Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 11/8 p. 25
  • “Droga? Makipagkamay Ka Na kay Satanas!”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Droga? Makipagkamay Ka Na kay Satanas!”
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Mapagtatagumpayan ba ang Pakikipagbaka sa Droga?
    Gumising!—1999
  • Paano Ako Makakaalpas sa mga Droga?
    Gumising!—1986
  • Paano Ako Makakalaya sa Droga?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Bakit Magsasabi ng Hindi sa Droga?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 11/8 p. 25

“Droga? Makipagkamay Ka Na kay Satanas!”

Anong maaaring epekto ng “paglilibang” na paggamit ng mga droga sa katawan ng tao? Isaalang-alang si Charles. Siya ay 15 anyos nang ipasubok sa kaniya ng kaniyang ate ang droga. Sa sumunod na labinlimang taon, siya ay gumamit ng marijuana, cocaine, at iba’t ibang halo ng heroin. Nakulong siya sa maraming correctional na mga institusyon dahil sa pagnanakaw at armadong panloloob. Ang paggamit niya ng droga ay humantong sa pagkakaroon niya ng AIDS. Nasindak siya nang sabihin sa kaniya na siya ay nagdadala ng virus ng AIDS, walang magawang pinagmasdan niya habang ang kaniyang mataas, malakas, at maskuladong katawan ay manghina at mangayayat. Basahin ang kaniyang malungkot na kuwento at saka tanungin ang iyong sarili, ‘Sulit ba ito?’

“SINISIRA mo ang isang kahanga-hangang katawan. At napakaraming bagay na hindi mo magagawa, dahil sa pagkasangkot sa droga upang manatiling lango. Una, hindi mo na magawang makipaglaro sa iyong anak na babae. Hindi ka na maaaring maglaro ng bola na kasama niya, hindi ka na makatakbong kasama niya. Hindi ko na nakita ang paglaki ng aking kaisa-isang anak na lalaki mula sa isang sanggol, paglakad at mga bagay na gaya niyaon. Hindi na ako makapaglaro ng karamihan ng mga isports sapagkat hindi lamang manhid ang aking katawan kundi mabagal rin itong kumilos na parang robot.

“Ang aking mga kamay ay hindi na nakagagawa na gaya ng dati. Hindi na ako makapag-ahit o kortihan ang aking bigote o gupitin ang buhok ko na gaya ng ginagawa ko noon. Hindi na ako makapagbihis na gaya ng ginagawa ko. Hindi ko nga maibotones ang aking kamisadentro. Hindi ako makapaligo nang nag-iisa. Kung minsan hindi ko nga maalis ang isang pilikmata sa aking mata sapagkat agaw kumilos ang aking mga daliri. Hindi na ako makapagluto na gaya ng dati. Ang aking propesyon bilang isang tagapaglagay ng tile at carpet ay inalis na sa akin dahil sa virus na iyon, dala ng mga droga.

“Pinagsisilbihan ako ng lahat. Para akong bata. Ang aking utak ay hindi na umaandar na gaya ng dati. Nakakalimot ako. Halimbawa, kailangang pag-isipan ko ang tungkol sa pangalan ng katulong ko sa bahay. Inuulit-ulit ng aking asawa ang mga bagay, at nakakalimutan ko ang mga ito. At ang problema ay, lumalala ito.

“Ang lahat ay masakit, sa bawat sandali. Ang kirot ay maaaring magpaiyak sa isang malakas na lalaki, kahit sino ka man. Ang mga gamot na panlaban sa kirot na ibinibigay nila sa iyo​—ay binubutas ang iyong sikmura, at ikaw ay nagkakaulser. At ikaw ay nagdurugo at dumudura ka ng dugo dahil sa ulser sa sikmura. Kung ako’y masugatan, inaalala ko ang tungkol sa impeksiyon. Ang aking balat ay napakaselan. Hindi ako maaaring makipagbuno at makipaglaro sa aking anak na lalaki.

“Akala ko’y nadaig ko na ang labanan. Labinlimang taong pagkasangkot sa droga​—akala ko’y matatakasan ko ito. At ngayon mayroon akong virus ng AIDS. Hindi ko alam kung kailan ako mamamatay.

“Kaya kung ang sinuman ay nagnanais ipagpalit si Jehova sa droga, alamin nila. Droga? Makipagkamay ka na kay Satanas sapagkat iyan ang kaniyang kasangkapan!”

Pagkatapos matuto ng katotohanan tungkol sa Salita ng Diyos, inihinto ni Charles ang bisyo ng droga at naging isang bautismadong Saksi ni Jehova. Samantalang nasa ospital, siya’y walang tigil na nangaral sa mga doktor, narses, at kapuwa mga pasyente. Gayunman, tatlo at kalahating taon pagkalipas ng kaniyang bautismo, si Charles ay namatay, noong Enero 27, 1990, 37 taóng gulang.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share