Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 8/22 p. 20
  • “Ang Punong Baligtad”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ang Punong Baligtad”
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Kahanga-hangang “Puno ng Buhay” ng Aprika
    Gumising!—1995
  • Puno ba Talaga Iyan?
    Gumising!—2008
  • “Iniibig Ko ang Diyos. Ginawa Niya ang Punong Ito”
    Gumising!—1988
  • Dambuhalang Punungkahoy
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 8/22 p. 20

“Ang Punong Baligtad”

IYAN ang bansag sa baobab ng Aprika. Kapag punô ng dahon at bulaklak, ang baobab ay isang magandang tanawin. Subalit sa taglamig ang maiikling sanga ay umuusli mula sa matabang katawan at mukhang mga ugat ng isang punong nakatiwarik.

Isang pangkat ng mga baobab sa gawing hilaga ng Botswana ay tinatawag na Siyete Maria. Ito ay iginuhit ng pintor-manggagalugad na si Thomas Baines noong ika-19 na siglo. Kung ihahambing ng isa ang iginuhit ni Baines mahigit na isang siglo ang nakalipas sa mga punungkahoy ngayon, kakaunting pagkakaiba ang makikita.

Ipinakikita nito ang tibay at haba ng buhay ng baobab. Tinatayang ang pinakamalaking punungkahoy ay libu-libong taon ang gulang. Ang baobab ay tumutubong mabuti sa mainit, tuyong mga rehiyon sa Aprika at maraming sumusustini-buhay na mga katangian. Ang mga balat ng binhi ay naglalaman ng puting mga buto na ang lasa’y parang cream of tartar. Gustung-gustong kainin ng mga elepante ang balat at malambot na kahoy, na matubig. Sa katunayan, mga imbakan ng tubig-ulan ay natatagpuan kung minsan sa mga guwang sa sanga at sa mga butas sa loob ng puno.

Ang isa pang kahanga-hangang katangian ng baobab ay ang pagkalaki-laking bilog ng katawan nito. Ang pinakamalalaki sa mga dambuhalang punong ito ay iniulat na nasa gawing timog na libis ng Bundok Kilimanjaro sa Tanzania; ang kabilugan nito ay 28 metro. Ang isang guwang ng baobab sa Zimbabwe ay ginagamit na isang hintayan ng bus at maaaring maglaman ng 30 katao.

Wari ngang balintuna na ang matalinong tao ay mabuhay lamang ng maikling pitumpong taon samantalang “ang punong baligtad” ay maaaring mabuhay ng libu-libong taon. Nakatutuwa naman, mayroon tayong katiyakan na lubusang tutuparin ng Maylikha ng lahat ng nabubuhay na bagay ang kaniyang pangako na ang mga kaarawan ng kaniyang bayan ay magiging “tulad ng mga kaarawan ng punungkahoy.”​—Isaias 65:22; Awit 90:10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share