Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 9/8 p. 8-9
  • Ano ang Maaaring Gawin?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Maaaring Gawin?
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Nakalilitong Lagay ng Panahon
    Gumising!—1998
  • Ano ba ang “Greenhouse Effect”?
    Gumising!—1989
  • Ano ang Bagong mga Pagsulong sa Pagkuha ng Enerhiya?
    Gumising!—2005
  • Ang Ating Sinalantang Lupa—Ang Pagsira ay Ginagawa sa Maraming Dako
    Gumising!—1993
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 9/8 p. 8-9

Ano ang Maaaring Gawin?

Ang mga ideya upang labanan ang greenhouse effect ay mabilis na dumarami na gaya ng pangglobong populasyon. Ang ilan ay maaasahan. Ang iba ay hindi.

1 ENERHIYA BUHAT SA ARAW: Ang paggamit ng enerhiya buhat sa araw ay naglaho sa paningin ng publiko sa nakalipas na mga taon, dahilan sa pagbagsak ng presyo ng langis. Gayunman, sa kasalukuyan, malaking mga pakinabang ang nagawa sa kahusayan ng mga solar cell. Gaya ng iniulat kamakailan ng The New York Times, sa kauna-unahang pagkakataon, “ang paggawa sa enerhiya buhat sa araw tungo sa lakas ng kuryente ay maaaring ihambing sa kahusayan ng conventional power generation.” Kung ang enerhiya buhat sa araw ay maging tunay na paligsahan, ang teknolohiyang ito ay maaaring tumulong upang bawasan ang greenhouse na mga pagbuga habang hinahalinhan ng mga planta ng kuryenteng pinaaandar ng enerhiya buhat sa araw ang karaniwang mga planta.

2 GATONG NA HIDROHENO: Ito ang ideya na sa paano man ay teknolohikal na maaaring gawin​—ang paggamit ng dalisay na hidroheno, sa halip ng mga produkto ng petrolyo, bilang gatong sa mga eruplano at marahil kahit na sa mga kotse. Mula sa ‘greenhouse’ na pangmalas, ang bentaha ng gatong na hidroheno ay na ito ay nasusunog na walang dumi. Walang nagagawang carbon dioxide sa lahat ng pagsusunog ng hidroheno, singaw lamang. Ang hidroheno ay isang ekselenteng pinagmumulan ng enerhiya. Sa katunayan, libra sa libra mas matagal na paliliparin nito ang isang eruplano nang tatlong beses kaysa itatagal ng isang jet na pinatatakbo ng petrolyo. Ang isang problema nga lamang ay na tatlong ulit rin itong mahal. Ang mas malaking problema ay na ang likidong hidroheno ay dapat panatilihing napakalamig at kontrolado ang presyon. Ang anumang pagtagas sa sistema ng gatong ay maaaring humantong sa nakapipinsalang pagsabog, gaya ng kaso ng sasakyang pangkalawakan ng Amerika na Challenger.

3 PANANGGA SA KALAWAKAN: Pagkalaki-laking mga “payong” sa kalawakan na yari sa maninipis na plastik na magbibigay ng dambuhalang mga anino sa lupa ay inirekomenda. Mangangailangan ito ng mga satelayt na ang laki ay katumbas ng 2 porsiyento ng ibabaw ng lupa para sa inaasahang pagdoble ng carbon dioxide. Ang planong ito ay hindi magiging popular sa mga astronomo!

4 PANGGLOBONG MULING PAGTATANIM NG PUNUNGKAHOY: Alam mo ba na ang lubhang mahusay, walang polusyon, sumusustini-sa-sarili na mga kagamitan para sa pag-aalis ng carbon dioxide sa atmospera ay umiiral na? Ang mga ito ay mga punungkahoy. Ginagamit ng luntiang mga halaman ang carbon dioxide bilang pagkain, itinatago ang carbon para sa kanilang sariling gamit at ibinabalik ang oksiheno sa hangin. Kaya nga, ang pagdami ng carbon dioxide ay dapat magparami ng halaman sa buong daigdig, na gagamit sa ekstrang carbon dioxide at tutulong na sawatain ang greenhouse effect. Subalit, nakalulungkot sabihin, hindi gayon ang nangyayari sa mga halaman. Ang mga halaman na nakakaalis ng pinakamaraming carbon sa bawat ektarya ay ang mga punungkahoy, at ang mga punungkahoy ay mabilis na pinuputol sa buong daigdig.

Dahil sa pangglobong hilig na ito, hinihimok ng maraming siyentipiko ang malawakang muling pagtatanim ng punungkahoy upang labanan ang greenhouse effect. Binabanggit nila, halimbawa, na ang apat na milyong ektarya ng mga punungkahoy ay makasisipsip sa lahat ng carbon dioxide na ibinubuga ng mga planta ng kuryente sa susunod na sampung taon. Ang mga programa upang maabot ang tunguhing ito na nagkakahalaga ng libu-libong milyong dolyar ay tinalakay sa paglilitis ng Senado sa Estados Unidos noong nakaraang taon.

Ang gayong programa ay maaaring magtagumpay sa Estados Unidos, subalit kumusta naman sa Tropiko? Ang mga panggayak upang magtanim ng punungkahoy ay hindi nakaaakit sa nagugutom, hikahos na mga tao kung saan ang mga punungkahoy ay sinisira upang linisin ang lupa upang tamnan ng mga pananim. Gayumpaman, ang tropikal na mga kagubatan ng daigdig ay bahagi ng tagagawa-ng-oksihenong proseso na mahalaga sa buhay para sa buong planeta, at ang mga ito ay tinatagpas, sinusunog, at pinapatay. Maputol kaya ang mahalagang panustos ng buhay?

5 NAKAMAMATAY NA SINAG NG CFC: Ang dambuhalang mga laser ay maaaring patalsikin mula sa lupa tungo sa atmospera, katugma ng mga frequency ng enerhiya na sinisipsip ng mga gas na chlorofluorocarbon. Mabuti na lang at pasasabugin ng enerhiyang ito ang mga molekula ng CFC bago pa ito magtungo sa stratosphere at salakayin ang ozone layer. Kabilang sa mga problema rito ang gastos at kailangang enerhiya ng mga laser at “kung baga makukuha mo ang enerhiya ng laser na sinipsip ng mga CFC at hindi ang iba pang mga molekula, gaya ng singaw at carbon dioxide,” sang-ayon sa pisisista sa Princeton University na si Thomas Stix.

6 MGA SATELAYT NA ANG LAKAS AY BUHAT SA ARAW: Ang dambuhalang mga solar cell na nasa kalawakan ay maaaring patuloy na magtipon ng enerhiya buhat sa araw kahit na may ulap o sa gabi. Ang enerhiya ay saka pasisinagin pababa sa lupa bilang mga sinag ng microwave o laser. Ang ideya ay gamitin ang enerhiya buhat sa araw sa halip na magsunog ng higit na mga gatong na fossil. Ang teknikal na mga sagabal at lawak ng proyekto ay nakatatakot.

[Dayagram/Larawan sa pahina 8, 9]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

1 SOLAR ENERGY

2 HYDROGEN FUEL

3 SPACE SHIELDS

4 GLOBAL REFORESTATION

5 CFC DEATH RAYS

6 SOLAR POWER SATELLITES

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share