Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 3/8 p. 14-15
  • Pagsilang ng Bituin sa “Pugad” ng Agila

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagsilang ng Bituin sa “Pugad” ng Agila
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Napakahiwaga, Subalit Napakaganda
    Gumising!—1996
  • Ang Sansinukob—Mga Lihim na Natuklasan
    Gumising!—1992
  • Ang mga Bituin at ang Tao—May Kaugnayan Ba?
    Gumising!—1994
  • Ang “Kaluwalhatian” ng mga Bituin
    Gumising!—2012
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 3/8 p. 14-15

Pagsilang ng Bituin sa “Pugad” ng Agila

● PAANO ba naisisilang ang mga bituin? Bakit ang ilan ay mas malaki at mas maningning kaysa iba? Sa isang kagila-gilalas na pagtatanghal ng mga larawang kuha ng Hubble Space Telescope ay maisisiwalat ang paraan ng pagkabuo ng isang bituin. Ang kakaibang pangyayaring ito ay nagaganap sa gitna ng Eagle Nebula, isang ulap ng gas at alabok sa ating galaksing Milky Way.

Para sa mga nasa lupang nagmamasid ng bituin, ang Eagle Nebula ay mistulang isang ibon na may nakabukang mga pakpak at may nakalantad na mga kuko. Naging interesado ang astronomong si Jeff Hester at ang kaniyang mga kasama sa Arizona State University na kunan ng larawan ang lugar na kinaroroonan ng mga kuko, na ang bawat isa’y nag-aanyong tulad ng haligi na nahahawig sa nguso ng elepante. Doon, ginagawang ion ng radyasyon ng ultraviolet ang mga molekula ng hidroheno​—alalaong baga’y, inaalisan ng electron ang mga ito.

Isinisiwalat ng dugtung-dugtong na kuha ng Hubble ang pagkarami-raming maliliit na waring mga daliri na nakausli mula sa dulo ng mga haligi. Sa dulo ng mga daliri, ang makapal na gas ay bumubuo ng tila maliliit na bola na pabilog ang ayos kung saan ang mga bituin at, ayon sa ilang astronomo, marahil pati na ang mga planeta ay nabubuo. Gayunman, ang paglaki ng mga bagay na ito ay nahahadlangan ng malalakas na hangin mula sa halos daan-daang maliliit na bituin na mas naunang nabuo sa nebula. Ang pinakamaningning sa mga bituing ito ay maaaring 100,000 ulit ang kaningningan, at higit sa walong ulit na mas mainit, kaysa ating araw. Sa wari’y kinain na ng radyasyon nito ang manipis na bahagi ng nebula. Ang prosesong ito, na tinatawag na photoevaporation, ay maaaring humadlang sa pagbuo ng bituin sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga elemento na hihigupin sana ng mga namumuong bituin. Sa mga larawan ang sumisingaw na gas ay nagmimistulang singaw na nagmumula sa haligi ng gas at alabok.

Upang magningning ang isa sa mga bilug-bilog na gas na ito, dapat na ito’y mabigat upang makapaglabas ng mga nuklear na reaksiyon. Tinataya ng mga siyentipiko na ang laki ay dapat na di-kukulangin sa 8 porsiyento ng araw. Isa pa, ang sapat na dami ng alabok na nakapalibot ay kailangang maalis upang makalabas ang liwanag. Gayunman, kung ang bilog ng liwanag ay hindi sapat na lumaki upang magningning, ito’y maaaring maging isang maitim na bola ng gas na kilala bilang brown dwarf. Kamakailan, natuklasan ng mga astronomo ang kauna-unahang nakilala nilang brown dwarf.

Ang pagkakahawig ng ulap ng alabok sa Eagle Nebula sa pagkalaki-laking maiitim na ulap na makikita sa panahong mabagyo ay maaaring makalinlang sa iyo anupat maiisip mong ang ulap ng alabok ay hindi naman napakalaki. Ang totoo, ang bawat haligi ng ulap ay gayon na lamang kahaba anupat ang kislap ng liwanag na nagmumula sa isang dulo ay dapat na maglakbay ng halos isang taon upang makaabot sa kabilang dulo. Isa pa, ang bawat “maliit” na bilog ng liwanag sa larawan ay halos kasinlaki ng ating sistema solar. Higit pa rito, ang nebula ay napakalayo anupat gugugol ng halos 7,000 taon upang makaabot sa atin ang liwanag nito​—na tumatakbo sa bilis na 299,792 kilometro bawat segundo. Ito’y nangangahulugan na nakikita natin ang Eagle Nebula ayon sa hitsura nito bago pa nilikha ang tao.

Naobserbahan ng mga astronomo na ang pagbuo ng bituin ay nagaganap din sa iba pang nebula, gaya sa Orion Nebula. Gayunman, ang posisyon ng iba pang halimbawang ito ay nakahahadlang upang makitang mabuti ang proseso. Ang mga bituin ay maaari ring mamatay sa pamamagitan ng basta pagkasunog nito, sa ubod-lakas na pagsabog nito sa isang supernova, o sa paglaho nito dahil sa puwersa ng grabidad anupat ito’y nagiging bahagi ng karimlan. Batid ng Maylikha ng sansinukob, ang Diyos na Jehova, ang ulat ng mga bituin, sapagkat ang lahat ng ito’y bilang niya, at pinanganlan niya. (Isaias 40:26) Ang bituing “pugad” ng agila ay maaaring magpamalas ng ilang paraan kung paanong ang Diyos ay ‘naglalagay ng liwanag’ at lumilikha ng mga bituin na nagkakaiba-iba sa kaluwalhatian.​—Isaias 45:7; 1 Corinto 15:41.​—Inilahad.

[Buong-pahinang larawan sa pahina 15]

[Picture Credit Line sa pahina 14]

J. Hester at P. Scowen, (AZ State Univ.), NASA

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share