Naantalang Pamilihan
Isang cartoon kamakailan sa “Scranton Times,” ng Scranton, Pennsylvania, ay nagkomento tungkol sa matagal nang pagkaantala sa pagkompleto sa mga plano ng bayan para sa isang pamilihan. Sabi ng isang tauhan sa isa pa: “Para bang napakatagal bago simulan ang pamilihan!” na tinugon naman ng isa: “Dapat nilang tawagin itong ‘ang Downtown Mall Kingdom Hall!’ Maitatayo ito ng mga Saksi ni Jehova sa loob ng 3 araw!”
Sa maraming bansa ang mga Saksi ni Jehova ay nagiging kilala sa kanilang daan-daang madaling itayong mga Kingdom Hall. Mayroon silang pantanging sinanay na mga manggagawa sa konstruksiyon at mabuting patiunang pagpaplano. Bunga nito, ang mga Kingdom Hall ay itinatayo sa loob ng mula 30 oras hanggang 4 na araw. At napapansin ito ng mga tao.