Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g92 5/8 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1992
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Black Hole sa Kulturang Italyano’
  • Lumalaganap ang Sistosoma
  • Mga Bata at mga Baril
  • “Ang Kauna-unahan sa Daigdig na Elektronikong Platong Pangilak”
  • Di-mahadlangang Tuberkulosis
  • Kinikilala ng Mexico ang mga Simbahan
  • Ang Mayuming Oktopus
  • “In God We Trust”​—Totoo Kaya?
  • Bumababa ang Pagpapasuso sa Ina
  • Isang Matalinong Hunyango ng Dagat
    Gumising!—2004
  • Bakit Nagbabalik ang “May Lunas” na mga Sakit?
    Gumising!—1993
  • Ang Salot sa Ika-20 Siglo
    Gumising!—1997
  • Mga Baril—Mitsa ng Buhay
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1992
g92 5/8 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

‘Black Hole sa Kulturang Italyano’

Ipinakikita ng Bibliya “ang malaking black hole sa kulturang Italyano, ang relihiyosong mga tao na hindi sanay sa tuwirang pagbabasa buhat sa Salita ng Diyos.” Ayon sa La Repubblica, isang pahayagan sa Italya, ito ang konklusyong naabot sa isang seminar na ginanap sa Bologna noong nakaraang Oktubre, na kung saan marami sa mga propesor at mga iskolar ng Bibliya ay nagpahayag ng pangkalahatang tema na “Ang Bibliya, Kultura, at Paaralan sa Italya.” Ang kawalang-alam sa Bibliya sa Italya, ang paliwanag ng isang iskolar, ay dahilan sa pagbabawal sa personal na pagbabasa ng Bibliya na ipinag-utos noong ika-16 na siglo sa Konsilyo ng Trent. “Subalit kahit na pagkatapos ng Ikalawang Konsilyo ng Vaticano,” pinatunayan ng iskolar ding iyon, “ang Aklat ay isang aklat pa rin na tinutukoy lamang sa Kristiyanong mga pamayanan sa halip na bilang isang aklat ng karunungan ng buhay, isang aklat na hindi nangangailangan ng anumang masalimuot na pagpapakilala upang maunawaan.”

Lumalaganap ang Sistosoma

Sa kabila ng bagong mga pamamaraan ng pagrikonosi at paggamot, ang sistosoma (snail fever), o schistosomiasis, ay lumalaganap. Ang suliranin, ayon sa WHO (World Health Organization), ay na ang mga bansang pinakaapektado ng sakit ay yaon ding mga bansa na hindi kayang supilin ito. Ang WHO ay dumaraing na samantalang ang gamot na praziquantel ay napatunayang mabisa sa paggamot sa sakit, “ang napakamahal na halaga ng gamot mismo ay karaniwan nang mas mataas kaysa kabuuang badyet sa bawat tao sa karamihan ng mga ministri sa kalusugan sa Aprika.” Ang mga bansang Kenya, Malawi, Zambia, at Nigeria, kung saan ang mahigit na 30 milyong mga tao ay pinahihirapan ng schistosomiasis, ay humiling sa WHO na himukin ang mga gumagawa ng gamot na babaan ang presyo. Sa buong daigdig, mga 200 milyong tao ang nahawaan ng sakit.

Mga Bata at mga Baril

Bawat araw halos 8 bata​—mga 3,000 sa isang taon—​ang namamatay dahil sa pagkabaril sa Estados Unidos. Ang di-nakamamatay na mga pinsala ng mga baril ay tinatayang mas mataas nang limang beses. Bakit? “Halos kalahati ng lahat ng mga tahanan sa Amerika ay may mga baril,” ang sabi ng University of California, Berkeley, Wellness Letter. “Isip-isipin ito: pagka ang inyong mga anak o mga apo ay dumadalaw sa kapitbahay, malamang na may baril sa bahay, at sa mga ito, ang kalahati ay maliliit na baril. At ang baril ay maaaring madaling kunin.” Ang mga bata ay nanganganib hindi lamang dahilan sa sila ay sanay sa mga laruang baril na nakakahawig ng mga tunay na baril kundi dahil sa sila’y naiimpluwensiyahan ng karaniwan at madalas na paggamit ng mga baril sa mga pelikula at sa TV. Iilang bata lamang ang marunong humawak nang maingat sa baril, at pagka nasaktan, ang mga bata ay nagdurusa ng higit na pinsala, yamang ang kanilang panloob na mga sangkap ay higit na siksik at mas malaki ang ulo nila kaysa mga adulto. “Upang maging ligtas, huwag bumili o mag-ingat ng baril sa inyong bahay,” ang payo ng Wellness Letter.

“Ang Kauna-unahan sa Daigdig na Elektronikong Platong Pangilak”

Ikaw ay maaari na ngayong makatanggap ng personal na mensahe mula sa papa, “dahil sa bagong 900 numero sa telepono ng Vaticano,” ulat ng editoryal sa Montezuma Valley Journal ng Cortez, Colorado, E.U.A. Ang mga mensahe ay bahagi ng naka-tape na mga sermon ng papa na maaaring makuha, ayon sa isang press release sa Vaticano, “upang matugunan ang dumaraming kahilingan na marinig ang nakapagpapasiglang mga salita ni Papa John Paul.” “Ang Kaniyang Kabanalan ay umaasang ang mga salitang ito ay kapaki-pakinabang sa iyo, at na upang ikaw ay makapakinig sa kaniyang mga mensahe araw-araw,” isang tinig ang nagsasabi sa pasimula. “Bahagi ng halaga [$1.95 bawat minuto] ng mga tawag na ito ay ginagamit upang sumuporta sa apostolikong misyon ng Santo Papa, at sa pamamagitan ng pakikinig sa kaniyang mga salita, ikaw ay nakatutulong sa kaniyang gawain.” “Ang hindi binabanggit ng tinig,” ang idiniriin ng editoryal, “ay na ang ibang bahagi ng halaga​—halos kalahati—​ay napupunta sa organisasyon ding iyon sa Las Vegas na nagbibili ng mga pagbasa sa horoscope, mga hotline sa loterya at mga rebista sa soap opera.” Ayon sa National Catholic Reporter, ang mga nag-organisa nitong 900-numerong operasyon ay tinatawag itong “ang kauna-unahan sa daigdig na elektronikong platong pangilak.”

Di-mahadlangang Tuberkulosis

Ang pagkalat ng pantanging mapanganib na mga anyo ng tuberkulosis sa ibayo ng Estados Unidos ay nag-udyok sa mga opisyal ng pamahalaan sa kalusugan na ipahayag na ang sakit ay di-masawata. “Kailanman ay hindi pa nangyari sa kasaysayan na ang tuberkulosis ay lubhang ikinibahala na gaya sa ngayon,” sabi ni Dr. Dixie Snider, isang eksperto sa tuberkulosis sa Centers for Disease Control, “dahilan sa ang tuberkulosis sa bansang ito ay hindi mahadlangan.” Bagaman ang tuberkulosis ang pangunahing pumapatay mga 40 taon na ang nakalipas, iyon ay napigilan sa paggamit ng mga antibayotik, kasama na ang napaunlad na pabahay at kalinisan. Ngunit simula noong 1984 karamihan sa mga estado ay nag-ulat ng pagdami, lakip na ang mga kaso na kung saan ang mga uri ng sakit na ito ay lumalaban maging sa pinakabagong mga gamot. Ang sakit ay kumakalat sa pamamagitan ng mga droplet sa hangin na naikalat pagka ang isang maysakit ay umubo. Ang bacillus ay maaaring taglayin ng malulusog na mga tao sa loob ng mga taon nang hindi nagkakasakit, ngunit pagka ang unang impeksiyon ay hindi nagamot, ang marami sa wakas ay nagagapi ng sakit.

Kinikilala ng Mexico ang mga Simbahan

“Pagkatapos ng mahigit na 70 taon ng pagsalungat ng pamahalaan sa mga simbahan, ang mga mambabatas sa Mexico ay gumawa ng mga kautusan na nagbibigay ng legal na pagkilala sa relihiyosong mga institusyon,” ulat ng The Christian Century. “Bagaman ang ibang mga denominasyon ay kasama sa pambatas na mga reporma, ang nakinabang nang husto sa pagkilos ng pamahalaan ay ang Iglesya Katolika Romana.” Ang konstitusyonal na mga pagbabago ay magpapahintulot sa simbahan na magpalakad ng mga paaralang parokya, magmay-ari ng ari-arian sa pangalan niyaon, at batikusin ang pamahalaan. Ang mga pari ay makapagsusuot ng kanilang mga kasuutang pari sa publiko at bumoto, ngunit sila’y hindi maaaring manungkulan. Sila ay kailangan ding magbayad ng mga buwis. Ang mapaghimagsik na konstitusyon ng 1917 ay naglapat ng mga pagbabawal sa pagsisikap na sugpuin ang napakalaking impluwensiya at kapangyarihan ng simbahan. Ang Iglesya Katolika nang panahong iyon ay nagmamay-ari ng halos kalahati ng mga lupain sa Mexico, sinasang-ayunan ang mayayamang may-ari ng lupa, at sinasalungat ang malayang kilusan. Gayunman, karamihan sa mga pagbabawal ay hindi naman naipatupad at higit sa lahat ay binalewala. Makikita pa rin, sabi ng The Christian Century, ang “pambansang mga miyural na iginuhit ng rebolusyunaryong pintor na si Diego Rivera na naglalarawan ng kakatuwang matatabang klero na kinukuwartahan ang hindi naghihinalang mga magsasaka ng kanilang pinaghirapang mga kita.”

Ang Mayuming Oktopus

Ang oktopus ay maaaring may nakakatakot na hitsura, ngunit ayon sa magasing African Wildlife, ito ay hindi gayon. Bagaman ipagtatanggol ng oktopus ang kaniyang sarili kung ito ay sadyang sasalakayin, ang totoo ito ay mahiyain at di-nananakit. Higit pa, ito ay bihasa sa paglutas ng mga problema. Minsan ay inakit ng mga siyentipiko ang dalawang oktopus ng isang ulang sa isang saradong garapon. Agad na natutuhan ng bawat isa na alisin ang tapon. Sinasabi pa ng magasin kung paanong tiniyak ng isang alagang oktopus na ito ay makakakain: “Karaniwan nang iyon ay pinakakain bago maghapunan ang mag-anak. Paminsan-minsan ay nalilimutan nilang pakanin ang alaga nila bago sila kumain, bubuhulin nito ang lahat ng walong galamay sa salamin at dagling magpapalit ng kulay upang makatawag ng pansin. At kung hindi iyan mapansin, iyon ay pupulot ng bato sa ilalim ng tangke at mapilit na kakatukin ang salamin hanggang sa iyon ay pakanin.”

“In God We Trust”​—Totoo Kaya?

Ang mga salitang “In God We Trust” ay makikita sa mga baryang Amerikano sa loob ng 127 mga taon. “Ano naman ang kaugnayan ng Diyos at ng perang Amerikano?” ang tanong ng magasing Time. Yaon ay nagpasimula sa huling taludtod ng pambansang awit, ang “The Star-Spangled Banner,” na nagsasabing: “At ito ang aming kasabihan, ‘In God We Trust.’ ” Pagkatapos, sa pasimula ng Gera Sibil (1861-65), si M. R. Watkinson, isang pastor na Baptist, ay humiling na kung ang Union, na kumakatawan sa hilagang mga estado, ay matalo, dapat na mag-iwan iyon ng mga barya na kumikilala ng pagkaumaasa nito sa Diyos. Ang Pangulo na si Abraham Lincoln at ang Kalihim ng Ingat-Yaman na si Salmon Chase ay sumang-ayon, at ang pinaikling pariralang “In God We Trust” ay nagpasimulang itatak sa mga barya noong 1864. Gayunman, iyon ay hindi lumitaw sa mas malalaking halagang perang papel hanggang noong 1955, at sa sumunod na taon iyon ay ginawang pambansang kasabihan. Bagaman ang paggamit ng kasabihang iyon ay hinamon sa hukuman, ang karamihan ay sumang-ayon sa dating Hukom ng Korte Suprema na si William Brennan, na sumulat na ang salawikain ay “wala nang anumang tunay na relihiyosong kahalagahan.”

Bumababa ang Pagpapasuso sa Ina

Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga babae sa E.U. na nagpapasuso ng kanilang mga sanggol, ipinakita ng isang bagong pagsusuri. Ang bilang ay bumaba mula sa halos 60 porsiyento noong 1984 hanggang 52 porsiyento noong 1989. “Ito ay isang lubhang mapanganib na kausuhan,” ang sabi ni Dr. David Rush, isang espesiyalista sa nutrisyon sa Tufts University na kasamang awtor sa pagsusuri. “Ang pagpapasuso sa ina ay lubhang kapaki-pakinabang sa bata maging sa Kanluranin, mayayamang lipunan.” Samantalang karamihan ng mga babae ay nakaaalam na ang pagpapasuso ang pinakamahusay para sa kanila at sa bata, kadalasang sila ay nahihirapan at nalilito kung walang iba na magbibigay sa kanila ng praktikal na payo. Sa maraming kaso sila ay pinalalabas sa ospital bago gumibik ang kanilang gatas at binibigyan na lamang ng mga pakete ng gatas paglabas. Ang pagtulong sa tahanan ay nagkukulang, yamang ang kanilang sariling mga ina ay kadalasang nagpapasuso sa bote. Ang Institute of Medicine ay nagrerekomenda na ang mga sanggol ay tanging pasusuhin sa ina sa loob ng apat hanggang anim na buwan at na ang pagpapasuso ay kailangang magpatuloy pagkatapos na mapakain ng matitigas na mga pagkain at kahit na hanggang ang bata ay isang taon na.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share