Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 8/22 p. 5-7
  • Mapaniniwalaan Mo ba ang Iyong Nababalitaan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mapaniniwalaan Mo ba ang Iyong Nababalitaan?
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagpili at Paghaharap ng Balita
  • Mga Pangkat na Nanggigipit
  • Impluwensiya sa Publiko
  • Mapagkakatiwalaan Mo ba ang News Media?
    Gumising!—2013
  • Pagsapat sa Hangaring Makasagap ng Balita
    Gumising!—2005
  • Gaano Na Kalaki ang Epekto sa Akin ng Social Media?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Isang Siglo na Sabik-sa-Balita
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 8/22 p. 5-7

Mapaniniwalaan Mo ba ang Iyong Nababalitaan?

NOONG Mayo 10, 1927, isang pantanging edisyon ng pahayagang Pranses na La Presse ay nag-ulat na ang kauna-unahang matagumpay na walang-hintong paglipad sa ibayo ng Atlantiko ay ginawa ng dalawang abyador na Pranses, sina Nungesser at Coli. Itinampok ng unang pahina ang larawan ng dalawang piloto gayundin ang mga detalye tungkol sa kanilang pagdating sa New York. Subalit ang kuwentong ito ay gawa-gawa lamang. Sa katunayan, ang eruplano ay nawala, at ang mga piloto ay namatay.

Gayunman, ang huwad na mga ulat ng balita ay mas karaniwan kaysa inaakala ng karamihan. Noong 1983 ang personal na mga kalatas, na ipinalalagay na kay Hitler, ay inilathala sa kilalang lingguhang mga magasin, lalo na sa Pransiya at sa Kanlurang Alemanya. Ang mga ito pala ay huwad.

Sa kahawig na paraan, noong 1980 isang kuwento tungkol sa isang kabataang sugapa sa droga ay inilathala sa Washington Post. Ang ulat ay nagpangyari sa autor na magwagi ng gantimpalang Pulitzer, ang pinakamataas na gantimpala sa isang peryodista sa Estados Unidos. Subalit nang dakong huli ang kuwento ay inihayag na gawa-gawa lamang, katha-katha lamang. Ginigipit ng mga imbestigador, ang autor ay nagsumite ng kaniyang pagbibitiw, na ang sabi: “Humihingi ako ng tawad sa aking pahayagan, sa aking propesyon, sa lupon ng Pulitzer at sa lahat ng naghahanap ng katotohanan.”

Gayunman, ang gawa-gawang balita, o huwad na mga ulat, ay hindi siyang tanging hadlang sa pag-alam ng katotohanan tungkol sa kung ano ang nangyayari sa daigdig.

Pagpili at Paghaharap ng Balita

Karaniwang pinipili ng mga peryodista at ng mga editor ang balitang nakaaakit sa publiko bagaman maaaring ito’y walang kabuluhan. Binibigyan ng prayoridad kung ano ang nakagugulat o nakatatawag-pansin upang dumami ang sirkulasyon at tumaas ang rating. Ang mga artista sa larangan ng entertainment at isports ay itinatampok, anumang uri ng huwaran ang ibinibigay nila sa mga kabataan. Kaya kung ang isa sa kanila ay nagkakaroon ng isang mangingibig, mag-asawa, o mamatay, kadalasang ito’y nagiging balita.

Ang balita sa telebisyon ay karaniwang nagtatampok ng mga paksang kaakit-akit sa paningin. Ang pinuno ng isang malaking kompaniya ng telebisyon, gaya ng iniulat sa magasing TV Guide, “ay nagsabi na nais niya ng ‘mga sandali’ sa mga brodkast​—nakasisindak, nakagugulat na mga sandali upang akitin ang manonood sa bawat istorya.” Oo, ang pag-akit sa mga manonood ay karaniwang mas mahalaga kaysa pagtuturo sa publiko.

Ang paraan ng paglalarawan sa mga pangyayari ay maaaring hindi magsabi ng buong larawan. Halimbawa, sinabi ng isang lingguhang suplemento sa pahayagang Pranses na Le Monde ang tungkol sa “tatlong set ng telebisyon na sumabog [sa Pransiya] sa loob lamang ng labinlimang araw.” Bagaman ito ay iniharap bilang isang pambihirang bagay, ang bilang ng mga pagsabog ng mga set ng telebisyon para sa yugtong iyon ng 15-araw ay aktuwal na mas kaunti kaysa karaniwan.

Gayundin, kung minsan ang mahalagang balita ay maaaring iharap sa paraang may pagkiling. Iniuulat ng Parade Magazine na ang mga opisyal at mga pulitiko ay kadalasang “pinadaraan ang kanilang panlilinlang sa media, pinipilipit ang balita upang maimpluwensiyahan ang iyong pag-iisip. Pinipili nila ang mga katotohanan sa halip na sabihin ang buong katotohanan.”

Ito’y nakababahala sa maraming komentarista sa balita. Ang Pranses na Encyclopædia Universalis ay nagsasabi: “Sapol noong wakas ng 1980’s, ang mahalagang media, at lalo na ang telebisyon, ay kinondena sa lahat ng panig, ng mga propesyonal at mga karaniwang tao, ng mga taong lansangan, at ng mga kilalang tao, sa kung ano ang sinabi at kung ano ang hindi sinabi, sa paraan ng pagkakasabi nito at sa iba’t ibang pagpapahiwatig.”

Ang malayang pagpapalitan ng balita sa buong daigdig na lawak ay isa ring problema at paksa ng mainit na pagtatalo sa UNESCO (United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization). Ang nagpapaunlad na mga bansa ay nagrereklamo na sila ay binabanggit lamang sa balita kapag may nangyaring malaking sakuna o malubhang pulitikal na problema. Pagkatapos sabihing ang ilang pahayagan sa Kanluran ay nagdadala ng mas maraming balita tungkol sa mga bansa sa Hilagang Hemispero kaysa roon sa nasa Timog Hemispero, isang artikulo sa pahayagang Pranses na Le Monde ay nagsabi pa: “Ito ang pinagmulan ng isang malubhang di pagkakatimbang na nakaaapekto sa opinyon ng publiko sa industrialisadong mga bansa gayundin sa nagpapaunlad na mga bansa.”

Mga Pangkat na Nanggigipit

Ang panggigipit ng mga tagapag-anunsiyo sa mga editor ng balita ay nakaaapekto pa sa balita na tinatanggap ng publiko. Noong 1940’s isang magasin sa E.U. ang nawalan ng mga anunsiyo mula sa mga manggagawa ng piyano nang ilathala nito ang isang artikulo na nagpapakita ng mga pakinabang ng paggamit ng gitara upang saliwan ang pag-awit. Nang maglaon isang editoryal ang inilathala sa magasin na pinupuri nang husto ang piyano! Kaya, ang nauugnay na kasalatan ng mga artikulong naglalantad sa mga panganib ng paninigarilyo ay hindi dapat makagulat dahil sa dami ng mga magasin na ang malaking pinagkikitaan ay ang mga anunsiyo ng sigarilyo.

Ang isa pang dako ng panggigipit ay kinasasangkutan ng mga mambabasa o manonood mismo. Si Raymond Castans, dating direktor ng isang popular na istasyon ng radyo sa Pransiya, ay nagsabi na ang karamihan ng mga tagapakinig ay konserbatibo, kaya kailangang maging maingat upang huwag silang mabalisa. Kaya kataka-taka ba na sa isang bansa kung saan nangingibabaw ang isang relihiyon, ang hindi mabuting mga bagay tungkol dito ay pinatatahimik o binabawasan?

Ang panggigipit ay dala rin ng mga pangkat na ekstremista o ng mga indibiduwal na nag-aakalang hindi binibigyan ng sapat na atensiyon ang kanilang mga opinyon sa media. Mga ilang taon ang nakalipas, iginiit ng mga teroristang kumidnap kay Aldo-Moro, ang dating-punong ministro ng Italya, na ang kanilang mga kahilingan ay ibalita sa telebisyon, sa radyo, at sa mga pahayagan sa Italya. Gayundin, ang mga teroristang nag-hijack ng mga eruplano at kumuha ng mga hostage ay nauulat sa TV at sa gayo’y nabibigyan ng publisidad na hinahanap nila.

Kung minsan ang mga peryodista ay napagbibintangang sunud-sunuran, pinananatili ang tatag na mga sistema at mga opinyon. Subalit maaasahan ba natin na ang isang industriya na naghahangad na magkaroon ng pinakamaraming mambabasa o tagapakinig ay magpapalaganap ng mga ideya at palagay na salungat sa karamihan ng mga taong pinaglilingkuran nila?

Isang nauugnay na problema ay na sa maraming bansa ang tumataas na halaga ay nagpangyari sa mga pahayagan na magsama-sama, sa gayo’y bumubuo ng literal na “mga imperyo ng pahayagan” sa kamay ng maliliit na grupo o ng isang tao pa nga. Kung ang bilang ng mga may-ari ay patuloy na uunti, tatakdaan nito ang pagkasarisari ng inilalathalang opinyon.

Impluwensiya sa Publiko

Walang alinlangan na ang news media ay nakatulong din sa paghubog ng mga pamantayan sa lipunan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paghaharap bilang tinatanggap, ang mga pamantayan sa asal at mga istilo-ng-buhay na tinanggihan mga ilang taon lamang ang nakalipas.

Halimbawa, maaga noong 1980’s, isang lalaking nasa kalagitnaang-gulang, isa sa mga Saksi ni Jehova, ay nakipag-usap tungkol sa homoseksuwalidad sa kaniyang ama, na noo’y nakatira hindi malayo sa San Francisco, California. Maaga sa kaniyang buhay, ipinahayag ng ama sa kaniyang anak ang kaniyang palagay na ang homoseksuwal ng paggawi ay nakasisindak. Ngunit pagkatapos, pagkalipas ng mga dekada, palibhasa’y naimpluwensiyahan ng news media, ipinagtanggol ng matanda nang ama ang homoseksuwalidad bilang isang tinatanggap na mapagpipiliang istilo-ng-buhay.

Ang Encyclopedia of Sociology (Pranses) ay nagsasabi: “Maaaring ikintal sa isip ng radyo at telebisyon . . . ang bagong mga ideya, himukin ang bumabago o nanggugulong mga hilig. Sa paghahangad ng nakagugulat na balita, itinataguyod ito ng media mula sa simula at pinalalabis ang halaga nito.”

Kung ayaw nating hubugin ng media ang ating mga pamantayan, ano ang magagawa natin? Dapat nating sundin ang matalinong payo na masusumpungan sa Bibliya. Sapagkat ang mga pamantayan at mga simulain nito ay nananatiling may bisa sa anumang lipunan sa anumang panahon sa kasaysayan. Isa pa, tinutulungan tayo nito na maunawaan kung gaano kahalaga na tayo’y baguhin ng mga pamantayan ng Diyos at hindi ng popular na mga ideya ng modernong sanlibutan.​—Isaias 48:17; Roma 12:2; Efeso 4:​22-24.

Karagdagan pa, ipinaliliwanag ng Bibliya ang isang mahalagang bahagi ng balita na karaniwang hindi nailalathala sa media. Suriin natin ang aspektong ito sa susunod na artikulo.

[Larawan sa pahina 7]

Nakukuha ng mga kilusang ekstremista ang publisidad na nais nila

[Credit Line]

Photo ANSA

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share