Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 4/22 p. 10-11
  • Aling Relihiyon ang Sinasang-ayunan ng Diyos?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Aling Relihiyon ang Sinasang-ayunan ng Diyos?
  • Gumising!—1997
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Pagsisikap sa Pagbibigay-Katuwiran
  • Makikilala sa Kanilang mga Bunga
  • Ang Relihiyong Sinasang-ayunan ng Diyos
  • Nakalulugod Kaya sa Diyos ang Lahat ng Relihiyon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Lahat ba ng Relihiyon ay Patungo sa Iisang Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Kung Bakit Magwawakas ang Makasanlibutang Relihiyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Malapit Na ang Wakas ng Huwad na Relihiyon!
    Malapit Na ang Wakas ng Huwad na Relihiyon!
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 4/22 p. 10-11

Aling Relihiyon ang Sinasang-ayunan ng Diyos?

NAKALULUNGKOT nga, ang relihiyosong mga pagkapoot sa Pransiya noong ika-16 na siglo ay hindi naglaho. Nang sumunod na siglo, nagkabaha-bahagi ang Europa dahil sa matinding pagtatangi, habang ang mga Katoliko at Protestante ay muling nagdigma noong Tatlumpung Taóng Digmaan (1618-​48). Sa ngalan ng Diyos, muling pinasigla ng nag-aangking mga Kristiyano ang kanilang mabalasik na pagpapatayan sa isa’t isa.

Hindi huminto ang relihiyosong pagkapoot at pagpatay. Kamakailan lamang ang mga Katoliko at Protestante ay nagpatayan sa isa’t isa sa Ireland, at gayundin ang ginawa ng mga miyembro ng relihiyong Ortodokso at Romano Katoliko sa teritoryo ng dating Yugoslavia. At bagaman tila ba hindi kapani-paniwala, noong mga Digmaang Pandaigdig I at II, kapuwa ang mga Katoliko at Protestante ay pumatay ng daan-daang libong miyembro ng kanila mismong mga relihiyon sa larangan ng digmaan. May katuwiran ba sa pagpatay na ito? Ano ang pangmalas ng Diyos?

Mga Pagsisikap sa Pagbibigay-Katuwiran

Ang 1995 Britannica Book of the Year ay nagsasabi: “Ang teolohikal na pagbibigay-katuwiran sa karahasan ay sinikap ng ilang pangkat noong 1994.” Mahigit na 1,500 taon na ang nakalipas, ginawa ng pilosopong Katoliko na si “San” Agustin ang kahawig na pagsisikap upang bigyang-matuwid ang pagpatay. Ayon sa New Catholic Encyclopedia, siya “ang pasimuno ng teoriya ng makatarungang digmaan,” at binabanggit ng ensayklopidiya na ang kaniyang opinyon ay ‘may impluwensiya kahit sa modernong panahon.’

Kinunsinti, at itinaguyod pa nga, ng mga simbahang Katoliko, Ortodokso, at Protestante ang pagpatay sa ngalan ng Diyos. Bagaman madugo ang rekord ng mga relihiyong ito, wala ring ipinagkaiba ang iba pang pangunahing relihiyon sa buong daigdig. Kung gayon, paano mo makikilala ang mga tao na nagsasagawa ng tunay na pagsamba?

Hindi basta sa pakikinig sa kung ano ang sinasabi nilang pinaniniwalaan nila. Tungkol sa bagay na ito, nagbabala si Jesu-Kristo: “Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta na lumalapit sa inyo na nagkukunwang tupa subalit sa loob sila’y mga ganid na lobo. Makikilala ninyo sila sa pamamagitan ng kanilang mga bunga. . . . Ang mainam na punungkahoy ay nagbubunga ng mabuting bunga ngunit ang bulok na punungkahoy ay nagbubunga ng masamang bunga. . . . Anumang punungkahoy na hindi nagbubunga ng mabuting bunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy.” (Amin ang italiko.)​—Mateo 7:15-20, The New Jerusalem Bible.

Makikilala sa Kanilang mga Bunga

Milyun-milyong matapat na mga tao ang nakakakilala na ang mga relihiyon ng daigdig ay ‘mga bulok na punungkahoy’ na nagbunga ng “masamang bunga,” lalo na, sa pagtataguyod ng madugong mga digmaan. Sa Bibliya ang imperyo ng huwad na relihiyon ay inilarawan bilang isang espirituwal na patutot na tinatawag na “Babilonyang Dakila.” Sinasabi ng Bibliya na “nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta at ng mga banal at ng lahat niyaong mga pinatay sa lupa.”​—Apocalipsis 17:3-6; 18:24.

Kaya nga, sa halip na sang-ayunan ang mga digmaan na binasbasan ng mga lider ng relihiyon, malapit nang igawad ng Diyos ang hatol sa mga relihiyon na pumaslang sa kaniyang ngalan. Gagawin niya ito bilang katuparan ng hula ng Bibliya na nagsasabi: “Gayon sa isang matulin na paghagis ibubulid ang Babilonya na dakilang lunsod, at hindi na siya masusumpungan pang muli.” Kapag naganap na ang nakatutuwang pangyayaring iyon, ‘inilapat [na ng Diyos] ang kahatulan sa dakilang patutot’ at ‘ipinaghiganti niya ang dugo ng kaniyang mga alipin sa kaniyang kamay.’​—Apocalipsis 18:21; 19:2.

Ang mga taong nasusuklam sa lahat ng pagpatay na ginawa sa ngalan ng Diyos ay maaaring magtanong kung may mga Kristiyano bang talagang namumuhay na kasuwato ng hula sa Bibliya: “Papandayin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit. Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni mangag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma.” (Isaias 2:4) May nakikilala ka bang mga taong talagang may-takot sa Diyos na tinalikuran ang digmaan?

Ang Relihiyong Sinasang-ayunan ng Diyos

Isang sosyolohikal na pag-aaral na pinamagatang “More About Justifying Violence,” na inilathala ng University of Michigan, ay nagsabi: “Sa pasimula ng dantaon, walang pagbabagong pinanatili ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang paninindigan tungkol sa hindi marahas na ‘Kristiyanong Neutralidad’ sa dalawang malalaking digmaang pandaigdig at sa sumunod na labanang militar noong panahon ng ‘Cold War.’ ” Kinikilala ang pangangatuwiran ng mga Saksi sa pananatiling neutral, ganito ang sabi ng pag-aaral: “Ang mga turo ng mga Saksi ni Jehova ay mula sa kanilang paniniwala na ang Bibliya ay kinasihang salita ng Diyos.”

Oo, ang mga Saksi ni Jehova ay namumuhay ayon sa Bibliya, na nagtuturo na: “Ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng Diyablo ay makikilala dahil sa katotohanang ito: Ang bawat isa na hindi nagpapatuloy sa katuwiran ay hindi nagmumula sa Diyos, ni siya man na hindi umiibig sa kaniyang kapatid. . . . Magkaroon tayo ng pag-ibig sa isa’t isa; hindi tulad ni Cain, na . . . pumatay sa kaniyang kapatid.”​—1 Juan 3:10-12.

Madalas na itawag-pansin ng mga Saksi ni Jehova sa mga tao ang pagkakasala sa dugo ng mga relihiyon ng daigdig. Inuulit din nila ang apurahang panawagan ng Bibliya: “Lumabas kayo sa kaniya [sa Babilonyang Dakila], bayan ko, kung hindi ninyo nais na makibahagi sa kaniya sa mga kasalanan niya, at kung hindi ninyo nais na tumanggap ng bahagi ng kaniyang mga salot. Sapagkat ang kaniyang mga kasalanan ay nagkapatung-patong hanggang sa langit, at inalaala ng Diyos ang kaniyang mga gawa ng kawalang-katarungan.”​—Apocalipsis 18:4, 5.

Maraming taimtim na mga tao ang sumusunod sa panawagang umalis sa pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon. Kung ikaw ay lubhang nasisindak sa lahat ng pagpatay na ginawa sa ngalan ng relihiyon, inaanyayahan ka naming makipagkita sa taong nagbigay sa iyo ng magasing ito o sumulat sa isa sa mga direksiyon na nasa pahina 5. Ang mga Saksi ni Jehova ay matutuwang tulungan kang malaman ang tungkol sa pangako ng Bibliya na isang daigdig ng katuwiran, na doo’y wala nang digmaan.​—Awit 46:8, 9; 2 Pedro 3:13.

[Larawan sa pahina 10]

“Hayagan nilang ipinahahayag na kilala nila ang Diyos, subalit itinatatwa nila siya sa pamamagitan ng kanilang mga gawa.” Tito 1:16

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share