Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 8/22 p. 9
  • Isang Huwaran sa Pakikitungo sa mga Nagsisilikas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Huwaran sa Pakikitungo sa mga Nagsisilikas
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Dayuhan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Taga-ibang Bayan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Nakikipamayan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Naninirahang Dayuhan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 8/22 p. 9

Isang Huwaran sa Pakikitungo sa mga Nagsisilikas

SA Batas na ibinigay ng Diyos na Jehova sa bansang Israel, ang mga Israelita ay pinaalalahanan tungkol sa kanilang kalagayan bilang mga nagsilikas sa Ehipto. (Exodo 22:21; 23:9; Deuteronomio 10:19) Kaya sila’y tinagubilinang pakitunguhan ang mga naninirahang dayuhan sa gitna nila nang may kabaitan, na gaya ng mga kapatid.

Ang Batas ng Diyos ay nagsasabi: “Kung ang isang naninirahang dayuhan [na kadalasa’y isa na lumikas] ay nakikipamayan na kasama ninyo bilang isang dayuhan sa inyong lupain, huwag ninyo siyang pakikitunguhan nang masama. Ang mga naninirahang dayuhan na nakikipamayang kasama ninyo bilang isang dayuhan ay inyong ariing katutubo sa lupain; at ibigin ninyo na gaya sa inyong sarili, sapagkat kayo’y naging naninirahang dayuhan sa lupain ng Ehipto.”​—Levitico 19:33, 34.

Palibhasa’y kinikilala na ang mga naninirahang tagaibang bayan ay kadalasang mahina at walang kapanatagan, si Jehova ay nagbigay ng espesipikong mga batas para sa kanilang kapakanan at proteksiyon. Isaalang-alang ang sumusunod na mga karapatang ginagarantiya sa kanila.

ANG KARAPATAN PARA SA ISANG MAKATARUNGANG PAGLILITIS: “Magkakaroon kayo ng isang hudisyal na desisyon. Ang naninirahang dayuhan ay gaya sa katutubo.” “Huwag mong ililiko ang hatol para sa naninirahang dayuhan.”​—Levitico 24:22; Deuteronomio 24:17.

ANG KARAPATAN NA MAKIBAHAGI SA IKAPU: “Sa katapusan ng tatlong taon ay iyong dadalhin ang buong ikasampung bahagi ng iyong bunga ng taóng yaon, at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga pintuang-daan. At ang Levita, sapagkat siya’y walang bahagi o mana na kasama mo, at ang naninirahang dayuhan at ang ulila at ang babaing balo, na nasa loob ng iyong pintuang-daan, ay magsisiparoon, at sila’y magsisikain at mabubusog.”​—Deuteronomio 14:28, 29.

ANG KARAPATAN SA MAKATUWIRANG SAHOD: “Huwag mong dadayain ang isang upahang manggagawa na dukha at salat, maging siya’y iyong kapatid o iyong mga naninirahang dayuhan na nasa iyong lupain, sa loob ng iyong mga pintuang-daan.”​—Deuteronomio 24:14.

ANG KARAPATAN SA ASILO PARA SA ISANG DI-SINASADYANG MAMAMATAY-TAO: “Sa mga anak ni Israel at sa mga naninirahang dayuhan at sa nakikipamayan sa gitna nila ang anim na lunsod na ito ay magsisilbing isang kanlungan, upang ang bawat nakamatay ng sinumang kaluluwa nang di-sinasadya ay makatakas doon.”​—Bilang 35:15.

ANG KARAPATANG MAMULOT: “Kapag gumagapas kayo bayan ng mga pag-aani ng inyong lupain, huwag ninyong gagapasin ang mga gilid ng inyong bukid nang lubusan, at huwag ninyong pupulutin ang himalay ng inyong pag-aani. At, huwag ninyong titipunin ang mga tira ng inyong ubasan, at huwag ninyong pupulutin ang nangalat na ubas ng inyong ubasan. Sa pinighati at sa naninirahang dayuhan ay iiwan ang mga iyon. Ako si Jehova na inyong Diyos.”​—Levitico 19:9, 10.

Tiyak, ang ating Maylikha, ang Diyos na Jehova, ay nahahabag sa mga nagsisilikas, at tunay na nalulugod siya kapag gayundin ang ginagawa natin. “Maging mga tagatulad kayo sa Diyos,” ang sulat ni apostol Pablo, “at patuloy na lumakad sa pag-ibig.”​—Efeso 5:1, 2.

[Picture Credit Line sa pahina 9]

Batang lalaki sa kaliwa: LARAWAN NG UN 159243/J. Isaac

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share