Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 12/8 p. 14-16
  • Paano Ako Matututo Kung Ayaw ng Iba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Ako Matututo Kung Ayaw ng Iba?
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Panggigipit Mula sa mga Kasama
  • Pagbawas sa Panggigipit
  • Hindi Pag-intindi sa mga Pang-abala sa Silid-aralan
  • Pagsasalita!
  • Ipaalam Mo sa Iyong mga Magulang
  • Ginagawang Matagumpay ang Iyong mga Taon sa Paaralan
  • Paano Ko Mapasusulong ang Aking mga Marka?
    Gumising!—1985
  • Paano Kung Laging Mababa ang Grades Ko sa School?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Papaano Ko Mapagbubuti ang Aking mga Marka?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
  • Paano Ko Tatapusin ang mga Assignment Ko?
    Tanong ng mga Kabataan
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 12/8 p. 14-16

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Paano Ako Matututo Kung Ayaw ng Iba?

ANG pagkatuto ay hindi madali para sa 15-anyos na si Nozomi, isang mag-aaral na high school sa Hapón. “Sa halip na seryosong pag-aralan ang kanilang leksiyon,” sabi niya, “nilalabanan ng mga kaklase ko ang mga guro, pinag-uusapan ang imoral na mga bagay, at nagpapakita ng malaking interes sa hindi kasekso.”

Pagdadaldalan, pag-aalembong, panliligalig sa mga guro, pakikipag-away​—ang gayong mga pang-abala ay karaniwan sa maraming silid-aralan. At kahit na kung ang mga bagay na iyon ay wala sa iyong paaralan, maaaring nararanasan mo ang tusong mga panggigipit upang bumagsak. Ganito ang sabi ng 13-anyos na si Roslyn: “Talagang nag-aalala ako sa kung ano ang iisipin ng mga lalaki kung ako ay sumasagot sa napakaraming tanong. . . . Kaya sapat na mga tanong lamang ang sinasagot ko upang makapasa​—ayaw kong maging masyadong matalino.” Kung gayon, paano mo pakikitunguhan ang lahat ng panggigipit na gumigipit sa iyo na huwag mag-aral?

Ang Panggigipit Mula sa mga Kasama

Si Brian ay inilagay sa isang klase para sa matatalinong estudyante. Ang reaksiyon buhat sa kaniyang mga kasama? “Pinagtatawanan ka nila kung ilalagay ka sa gayong klase. Inaakala nilang talagang tangá ka kung ikaw ay naroroon sapagkat nangangahulugan ito na ikaw ay magkakaroon ng mas maraming araling-bahay.” Nauunawaan naman, kadalasan para bang nakakatuksong bawasan ang pag-aaral ng isa. Subalit mahalaga ba na gugulin ang malaking bahagi ng iyong panahon bilang tin-edyer sa paaralan at walang anumang maipakitang nagawa mo sa lahat ng panahong iyon? Yamang ang mga marka ay isang tagapahiwatig​—tinatanggap na hindi isang sakdal na tagapahiwatig​—ng kung gaano ang natututuhan mo sa paaralan, hindi ba makatuwiran na kunin mo ang pinakamataas na markang makukuha mo?

Ipagpalagay na, ito ay maaaring mangahulugan ng pagtanggap ng ilang pag-abuso mula sa mga kasama. Subalit ang Bibliya ay nagbababala: “Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo.” (Kawikaan 29:25) Labis mo bang ikinatatakot kung ano ang iisipin sa iyo ng iba anupa’t isinasaisang-tabi mo ang iyong sariling mga paniwala at paggalang-sa-sarili? Sino ang dapat mong higit na palugdan: ang iyong mga kaklase o ang iyong mga magulang at ang iyong makalangit na Maylikha? Isa pa, ang mga kabataan na sinisiraan ka ng loob na mag-aral nang husto sa paaralan ay tiyak na hindi nag-iisip sa iyong kinabukasan, sapagkat sabi ng kawikaan: “Siyang may batugang kamay ay magiging dukha.” (Kawikaan 10:4) Sa gayon ang bagsak na mga marka ay maaaring maging pagsasanay sa kabiguan sa trabaho sa hinaharap.

Pagbawas sa Panggigipit

Kaya harapin mo nang may tibay-loob ang mga kaklase na sinisiraan ka ng loob na mag-aral! Maaaring ito ay hindi madali. Subalit maaaring makatulong sa iyo na unawain kung ano kadalasan ang nag-uudyok sa kanilang panliligalig. Ganito ang sabi ng magasing ’Teen: “Ang mga bobong tin-edyer na pinagtatawanan ang magagaling na estudyante ay karaniwang dumaranas ng takot na mabigo at kakulangan ng pagtitiwala-sa-sarili. Upang pagtakpan ang bagay na ang kanilang pagpapahalaga-sa-sarili ay hindi mataas na gaya ng kanilang mga marka, sinisikap nilang kumbinsihin ang ibang tao na sila ay aktuwal na natutuwang sila’y hindi kabilang sa magagaling na estudyante.” Inilalantad lamang ng kabataan na ‘patuloy na napopoot sa kaalaman’ ang kaniya mismong kamangmangan.​—Kawikaan 1:22.

Ang The High School Survival Guide ay nagpapayo: “Kung ang iyong mga kaibigan ay putuloy na humihiling na salungatin mo ang iyo mismong paniniwala . . . , pag-isipan mong muli ang inyong kaugnayan.” Si Michael ay naimpluwensiyahan ng kaniyang mga kaibigan na magbulakbol sa klase. “Subalit pagkatapos ay nakita ko ang aking mga kaibigan na nahuli at pinaalis sa paaralan. Sabi ko, hindi ito para sa akin.” Kaya siya ay kumalas sa mga kaugnayang iyon at pinagbuti niya ang kaniyang pag-aaral sa eskuwela.

Kung nakikita ng iyong mga kaklase na hindi ka susuko sa kanila, maaari pa ngang huminto ang panliligalig. Sabi ni Walt: “Hindi ko inaasahang magbago ang buong klase. Subalit kung makikita nila na hindi nila ako kayang inisin, humahanap sila ng iba na aabalahin.” Tandaan din, na ang panggigipit ng mga kasama ay hindi humihinto kapag ikaw ay nagiging adulto. Kaya ang pagkatuto kung paano mo ito pakikitunguhan ngayon ay maaaring maging napakahalaga sa dakong huli.

Hindi Pag-intindi sa mga Pang-abala sa Silid-aralan

Kumusta naman, ang tungkol sa nakayayamot na mga pang-abala sa silid-aralan? Ang Bibliya ay nagsasabi: “Ang pantas na tao ay makikinig at kukuha ng higit pang ikatututo.” (Kawikaan 1:5) Kinikilala ni Julie Hahn, awtor ng “Have You Done Your Homework?” na “ang pang-abala ng iba sa silid-aralan ay maaaring gumawa sa pakikinig na mahirap.” Gayumpaman, ipinakita niya na ang isang mahusay na tagapakinig ay maaaring matuto, kahit na sa isang maingay na silid-aralan. Paano? Sa pamamagitan na ‘pagpasok sa klase na handang makinig nang may katalinuhan.’ Iyan ay nangangahulugan ng paggawa ng iyong araling-bahay sa gabi upang ikaw ay maging pamilyar sa materyal na pinag-uusapan.

Isa pa, kumuha ng mahalagang nota​—hindi detalyado kundi isang talaan ng pangunahing mga punto at ilang sumusuportang detalye. Iniingatan nito ang iyong isip na sumusubaybay sa pinag-uusapan kapag nangyari ang mga pang-abala. At kung ang pagtutuon ng isip sa klase ay talagang imposible, baka wala kang magagawa kundi ang dagdagan ang dami ng araling-bahay na ginagawa mo. Kahit ang pinakakaunting pagsisikap sa bagay na ito ay magpapataas sa iyong marka. Ang araling-bahay ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataon na pagbutihin mo ang iyong pag-aaral sa isang kapaligiran na malaya sa mga pang-abala sa eskuwela.

Pagsasalita!

Gayunman, kung minsan nakakasumpong ka ng isang pang-abala​—gaya ng mga babae (o lalaki) na walang-tigil ng kabubulong​—nakaiinis upang waling-bahala. Sa ilang kaso baka isang mabuting ideya na kausapin ang tao o mga taong nasasangkot. Ipaalam mo sa kanila kung ano ang nadarama mo at kung paano nakakaapekto sa iyo ang kanilang gawi. Anong malay mo, baka sila’y maging makatuwiran tungkol sa bagay na ito at sa paano man ay tumahimik sila.

Maaaring matuklasan mo na ang nakaiinis na mga kilos ng iyong kaklase ay reaksiyon sa isang bagay sa iyong bahagi na nasusumpungan nilang nakayayamot. Marahil ang pag-aalok ng isang uri ng kompromiso​—o isang paumanhin sa iyong bahagi​—ay magiging marapat. At yamang ang paaralan ay isang seryosong bagay, huwag maging “labis-labis na matuwid,” anupa’t naiwawala mo ang iyong ugaling mapagpatawa. (Eclesiastes 7:16) Kadalasan ang isang kalagayan na nagiging dahilan ng kaguluhan sa klase ay talagang nakakatawa. Hindi mo kailangang ilayo ang iyong mga kapuwa mag-aaral sa pagiging mabagsik at hindi tumatawa.

Kung ang iyong mga kaklase ay kumilos nang may kapootan o ayaw nilang magbago, baka kailangang ipakipag-usap mo ang mga bagay na ito sa iyong guro. Subalit maghintay ng angkop na panahon upang magsalita, mas mabuting magsalita sa pribado. (Kawikaan 25:11) Marahil ikaw ay ililipat ng ibang upuan sa klase, o marahil ikaw ay ililipat sa ibang klase kung saan ang mga estudyante ay mas seryoso sa kanilang pag-aaral.

Ipaalam Mo sa Iyong mga Magulang

Ano kung ang pinakamabuting pagsisikap na ayusin ang mga bagay sa iyong mga kaklase at guro ay bigo? Isang magulang na Kristiyano na nagtatrabaho bilang isang guro sa paaralang-bayan ay nagpapayo: “Makipag-usap sa iyong mga magulang tungkol sa kung ano ang nangyayari sa paaralan​—ang iyong mga kabiguan at mga pagsubok. Sila ay magiging higit na interesado sa iyo at higit na makikipag-usap sa iyo, at ito ay tutulong sa iyo na makayanan ito.” Malamang na nais ng iyong mga magulang na iyong ‘ibigay ang iyong puso sa kanila’ sa ganiyang paraan.​—Kawikaan 23:26.

Baka mayroon pa nga silang ilang praktikal na mga mungkahi. Halimbawa, maaari nilang imungkahi na bigyan mo ng higit na pansin ang iyong araling-bahay at bigyan ka ng personal na tulong. Maaaring mayroon din silang ilang ideya kung paano lalapitan ang iyong guro at magulong mga kaklase. Sa ilang mga kaso, baka ipalagay pa nga nilang kailangang dalawin ang mga awtoridad sa paaralan alang-alang sa iyong kapakanan.

Ginagawang Matagumpay ang Iyong mga Taon sa Paaralan

Tandaan, ikaw ay nasa paaralan upang matuto. At kung ikaw ba ay magtatagumpay o mabibigo ay kadalasang depende sa pinipili mong mga kaibigan. Sabi ni Zélia: “Kung nais mong maging bahagi ng barkada, magkakaroon ka ng mas maraming problema sapagkat upang ikaw ay tanggapin, inaasahan nila na gagawin mo ang lahat ng bagay na ginagawa nila.” Oo, “ang masamang kasama ay sumisira ng mabubuting ugali.” (1 Corinto 15:33) Sa kabilang dako, ang mabubuting kasama ay nagpapatibay ng ating pasiya at kakayahan na gawin ang mga bagay na tama. Piliin ang mga kaibigan na ang paniniwala at pagnanais na matuto ay katulad ng sa iyo.

Kung minsan kailangang pamuhayan ng isa ang isang masamang kalagayan. Gayunman, “malaki ang nagagawa ng panalangin ng matuwid na tao, pagka nagkakabisa.” (Santiago 5:16) Sulat ng isang babaing Kristiyano: “Ang palaging pang-abala ay mahirap pakitunguhan. Basta hindi ko ito pinapansin. Kapag nadarama kong nais kong sumigaw dahil sa kabiguan, nananalangin ako kay Jehova upang ako’y magkaroon ng pagpipigil-sa-sarili.” Magagawa mo rin ito, at hindi lamang bilang isang panghuling dulugan. Gawing bahagi ng iyong pang-araw-araw na buhay ang panalangin.

Ang pagkatuto ay talagang isang hamon. Subalit taglay ang determinasyon at tulong mula sa iyong mga magulang, guro, at sa Diyos na Jehova, maaari kang magtagumpay, kahit na kung ang iba ay ayaw matuto.

[Larawan sa pahina 15]

Ang pagkuha ng nota ay isang paraan upang hadlangan ang mga pag-abala sa silid-aralan

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share