Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g93 11/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Mag-ingat Laban sa Hindi Mabuting Musika!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Ano ang Masama sa Aking Musika?
    Gumising!—1993
  • Talaga bang Makapipinsala sa Akin ang Musika?
    Gumising!—1993
  • Magiging Matalino Ka ba sa Pagpili?
    Gumising!—2011
Iba Pa
Gumising!—1993
g93 11/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Siyensiya Sumulat ako upang batiin kayo sa inyong anim-na-bahaging serye ng “Siyensiya​—Ang Patuloy na Paghahanap ng Tao sa Katotohanan.” (Abril 8 hanggang Hunyo 22, 1993) Ang inyong mga artikulo ay walang pinapanigan at nakapagtuturo. Bilang isang siyentipiko, ako’y nagulat na malaman kung gaano katindi ang impluwensiya ng mga Griegong pilosopo, gaya nina Aristotle, Plato, at iba pa, sa siyentipikong kaisipan.

O. O., Estados Unidos

Sa ikaanim na bahagi ng inyong serye (Hunyo 22, 1993), inyong sinabi: “Ang pagkawasak ng kapaligiran na doon ang siyensiya ang may pananagutan ay pagkalaki-laki.” Hindi ang siyensiya ang mananagot sa maling paggamit ng mga nagawa nito. Ang masisisi ay ang mga pamahalaan na gumagamit ng luma nang legal na mga pamamaraan upang pangasiwaan ang paggamit ng teknolohiya.

C. C. R., Estados Unidos

Hindi ibinunton ng serye ang lahat ng sisi sa mga siyentipiko dahil sa mga problemang pangkapaligiran. Totoo naman, maliwanag na sinabi ng naunang pangungusap na ang siyensiya ay “nakatulong [lamang] sa paglikha” ng gayong mga problema. Ipinakita ng naunang mga artikulo sa serye na ang dapat na kasamang masisi ng mga siyentipiko ay ang mga pulitiko, negosyante, at mamimili.​—ED.

Nabubukod Salamat sa talambuhay ni Pepita Abernathy, “Kapaki-pakinabang na Buhay Bagaman Nabubukod.” (Pebrero 22, 1993) Napaiyak ako nito. Nahihirapan akong palagi na mangaral sa aking mga kaibigan o gumawa sa mga teritoryong kakaunti ang tumutugon. Subalit si Pepita Abernathy ay nangaral sa iba’t ibang bahagi ng daigdig kahit na hindi niya alam ang wika! Ngayon ay iba na ang aking saloobin hinggil sa gawaing pangangaral.

J. W., Estados Unidos

Musika Katatapos ko lamang na basahin ang seryeng “Modernong Musika​—Hindi Nakapipinsalang Katuwaan?” (Hunyo 8, 1993) Noong ako’y nasa high school pa, ako ay nahalina sa musikang heavy-metal. Ang aking masamang kinaugalian at rebelyosong saloobin ay bunga ng mga ideang inilalarawan ng masama, napakabuktot na musikang ito. Subalit mientras nagiging malapit ako kay Jehova, higit na kinamumuhian ko maging ang tunog ng musikang iyan!

L. K., Estados Unidos

Kayo’y nakapagbigay sa aming mga kabataan ng kapaki-pakinabang na payo salig sa sunod-sa-panahon at maaasahang pinagkukunan ng impormasyon. Inaakala ng ilan na ang musika ay kaaya-aya hangga’t hindi ito inuuri bilang heavy metal o rap, kahit na hinihimok nito ang imoralidad, karahasan, at paggamit ng droga. Itinuwid ng mga artikulong ito ang maling kaisipang ito. Ngayon ay alam na naming lahat kung papaano magiging mapamilì sa musika.

F. M., Italya

Kamakailan lamang ay natiwalag ang aking tin-edyer na anak na lalaki mula sa Kristiyanong kongregasyon. Sinikap kong pigilan siya mula sa pakikinig sa musikang rap​—nangangatuwiran sa kaniya, ipinakikita sa kaniya ang mga simulain ng Bibliya, ibinabahagi sa kaniya ang mga artikulo hinggil sa paksang iyon. Subalit siya’y nagpatuloy sa palihim na pakikinig ng rap, nag-aakalang hindi ito makaaapekto sa kaniya. Sa gayon, nagawa niya ang maraming masamang bagay na niluluwalhati ng musikang ito. Masakit pa rin ang loob ko dahil sa sinapit ng aking anak. Inaasahan ko na ang lahat ng magulang na Kristiyano ay magpapahalaga sa impormasyong ito sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-aaral nito kasama ng kanilang mga anak.

G. C., Estados Unidos

Hindi lamang ninyo ipinakita kung anong mga uri ng musika ang dapat na iwasan kundi sinuhayan ninyo ang inyong mga sinabi ng di-mapag-aalinlanganan, subalit mahinahon at mapagmahal na pangangatuwiran. Nadama namin na ang inyong pinakamabuting hangarin ay tulungan ang mga kabataan na umiwas sa napakasamang sanlibutang ito.

B. V., Pransya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share