Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 6/8 p. 7-8
  • Paano Nila Nagawa Iyon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Nila Nagawa Iyon?
  • Gumising!—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Dumating Nawa ang Iyong Kaharian”
  • Kinunsinti ba ng Diyos ang Pangangalakal ng mga Alipin?
    Gumising!—2001
  • Ang Matagal Nang Pakikipaglaban sa Pang-aalipin
    Gumising!—2002
  • Kinukunsinti ba ng Bibliya ang Pagkakaroon ng Alipin?
    Gumising!—2011
  • Isang Relihiyosong Problema sa Kolonyang Brazil
    Gumising!—2002
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 6/8 p. 7-8

Paano Nila Nagawa Iyon?

PAANO binigyan-matuwid ng mga tao ang kalakalan ng alipin? Itinuro ng mga mananalaysay na hanggang noong ika-18 siglo, iilang tao ang kumukuwestiyon sa moralidad ng pang-aalipin. Ang aklat na The Rise and Fall of Black Slavery ay nagsasabi: “Noong panahong hindi sinasadyang dumating sa West Indies si Columbus, ang simbahan o ang mga sinulat na tinanggap nito ay hindi nagbigay sa mga darating na mga mandarayuhan ng pahiwatig na ang kanilang paggamit ng sapilitang pagpapatrabaho ay maituturing na masama, bagaman ipinahiwatig ng ilang tauhan ng simbahan ang mga paghihinala. . . . Walang pahiwatig na ang institusyon ng pang-aalipin, animo’y nakapulupot sa buong lipunan sa Europa, ay dapat hamunin.”

Nang ang kalakalan sa transatlantiko ay naging maunlad, maraming klerigo ang gumamit ng relihiyosong mga pangangatuwiran upang suportahan ang pang-aalipin. Ang aklat na American Slavery ay nagsasabi: “Ang mga ministrong Protestante [sa Amerika] ay gumanap ng pangunahing bahagi sa pagtatanggol sa pang-aalipin . . . Malamang na ang pinakamalaganap at mabisang relihiyosong pangangatuwiran ay ang payak na idea na ang pang-aalipin ay bahagi ng plano ng Diyos na ilantad ang hanggang sa ngayo’y isang paganong bayan sa mga pagpapala ng Kristiyanismo.”

Subalit kadalasang ang malupit at masamang pagtrato na iginagawad sa mga alipin ay humihiling ng higit pang dahilan kaysa pagkukunwaring pagbibigay ng “mga pagpapala ng Kristiyanismo.” Kaya ang kolonyal na mga panginoon gayundin ang mga manunulat at mga pilosopo sa Europa ay nagsabi sa kanilang mga sarili na ang mga itim ay hindi katulad ng mga puti. Si Edward Long, isang asendero na sumulat ng History of Jamaica, ay nagsabi: “Kung ating bubulayin ang kalikasan ng mga taong ito, at ang kanilang pagkakaiba sa iba pa sa sangkatauhan, hindi ba’t ating mahihinuha na sila ay kakaibang uri?” Ang mga resulta ng gayong pag-iisip ay ipinahayag ng isang gobernador ng Martinique: “Narating ko ang yugto ng matatag na paniniwala na dapat tratuhin ng isa ang mga Negro na gaya ng pagtrato sa mga hayop.”

Sa wakas ang interes sa kabuhayan at mga pagkabahalang makatao ay nakatulong upang wakasan ang transatlantikong kalakalan ng alipin. Mula sa simula tinutulan ng mga Aprikano ang pang-aalipin sa kanila, at noong dakong huli ng ika-18 siglo, karaniwan na ang mga paghihimagsik. Nasumpungan ng natatakot na mga may-ari ang kanilang mga kalagayan na nagiging higit at higit na mapanganib. Pinag-alinlanganan din nila kung baga, sa halip na suportahan ang mga alipin, mas makamumura na magpatrabaho na lamang kung kailan ito kinakailangan.

Kasabay nito, ang moral, relihiyoso, at makataong mga pangangatuwiran laban sa pang-aalipin ay nakasumpong ng dumaraming suporta sa Europa at sa mga bansa sa Amerika. Ang mga kilusan sa pagpawi nito ay naging malakas. Sa kabila ng legal na pagpawi sa kalakalan ng alipin sa maraming bansa mula noong taóng 1807 patuloy, ang mga epekto ng pang-aalipin ay nanatili.

Isang serye sa telebisyon, ang The Africans: A Triple Heritage, ang matinding nagpahayag ng opinyon ng mga anak na lalaki at babae ng Aprika: “Bago pa nagsimula ang kalakalan ng alipin, kami’y nakatira sa . . . Aprika. Pagkatapos ay dumating ang mga estranghero at dinala ang ilan sa amin. Ngayon, kami’y lubhang nakapangalat anupa’t ang araw ay hindi kailanman lumulubog sa mga inapo ng Aprika.” Ang pagkanaroroon ng milyun-milyong inapong Aprikano sa Hilaga at Timog Amerika, sa Caribbean, at Europa ay isang maliwanag na resulta ng kalakalan ng alipin.

Pinagtatalunan pa rin ng mga tao ang tanong na kung sino ang dapat sisihin sa transatlantikong kalakalan ng alipin. Si Basil Davidson, isang dalubhasa sa kasaysayan ng Aprika, ay sumusulat sa kaniyang aklat na The African Slave Trade: “Ang Aprika at Europa ay kapuwa nasangkot.”

“Dumating Nawa ang Iyong Kaharian”

May isang bagay na dapat na matutuhan​—isang bagay na may kinalaman sa pamamahala ng tao. Ang pantas na tao ay sumulat: “Aking isinaalang-alang ang lahat ng mapang-aping gawa na ginawa sa ilalim ng araw,​—at narito! ang mga luha ng mga inapi, at sila’y walang mang-aaliw, at sa panig ng mga umaapi sa kanila ay may kapangyarihan.”​—Eclesiates 4:1, Rotherham.

Nakalulungkot nga, ang mga salitang iyon, isinulat matagal nang panahon bago pa nagsimula ang Aprikanong kalakalan ng alipin, ay totoo pa rin sa ngayon. Ang mga api at mga mang-aapi ay umiiral pa rin, at sa ilang bansa ay umiiral pa rin ang mga alipin at ang kanilang mga panginoon. Batid ng mga Kristiyano na hindi na magtatagal, sa pamamagitan ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos, “ililigtas [ni Jehova] ang dukha na humihingi ng saklolo, gayundin ang nagdadalamhati at sinumang walang katulong.” (Awit 72:12) Sa kadahilanang iyan at sa iba pang dahilan, sila’y patuloy na dumadalangin sa Diyos: “Dumating nawa ang iyong kaharian.”​—Mateo 6:10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share