Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 12/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1997
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1997
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 12/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagkakaibigan Ako’y 16 na taóng gulang, at ibig ko kayong pasalamatan dahil sa artikulo tungkol kay Auntie Louie, na pinamagatang “Ang Mahal Kong Kaibigan.” (Pebrero 22, 1996) Ako’y naakit sa larawan at binasa ko agad ang artikulo. Medyo masama ang loob ko noon dahil ang karamihan ng aking mga kaibigan ay lumabas na talagang hindi mga kaibigan. Talagang pinalakas-loob ako ng artikulo na makipagkaibigan sa mga taong mas nakatatanda sa akin.

L. N., Italya

Isport sa Paaralan Salamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Isport na Pangkoponan​—Makabubuti ba Ito sa Akin?” (Pebrero 22, 1996) Waring ito’y isinulat na para lang sa akin. Naipabatid nito sa akin na marahil hanggang sa ngayo’y sinasamba ko ang mga manlalaro. Natulungan din ako ng artikulo na maunawaang ang “pagsasanay sa katawan ay kapaki-pakinabang nang kaunti.”​—1 Timoteo 4:8.

Y. T., Hapon

Mga Kobra Dati-rati’y iniisip ko na ang mga kobra ay napakasamang mga reptilya na kailangang lipulin. Subalit pagkatapos kong mabasa ang artikulong “Gusto Mo Bang Makatagpo ng Kobra?” (Marso 22, 1996), may iba na ako ngayong pangmalas tungkol sa mga ito. Salamat dahil sa napalaya ninyo ang mga taong gaya ko mula sa maling mga akala tungkol sa nakatutuwang mga nilikhang ito.

P. E., Nigeria

Bagaman ako’y pinalaki sa lalawigan kung saan napakaraming ahas, wala talaga akong gaanong kaalam-alam tungkol sa mga ito. Ang pagbabasa tungkol sa pagiging napakaingat ng kobra sa pag-iwas sa mga pagtatagpo ay nakatulong sa akin na mas maunawaan ang mga salita ni Jesus sa Mateo 10:16: “Patunayan ninyong kayo ay maingat gaya ng mga serpiyente.”

J. F. S., Brazil

Panghuhuwad Salamat sa seryeng “Panghuhuwad​—Isang Pangglobong Salot.” (Marso 22, 1996) Ako’y nagtatrabaho sa isang bangko at nakumpleto ko kamakailan ang isang seminar tungkol sa paghadlang sa panghuhuwad. Ang impormasyon na inyong ibinigay ang pinakabago. Salamat sa lahat ng inyong maaasahan at nakapagbibigay-kaalamang mga artikulo.

B. P., Estados Unidos

Yamang ako’y nagtatrabaho bilang isang kahera sa isang bangko, pinahahalagahan ko ang mga artikulo. Kabaligtaran ng ilang babasahin na naglalathala ng maling impormasyon na lumilikha ng usapin, inilathala ninyo ang totoong timbang na pangmalas. Ganito ang ipinapayo ng aming bangko tungkol sa mga may-ari ng tindahan: ‘Magtago ng bagong kopya ng bawat salaping papel. Kung may pag-aalinlangan, ihambing ang pinaghihinalaang salaping papel (papel, imprenta, at watermark) sa tunay.’

L. G., Pransiya

Panimbang Salamat sa artikulong “Kaloob ng Diyos na Panimbang.” (Marso 22, 1996) Tatlong taon na ang nakaraan nang ako’y pahirapan ng vertigo sa loob ng walong linggo. Noong una ay inaakala kong ako lamang ang may ganitong problema, yamang hindi ko kailanman narinig ang tungkol dito. Inaliw ako ng inyong artikulo, anupat ipinakikita nito na naranasan na ng iba ang problemang ito at napagtagumpayan ito.

D. P., Jamaica

Mga Langaw Salamat sa pinakakawili-wiling artikulong “Ang Nakasusuyang mga Langaw na Iyon​—Mas Kapaki-pakinabang ba Kaysa Inaakala Mo?” (Marso 22, 1996) Noong nakaraang tag-araw ay ginugol ko ang ilang panahon sa pagsasaliksik tungkol sa mga langaw, subalit wala akong nasumpungang anumang nakasisiyang impormasyon. Sa palagay ko ang mga ito’y nakasusuya at marumi, gaya ng sabi ng artikulo. Subalit ngayon ay alam ko na may ginagawang kapakinabangan ang mga ito​—kung wala ay hindi sana ito nilikha ng ating Maylikha. Labis kong pinahahalagahan ang mga artikulong inyong inilalathala.

T. G., Italya

Katatapos ko pa lamang basahin ang artikulo tungkol sa mga langaw, at talagang kailangan kong sumulat. Maraming ulit na pabiro kong sinasabi sa mga tao na ibig kong malaman kung ano ang nasa isip ni Jehova nang likhain niya ang nakasusuyang nilalang na ito. Alam ko na ngayon na hindi inilagay ang langaw sa lupa upang tayo’y gambalain lamang!

P. P., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share