Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 11/22 p. 7-8
  • Kung Kailan Hihinto ang Pambubugbog

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Kailan Hihinto ang Pambubugbog
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Kautusan ng Diyos at ang Pangmalas Kristiyano
  • Matalinong Patnubay Para sa mga Mag-asawa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Huwag Paghiwalayin ang Pinagtuwang ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Mga Asawang Lalaki—Kilalanin ang Pagkaulo ni Kristo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 11/22 p. 7-8

Kung Kailan Hihinto ang Pambubugbog

GAANO na katagal umiral ang pagmamalupit sa asawa? Binabanggit ng isang babasahin kung ano ang ipinalalagay na pinakamaagang nasusulat na kautusan, na may petsang 2500 B.C.E., na nagpahintulot sa mga asawang lalaki na bugbugin ang kani-kanilang asawa.

Noong 1700 B.C.E., si Hammurabi, ang paganong hari ng Babilonya, ay gumawa ng kilalang Kodigo ni Hammurabi, na naglalaman ng halos 300 legal na mga kondisyon kung saan ang tao ay pamamahalaan. Opisyal na ipinag-utos ng kodigo na ang asawang babae ay lubusang pasakop sa kaniyang asawa, na may legal na karapatang maggawad ng parusa sa kaniya para sa anumang pagkakasala.

Kung babalikan natin ang panahon ng Imperyong Romano, ang Kodigong Romano ng Paterfamilias ay nagsasabi: “Kung mangalunya ang iyong asawang babae, buong layang mapapapatay mo siya nang walang paglilitis, subalit kung ikaw ay magkasala ng pangangalunya o kahalayan, ang babae ay hindi dapat mangahas na saktan ka, ni ipinahihintulot man ito ng batas.”

Isang manwal sa pag-aasawa na isinulat noong ika-15 siglo ng ating Karaniwang Panahon ay nagpapayo sa mga asawang lalaki na nakakita sa kani-kanilang asawa na gumawa ng isang pagkakamali “na una muna’y apihin at takutin siya,” pagkatapos ay “kumuha ng isang patpat at paluin siya nang malakas.”

Sa Inglatera, sinikap ng mga mambabatas noong ika-19 na siglo na bawasan ang paghihirap ng mga babae sa pamamagitan ng legal na pagtiyak kung gaano dapat kalaki ang patpat. Inisip nila ang nakilala bilang ang rule of thumb law, na nagpapahintulot sa isang lalaki na paluin ang kaniyang asawa ng isang patpat na “hindi lálakí pa sa kaniyang hinlalaki.”

Bagaman sa maraming bansa ngayon ang mga asawang lalaki ay hindi iniingatan ng mga batas sa pagbubugbog ng asawa, ang makasaysayang mga tradisyong ito ay nananatili pa rin sa maraming bahagi ng mundo. Sang-ayon sa isang balita ng CBS-TV, ang Brazil ay isang bansa kung saan ang mga babae ay iniidolo ng mga lalaki. Balintuna, gayunman, sila rin ay hinahamak, pinagmamalupitan, binubugbog, at pinapatay nang walang pagsisisi. Ang gayong gawi ay nakikita, patuloy pa ng ulat, sa lahat ng antas ng lipunan, pati na sa mga hukuman, kung saan sa “pagtatanggol sa kaniyang karangalan,” maaaring takasan ng isang lalaki ang salang pagpatay, lalo na kung ang biktima ay ang kaniyang asawa. Sabi ng isang reporter: “Marami sa mga mamamatay-tao ay hindi mga sinaunang tao sa gubat kundi mga propesyonal, mga lalaking edukado.”

‘Ang pagtatanggol sa karangalan ng isa’ ay maaaring magsimula sa ilang maliliit na pagsuway sa tuntunin ng asawang lalaki​—hindi paghahanda ng hapunan nang nasa panahon, paglabas na nag-iisa, pagpasok sa trabaho o pag-aaral sa pamantasan, o hindi “pagsang-ayon sa lahat ng uri ng pakikipagtalik sa sekso na hinahangad niya.”

Ang Kautusan ng Diyos at ang Pangmalas Kristiyano

Nililinaw ng kautusan ng Diyos na ang mga asawang lalaki ay “patuloy na ibigin ang [kani-kanilang] asawa, gaya ni Kristo na inibig ang kongregasyon. . . . Dapat ibigin ng mga lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang umiibig sa asawa niya ay umiibig sa sarili niya, sapagkat wala pang lalaking napoot sa sarili niyang laman; kundi pinakakain niya ito at inaalagaan ito.” (Efeso 5:25, 28, 29) Ang kautusang ito ay humahalili sa lahat ng kautusan ng tao, noong nakaraan at sa kasalukuyan.

Tunay na walang lalaking Kristiyano na mangangatuwiran na mahal pa rin niya ang asawa na pinagmamalupitan niya. Hahampasin ba ng nambubugbog ng asawa ang kaniyang sariling katawan​—sasabunutan ang kaniyang buhok at susuntukin ang kaniyang sarili sa mukha at sa kaniyang katawan dahil sa talagang mahal niya ang kaniyang sarili? Malaya bang sinasabi ng nambubugbog ng asawa sa iba​—sa mga hindi membro ng pamilya, sa mga kaibigan, sa iba pang mga Kristiyano​—na sa pana-panahon ay bubugbugin niya ang kaniyang asawa, sasaktan siya, sapagkat mahal na mahal niya siya? O, sa halip, pinagbabantaan ba niya ang kaniyang asawa upang hindi niya sabihin sa iba? Ang mga anak ba nila ay pinasusumpa ng kanilang ama na huwag sasabihin sa iba ang tungkol sa kaniyang pagmamalupit? O nahihiya ba silang gawin iyon? Hindi ba pinasisinungalingan ng kaniyang mga kilos ang kaniyang pag-aangkin na talagang mahal niya ang kaniyang asawa? Ang pag-ibig sa isa’t isa ay normal. Ang pagmamalupit sa asawa ay hindi normal.

Sa katapusan, kung binubugbog ng isang lalaking Kristiyano ang kaniyang asawa, hindi ba pinawawalang-saysay niya ang lahat ng iba pa niyang mga gawang Kristiyano sa paningin ng Diyos? Tandaan, ang “isang nambubugbog” ay hindi karapat-dapat sa mga pribilehiyo sa loob ng kongregasyong Kristiyano. (1 Timoteo 3:3; 1 Corinto 13:1-3; Efeso 5:28) Ipinakikita ng mga report na ang pambubugbog ng mga babae sa kanilang asawa ay laganap din sa sistemang ito ng mga bagay. Hindi ba kapit din ang gayong mga katanungan sa mga asawang babae na iyon?

Anong pagkahala-halaga nga para sa mga asawang lalaki at babae na magpakita ng bunga ng espiritu sa kanilang buhay na magkasama ngayon: “pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagbabata, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan, pagpipigil sa sarili”! (Galacia 5:22, 23) Kung magagawa natin ang mga bungang ito ngayon, ang hinaharap ay maganda para sa ating pamumuhay sa Paraisong lupa na iyon kung saan ang lahat ay mamumuhay na magkasama sa kapayapaan at pag-ibig na walang katapusan.

[Larawan sa pahina 8]

‘Iniibig ng mga lalaking Kristiyano ang kani-kanilang asawa na gaya ng kanilang sarling katawan,’ na ang ibig sabihin ay “Hindi Ipinahihintulot ang Pambubugbog!”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share