Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 8/22 p. 14-15
  • Ano ang Magagawa Mo sa mga Pagkumpuni sa Bahay?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Magagawa Mo sa mga Pagkumpuni sa Bahay?
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Argamasa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Almires
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Palitada
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 8/22 p. 14-15

Ano ang Magagawa Mo sa mga Pagkumpuni sa Bahay?

ANG pantas na tao noong sinaunang panahon ay nagsabi: “Sa bawat bagay ay may takdang panahon.” (Eclesiastes 3:1) Pagdating sa mantensiyon sa bahay, anong pagkatotoo nga nito! Kung hindi agad pangangalagaan, ang mga pagkumpuni sa iyong tahanan ay magiging mas magastos at kumukunsumo ng panahon. Ang lunas?

Gumawa ng isang iskedyul para sa pangontrang mantensiyon, at saka sundin ang “takdang panahon” upang gawin ito. Maaari mong tandaan ang mga araw para sa gawaing iyon sa iyong kalendaryo. Gagawin nitong listo ang iba pang miyembro ng iyong pamilya na maging libre at tumulong kung kinakailangan.

May dalawang ginintuang tuntunin para sa wastong mantensiyon sa bahay. Una, iwasan ang hangga’t maaari’y maraming problema bago ito magsimula. At ikalawa, lutasin agad ang lumilitaw na problema. Maingat na siyasatin ang iyong bahay sa tagsibol o sa taglagas, binibigyan ng pansin ang bubong. Hindi lamang maaaring sirain ng tulò ang loob ng bahay kundi maaari rin nitong sirain ang mga dingding at ang labas ng gusali.

Idagdag pa sa iyong taunang pagsusuri sa bubong ang pagtingin dito pagkatapos ng isang matinding unos. Bagaman may magagawa kang kaunting pagkumpuni sa isang patag na bubong, ang maaasahang kontratista ang pinakamabuting makagagarantiya ng isang mas nagtatagal na lunas sa mga problema sa bubong.

Kung ang iyong bahay ay napalilibutan ng mga puno, kung gayon ang taglagas ay maaaring magdala ng problema tungkol sa mga patay na dahon na nagtitipon sa mga alulod, binabarahan ang daloy ng tubig-ulan. Kaya, tingnan ang mga alulod at tubo ng alulod (downspouts). Tapalan ang anumang butas ng waterproof caulk. Ang pagpipintura ng isang mahusay na pang-ibabaw na makintab na pintura ay magbibigay ng proteksiyon sa mga alulod na metal.

Kailangan ding regular na siyasatin ang mga dingding ng iyong tahanan. Masdan ang mga bitak, pamamasa, at natatanggal na semento sa pagitan ng mga laryo. Maaaring tanggalin ng pinagsamang epekto ng hangin, ulan, at yelo ang semento o iba pang pamasak na nag-iingat sa iyong dingding upang huwag pasukin ng tubig. Kung mangyari ang pagtanggal na ito, kakailanganin mong gumawa ng mga pagkumpuni.

Sa regular na saligan, lubusang suriin ang kahoy ng iyong bahay. Sundutin ang ibabang bahagi ng mga pinto, ang mga hamba nito, at ang mga pasimano upang malaman kung ang mga ito ay nabubulok. Kung ang dakong apektado ay malaki, baka maaari mo itong putulin at palitan ito ng maayos na kahoy. Baka posibleng gamutin ang maliit na bahaging nabubulok sa pamamagitan ng isang pangpreserba ng kahoy na naglalaman ng fungicide.

Nagkakaroon ng bukbok sa mamasa-masa, walang gaanong bentilasyong dako sa loob ng bahay. Maaari itong kumalat, kahit na sa palitada, semento, at laryo. Ang pag-aalis ng bukbok ay nangangailangan ng maagap, dalubhasang atensiyon. Mabuti pa, iwasan na magkaroon nito sa pagtiyak ng mabuting bentilasyon sa buong bahay.

Upang maging dalubhasa sa mantensiyon ng bahay, maging mapagmasid. Regular na inspeksiyunin ang iyong tahanan, sa labas at sa loob. Gawin kaagad ang kinakailangang mga pagkumpuni. Gawin mo kung ano ang magagawa mo, ngunit kung kinakailangan, huwag mag-atubiling hingin ang tulong ng mga eksperto.

[Kahon/Mga larawan sa pahina 15]

PAGLILINIS SA ALULOD AT TUBO NG ALULOD

Pag-aalis ng Bara sa Alulod

◼ Bago alisin ang banlik at mga basura, takpan ang bukasan sa tubo ng alulod ng malaking basahan upang huwag pumasok ang basura sa tubo.

◼ Kayurin ang bara patungo sa isang balde na nakabitin sa iyong hagdan.

◼ Alisin ang basahan, at saka buhusan ng tubig ang alulod. Kung hindi ito umaagos nang tuluyan, kung gayon ang bara ay nasa tubo ng alulod.

Pag-alis ng Bara sa Tubo ng Alulod

◼ Kung may mga paagusan sa ibaba ng tubo ng alulod, lagyan ng sisidlan doon upang huwag itong barahan ng mga basura.

◼ Mula sa ibaba, sundutin ng matigas ng alambre ang tubo upang paluwagin ang anumang bara sa gawing ibaba.

◼ Mula sa tuktok ng tubo ng alulod, ipasok ang isang matigas, may kawit na alambre sa tubo upang makuha kung anuman ang bumabara sa itaas.

[Kahon/Mga larawan sa pahina 15]

PAGKUMPUNI SA MGA DINGDING NA LARYO O BLOKE NG SEMENTO

Muling Pagpatse (Pagkumpuni sa mga Dugtong na Halo ng Semento)

◼ Gumamit ng sinsel at martilyo upang alisin ang tanggal na halo ng semento sa lalim na halos 1 centimetro.

◼ Iskobahin ang dakong muling papatsihan ng isang matigas na iskobang alambre upang alisin ang mga piraso ng tanggal na halo ng semento at alabok.

◼ Maghalo ng semento subalit huwag higit kaysa magagamit bago ito tumigas.

◼ Basain ng tubig ang mga laryo at ang nasa ilalim na halo ng semento.

◼ Ilagay ang halo ng semento sa mga puwang sa pagitan ng mga laryo sa pamamagitan ng isang pampalitadang trowel.

◼ Pagkatapos matuyo ang halo ng semento, ngunit bago ito lubusang tumigas, sa pamamagitan ng isang tuyo’t matigas na brotsa, linisin ang anumang kalat na halo ng semento sa laryo.

Muling Pagpalitada

◼ Tapyasin ang basag o natanggal na palitada o kongkreto.

◼ Basain ang dingding.

◼ Ipalitada ang bagong halo ng semento sa dingding sa pamamagitan ng isang trowel.

◼ Hayaang tumigas ang halo ng semento.

◼ Gurlisan ang pang-ibabaw upang dumikit ang panghuling pahid ng semento.

◼ Ilagay ang huling pahid ng semento.

◼ Upang pantayin ang ibabaw, gamitan ng kapirasong kahoy ang basang halong ito ng semento na ang pagkilos ay para kang naglalagare.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share