‘Sinagot ang Lahat ng Tanong’
Nagkokomento tungkol sa serye sa Pebrero 22, 1995, na Gumising!, “Isang Higit na Pagkaunawa sa Ménopós,” isang mambabasa mula sa Kentucky, E.U.A., ang sumulat: “Ako’y dumalo kamakailan ng isang tatlong-oras na seminar tungkol sa paksang ito. Ito’y isinaayos ng mga kagawaran ng edukasyon ng dalawang malalaking ospital. Ang programa ay lubhang nakapagtuturo, subalit mas marami akong natutuhan sa loob ng 30 minuto sa pagbabasa ng Gumising! kaysa natutuhan ko sa tatlong oras sa seminar (at hindi ito nagkahalaga ng $15).”
Isa pang mambabasa ng Gumising! ang nagsabi: “Maraming aklat at artikulo sa ménopós ang nabasa ko na sa nakalipas na tatlong taon. Pagkatapos ay laging may mga katanungang hindi nasasagot. Sinagot ng inyong mga artikulo ang lahat ng aking tanong tungkol sa paksang ito.”
Ang Gumising! ay nagbibigay ng impormasyon na tumutulong sa mga mambabasa nito na maharap ang mga suliranin sa ngayon. Higit na mahalaga, pinatitibay nito ang pagtitiwala sa pangako ng Maylikha tungkol sa isang mapayapang bagong sanlibutan. Kung nais mong matuto nang higit pa tungkol sa mga paniniwala at mga gawain ng mga Saksi ni Jehova, ang mga tagapaglathala ng magasing ito, pakisuyong makipagkita sa kanila sa kanilang lokal na Kingdom Hall, o sumulat sa direksiyon na pinakamalapit sa inyo na nakatala sa pahina 5.