungkol sa digmaan at pulitika. Ang aking 19-anyos na estudyante sa Bibliya, si João Gonçalves Mateus, ang unang Saksing Portuges na nanindigang matatag sa isyu ng neutralidad. Binanggit ng hepe ng sekretang pulis sa akin ang pangalan ni João at sinabi sa akin na ang gayong pagtanggi dahil sa budhi ay isang luho na hindi ipinahihintulot sa Portugal. Wala na akong balita tungkol kay João nang kami’y umalis ng Portugal.

Noon, ang Portugal ay isang diktadurang Katoliko-Fascista, nakikipagbaka sa paghihimagsik sa mga kolonya nito sa Aprika. Ang espiritu ng bayan ay pinahihirapan at sinusugpo. Ang kawalang-tiwala ay naghahari sa lahat ng dako dahil sa sistema ng bayarang tagapagsuplong, kung saan ikaw ay maaaring isumbong sa ubod ng samang sekretang pulis​—isang PIDE (Polícia Internacional e Defesa do Estado), gaya ng tawag sa kanila sa Portuges.

Kaya kami ay pinaalis, at ang mga Saksi ni Jehova ay naging isang ipinagbabawal na relihiyon hanggang noong 1974 nang ibagsak ng isang rebolusyong itinaguyod-ng-hukbo ang rehimeng Fascista, at ipinakilala ang demokrasya at ang kalayaan ng pagsamba. Noong Disyembre nang taóng iyon, ang mga Saksi ay kinilalang isang legal na relihiyon, at hindi nagtagal sila ay nagsaayos ng isang tanggapang sangay sa Estoril, mga ilang milya sa kahabaan ng baybayin ng Lisbon. Subalit dahil sa mabilis na paglawak ng gawain, ito ay naging napakaliit. Noong 1983 ay nakabili ng lupa para sa isang bagong sangay ng Watch Tower, o “Bethel” (“Bahay ng Diyos,” sa Hebreo) complex. Isang magandang bagong gusali ang itinayo ng mga Saksi sa maliit na bayan ng Alcabideche.

Nakatayo sa isang burol, mula sa Bethel ay kitang-kita mo ang isang tanawin hanggang sa Lisbon at bantog na nakabiting tulay ng Ilog Tagus, na patungo sa kahanga-hangang istatuwa na Cristo Rei (Kristong Hari). Sa isa pang direksiyon ay makikita ang Estoril at ang baybayin.

Kami, kasama ng marami pang ibang dating mga misyonero, ay inanyayahang dumalo sa programa ng pag-aalay noong Abril 1988. Nang kaming mag-asawa ay dumating sa paliparan ng Lisbon na kontrolado ng pulisya, hindi ko mapigil na mag-isip kung kami kaya ay pahihintuin at tatanungin. Titingnan kaya nila ang dating talaan na humadlang sa amin na muling makapasok sa Portugal 26 na taon na ang nakalipas? Walang anumang problema. Ang PIDE ay naglaho na, at natuklasan namin ang isang bagong Portugal​—ang mga tao ay mas palakaibigan, nakangiti, at nakikipag-usap. At sa halip na 1,000 mga Saksi na iniwan namin noong 1962, mayroon na ngayong mahigit na 33,000, isang katumbasan na 1 Saksi sa bawat 297 mga tao, isa sa pinakamainam sa Europa!

Kami ay nagtungo sa Restelo (Belem) soccer stadium para sa lektyur noong hapon na ibibigay ng isang membro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova, si Milton Henschel, sa pamamagitan ng isang tagasalin na si Mario Pinto Oliveira. Anong laking kasiyahan para sa aking maybahay​—siya ang naging guro ni Mario sa Ingles mga 26 na taon na ang nakalipas. Habang kami ay umaakyat sa burol patungo sa istadyum mayroong isang kamanghamanghang tanawin​—mahigit na 46,000 mga Saksing Portuges at ang kanilang mga kaibigan ang nagsama-sama upang pakinggan ang programa.

Nang matapos ang programa, nakita ko ang isang matipunong Saksing Portuges na mga edad 40 na gustong makipag-usap sa akin. “Irmão Erico (Brother Eric), nakikilala mo ba ako?” tanong niya. Sinabi ko na hindi ko siya nakikilala. Pagkatapos ng isang malapitang tingin, binawasan ko ng mga ilang kilo ang kaniyang timbang at ng 26 na taon ng buhay​—ito’y si Jõao Gonçalves Mateus! Anong laking kagalakang muling pagkikita pagkalipas ng napakaraming taon! Ipinakilala niya sa amin ang kaniyang asawa at tatlong anak na babae, isang kaibig-ibig na pamilya at lahat ay mga Saksi ni Jehova.

Gumugol kami ng apat na maliligayang araw sa Portugal, pinanunumbalik ang dating mga kakilala at mga pagkakaibigan. Anong laking pampatibay-loob na makita ang tapat na mga lalaki at mga babae na nagtiis sa loob ng maraming taon sa kabila ng pag-uusig. Isa na si José Lança, isang peryudista noong mga panahon ng aming pag-uusig, ngayon ay isang naglalakbay na tagapangasiwa na dumadalaw sa mga kongregasyon. Ang isa pa ay si António Cordeiro, ang unang ministrong payunir sa Portugal. Ang kanilang maligayang mga mukha ay nagpapabanaag sa bagong espirituwal na kasaganaan ng Portugal, ang resulta ng mga dekada ng matapat na pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos.

Dinalaw namin ang kalye na dating kinaroroonan ng apartment na aming lihim na Kingdom Hall, sa ikalawang palapag ng numero 66, Calçada de Arroios. Ito minsan pa ay isa na namang apartment. Subalit ngayon mayroon nang mahigit na 440 mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova na nagtitipon sa legal na mga Kingdom Hall sa buong bansa. Pagkalipas ng 26 na taóng pagkawala, nasumpungan namin na ang Portugal ay totoong naiiba​—at lalong mabuti para sa mga Saksi ni Jehova.​—Isinulat.

[Larawan sa pahina 16]

Larawan ng tanggapang sangay at pagawaan ng Samahang Watch Tower sa Alcabideche, Portugal

[Mga larawan sa pahina 17]

Apatnapu’t-anim na libo ang dumalo sa isang pantanging programa sa Restelo soccer stadium, Lisbon

Lihim na pagtitipon tungkol sa Bibliya sa kagubatan malapit sa Lisbon noong 1961

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share