Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 7/8 p. 11-12
  • Tabako at Sensura

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tabako at Sensura
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Milyun-Milyong Buhay ang Naging Abó
    Gumising!—1995
  • Pangunahing Target ba ang Inyong Bansa?
    Gumising!—1989
  • Moralidad sa Tabako?
    Gumising!—1991
  • Nagbunsod ng Puro-Hanging Pangangatuwiran ang mga Tagatangkilik ng Sigarilyo
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 7/8 p. 11-12

Tabako at Sensura

“Tama na ang Sensura! Ang kalayaan sa pagsasalita​—pati na ang kalayaang mag-anunsiyo​—ay isang karapatan na dapat nating ingatan. Ang pagbabawal sa pag-aanunsiyo ng sigarilyo ay hindi itinataguyod ng karamihan ng mga Amerikano.”​—Anunsiyo sa pahayagan, Enero 1989, batay sa “isang pambansang surbey sa telepono ng 1500 mga adulto.” Subalit kinakatawan ba ng 1,500 “ang karamihan ng mga Amerikano”?

ANG mga tagapag-anunsiyo ng tabako ay nangangatuwiran na hindi iminumulat sa mga tao ng kanilang mga anunsiyo ang paninigarilyo. Tinitiyak lamang nito ang distribusyon ng kalakal sa gitna ng magkakaibang marka. Gayunman, ang kasalukuyang pagdami sa gitna ng mga maninigarilyong babae ay nagpapabulaan sa sinasabing iyon. Subalit mayroon pang isang nakapipinsalang impluwensiya na nagmumula sa kapangyarihang ginagamit ng mga tagapag-anunsiyo ng tabako.

Kamakailan lamang, upang magtinging kagalang-galang, ang mga kompaniya ng tabako sa E.U. ay bumili ng mga kompaniya ng pagkain at inalis ang salitang tabako sa pangalan ng kanilang mga korporasyon. Sa gayon, ang American Tobacco Company ay naging American Brands; ang R. J. Reynolds Tobacco Company kamakailan ay naging RJR/Nabisco; ang Brown and Williamson Tobacco Corporation ay naging Brown and Williamson Industries. Subalit ano ba ang isa sa mga resulta ng mga pagbabagong ito? Mas mapamilit na pag-aanunsiyo. Bakit gayon?

Kahit na ang mga magasin na hindi kailanman nagtatampok ng mga anunsiyo sa tabako ay kailangang mag-isip na makalawa tungkol sa paglalathala ng mga artikulong mapunahin sa paninigarilyo at sa mga produkto ng tabako. Oo, maaaring hindi mawala ang buwis sa pag-aanunsiyo ng tabako. Subalit kumusta naman ang iba pang kompaniya na ngayo’y kabilang na sa mga negosyante ng tabako at nag-aanunsiyo ng pagkain at iba pang produkto? At kumusta naman ang tungkol sa mga artikulo o mga pangungusap na maaaring magpasamâ sa paninigarilyo? Narito ang saligan para sa isang tuso, halos walang sapat na pagkaunawang pagsensura-sa-sarili.

Isang kapansin-pansing kaso ay ang Hunyo 6, 1983, na labas ng Newsweek. Ang mga labas bago at pagkatapos niyaong Hunyo 6 ay may pito hanggang sampung pahina ng mga anunsiyo sa sigarilyo. Subalit ang Hunyo 6 na Newsweek ay may 4.3 pahina tungkol sa isang kontrobersiyal na seryeng pinamagatang “Showdown on Smoking.” Ilang pahina ng mga anunsiyo sa sigarilyo mayroon ang labas na iyon? Wala. Ganito ang sabi ng autor na si White: “Nang malaman ng mga kompaniya ng sigarilyo ang plano para sa istorya, hiniling nilang alisin ang kanilang mga anunsiyo. Ang magasin ay maaaring nalugi ng hanggang $1 milyon sa pag-aanunsiyo dahil sa paglalathala ng istoryang iyon.”

Ang buwis na nakukuha sa pag-aanunsiyo ang buhay ng mga magasin at mga pahayagan. Ipinakikita ng katibayan na maingat na iniisip ng mga editor kung anong materyal ang ilalathala nila na pupuna sa industriya ng tabako, kung mayroon man. Isang manunulat tungkol sa kalusugan ay nagsabi: “Halimbawa, kung ilalagay ko ang paninigarilyo sa listahan ng mga salik na nagiging sanhi ng sakit sa puso, alin sa ilalagay ito ng editor ko sa dulo ng listahan o aalisin ito.” Gaya ng binabanggit ng kasabihan, “Siyang nagbabayad sa tumutugtog ng pipa ang nagbibigay ng tono.” Ang pagsensura-sa-sarili ang naging kausuhan.

Kawili-wili, iniulat ng The Wall Street Journal na sa yugto ng mahigit na anim na taon na itinatampok ng dalawang magasin na patungkol sa mga itim ang mga anunsiyo ng tabako, alinman sa kanila ay hindi naglathala ng anumang artikulo na tuwirang may kaugnayan sa paninigarilyo at kalusugan. Nagkataon lamang? Maliwanag, ang mga magasin na nag-aanunsiyo ng mga produkto ng tabako ay hindi kakagat sa kamay ng nagpapakain sa kanila. Kaya umiiwas sila sa paglalantad ng mga panganib ng paninigarilyo.

Ang rebistang ito tungkol sa paksang tabako, paninigarilyo, at pag-aanunsiyo ay tumutulong sa atin na maunawaan na malaki ang nakataya. Para sa mga nagtatanim ng tabako, nakataya ang kanilang kabuhayan. Para sa mga negosyante ng tabako, mga ahente, nakataya ang kanilang malalaking pakinabang. Para sa mga gobyerno, nakataya ang mga buwis. At para sa angaw-angaw na mga maninigarilyo, nakataya ang kanilang kalusugan at ang kanilang buhay.

Kung ikaw ay isang maninigarilyo o ikaw ay nagbabalak manigarilyo, ang pagpili ay nasa iyo. Gaya ng nais ipaalaala sa iyo ng mayayamang negosyante ng tabako sa E.U., karapatan mo na ginagarantiya ng konstitusyon na manigarilyo. Subalit tandaan, nangangahulugan din iyan na karapatan mo rin na iginagarantiya ng konstitusyon na suungin ang panganib na mamatay dahil sa kanser sa bagà o sa lalamunan, sakit sa puso, empisema, sakit na Buerger (tingnan ang kahon sa pahina 9), at marami pang ibang nakamamatay na karamdaman. Sa kabilang dako, kung nais mong ihinto ang paninigarilyo, paano mo magagawa ito? Ano ang kailangan? Pangganyak!

[Larawan sa pahina 12]

Walang pagbabagong nagbabala si U.S. surgeon general Koop laban sa mga panganib ng paggamit ng tabako

[Credit Line]

Public Health Service photo

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share