Pagtutulungan—Para Iyan sa mga Ibon
Kilalanin ninyo ang white-fronted bee-eater ng Aprika, isang ibon na nanghuhuli ng mga insekto, pati na ng mga pukyutan, samantalang lumilipad. Ang makulay na munting nilikhang ito ay kilala rin dahil sa hindi makasariling katangian nito. Sa halip na magpugad sa isang punungkahoy, humuhukay ito sa buhanginan at gumagawa ng isang pugad sa dulo ng isang mahabang tunel, kung saan nangingitlog ang babae. Kapag ito ay napisa, nakikipagtulungan ang iba pang bee-eater, tumutulong sa mga magulang sa paglalaan ng pagkain sa mga inakay. Ang mga kusang katulong na ito ay kadalasang mga batang ibon na dating mga inakay, at kasali rin dito ang mga ibon na walang kaugnayan. Kapag kaunti ang pagkain, gaya kung panahon ng tagtuyot, napansing dumarami ang bilang ng mga katulong na bee-eater.
“Kahit na kung hindi panahon ng pagpaparami,” sabi nina Sinclair at Mendelsohn sa aklat na Everyone’s Guide to South African Birds, “ang uring ito ng ibon ay karaniwang nagsasama-sama sa maliliit na grupo, at sa gabi, ang marami ay sama-samang humahapon sa mga punungkahoy”—na isa pang patotoo na ‘ang mga ibong magkakauri ay magkakasama.’
[Picture Credit Line sa pahina 31]
World copyright photograph ni Peter Johnson