Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 12/8 p. 31
  • Naaalaala Pa ng Kudu na Ito

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Naaalaala Pa ng Kudu na Ito
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Hiniya ng Isang Kudu ang mga Leon
    Gumising!—1993
  • Kapag “Nagsalita” ang mga Puno
    Gumising!—1990
  • Makipagkilala sa Mailap na Kudu
    Gumising!—1991
  • Hindi Na Nila Kinatatakutan ang Wakas
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 12/8 p. 31

Naaalaala Pa ng Kudu na Ito

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA TIMOG APRIKA

ANG magandang lalaking kudu, isang antelope na may kahanga-hangang paikid na sungay at pagkakakilanlang tainga, ay halos sandaan at limampung centimetro ang taas hanggang sa balikat kapag husto na ang laki. Ang babae, bagaman karaniwang walang sungay, ay makikilala rin dahil sa malalaki nitong tainga. Ang kudu ay isang mahiyaing hayop, laging alisto at handang tumakbo upang magtago. Kaya nga, ang nangyari kay Karen sa Zimbabwe ay di-pangkaraniwan.

Gaya ng iniulat sa magasing African Wildlife, isang munting guya na babaing kudu, na natagpuang nasalabid sa bakod na alambre, ang iniligtas at ibinigay kay Karen, na pinasuso ito sa bote sa loob ng ilang linggo. Ito’y nabuhay at nanatili sa kapaligiran ng pagatasan kung saan nakatira si Karen at ang kaniyang pamilya, kadalasa’y nakikipaglaro sa mga bata at sa mga aso. Gayunman, unti-unti itong gumala sa ilang hanggang, nang ito’y halos nasa hustong laki na, ito’y hindi na nakita sa bukid.

Pagkaraan ng halos dalawang taon, samantalang nagmamaneho sa daan patungo sa bukid, nagulat si Karen na isang buntis na babaing kudu ay hindi tumakbong palayo sa paglapit ng kaniyang kotse. Ni tumakbo man ito nang siya’y lumakad na papalapit dito. Sa pagkakataong ito ay alam niyang ito ang hayop na pinasuso niya sa bote, kaya kinausap niya ito nang marahan habang siya’y tahimik na lumapit dito. Nakilala rin siya ng babaing kudu, sapagkat ibinaba nito ang kaniyang ulo at sinungkal-sungkal siya habang hinahayaan siyang yapusin ito!

Paglipas ng ilang buwan, ang babaing kudu ay nakitang muli sa tabi ng daan​—sa pagkakataong ito’y may kasamang isang munting guya. Inaakala ni Karen na ang guya ay may pagmamalaking ipinakikilala ng ina nito, na minsan pa’y nagpahintulot na siya’y tapik-tapikin. Gayundin ang nangyari pagkalipas ng ilang linggo nang tila ba ang babaing kudu ay talagang naghihintay kay Karen.

Lumipas pa ang ilang buwan, at ibinalita ng ilang nagtatrabaho sa bukid na kanilang nakita ang kudu ring iyon na may panilo sa palibot ng kaniyang leeg. Sinikap nilang lapitan ang babaing kudu upang alisin ang panilo, subalit tumakbo ang kudu. Kaya hinanap ito ni Karen sa ilang, tinatawag ito habang lumalakad. Di-nagtagal, lumantad ito sa harap niya. Si Karen ay may kabaitang nagdala ng ilang tinapay, na gustung-gusto ng babaing kudu, at habang binibigyan ng masarap na pagkaing ito, pinutol ng asawa ni Karen ang nakasasakit na panilo.

Ang maliwanag na pagmamahalan na namalagi nang napakatagal sa pagitan ng tao at ng hayop ay nagdudulot ng kasiyahan sa pamilyang ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share