Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 9/8 p. 9-11
  • Isang Bayang Naturuang Umibig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Bayang Naturuang Umibig
  • Gumising!—1997
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Damtan Ninyo ang Inyong Sarili ng Pag-ibig”
  • Pinapalitan ng Pag-ibig ang Poot
  • Malapit Nang Mawala Magpakailanman ang Poot
  • Ang Tanging Paraan Upang Mapawi ang Poot
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • “Panahon ng Pag-ibig at Panahon ng Pagkapoot”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Poot
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pag-ibig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 9/8 p. 9-11

Isang Bayang Naturuang Umibig

ANG pag-ibig ay pagmamahal na salig sa paghanga, kabaitan, o pagkakatulad ng mga hilig. Ang pag-ibig ay malapít na pagkagiliw sa isa’t isa. Ito ay hindi masakim, ito’y matapat, at mabait na nababahala sa kabutihan ng iba. Ang pag-ibig ay kabaligtaran ng poot. Ang taong nauudyukan ng poot ay abalang-abala sa kaniyang sariling kinahuhumalingan; ang isa na nauudyukan ng pag-ibig ay palaisip tungkol sa iba.

Pag-ibig o poot​—alin ang nangingibabaw sa iyong buhay? Ito’y higit pa sa basta pagtatanong lamang sapagkat ang iyong walang-hanggang kinabukasan ay nakasalalay sa kasagutan. Bagaman nabubuhay sa isang daigdig na naturuang mapoot, milyun-milyong tao ang natututong umibig. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagsusuot ng isang bagong personalidad. Hindi lamang sila nagsasalita tungkol sa pag-ibig; puspusang sinisikap nilang isagawa ito.

Kung ikaw ay nakadalo na sa pulong ng mga Saksi ni Jehova, maaaring humanga ka sa nakita mo. Anuman ang nasyonalidad, ang mga Saksi ni Jehova ay nagkakaisa sa pagsamba. Sila’y bumubuo ng isang tunay na internasyonal na kapatiran. Makikita ito sa kanilang lokal na mga kongregasyon at sa kanilang mga kombensiyon subalit lalo na sa tinatawag nilang mga pamilyang Bethel. Ito’y mga grupo ng mga boluntaryo na sama-samang namumuhay at nagtatrabaho, gaya ng isang pamilya, na gumagawa at namamahagi ng literatura sa Bibliya. Sa bawat bansa, ang ilan sa kanila ay nangangasiwa sa gawaing ginagawa ng mga Saksi ni Jehova roon. Hindi ito maliit na gawain, yamang ito’y nagsasangkot​—noong 1997​—ng mahigit na 82,000 kongregasyon sa 233 bansa. Upang matugunan ang pangangailangang ito, mahigit na 16,000 katao ang naglilingkod sa mga pamilyang Bethel sa buong daigdig, pati na sa pandaigdig na punong tanggapan at sa iba’t ibang maliliit na gusali ng sangay sa 103 bansa.

Karamihan ng mga pamilyang Bethel ay pangunahin nang binubuo ng mga mamamayan ng bansa kung saan naroon ang tanggapang pansangay. Subalit hindi naman lahat. Ang ilang pamilyang Bethel ay binubuo ng mga Saksi mula sa iba’t ibang bansa, etniko, o lahi gayundin sa dating iba’t ibang relihiyon. Halimbawa, sa pamilyang Bethel ng halos 1,200 katao na nasa Selters, Alemanya, halos 30 nasyonalidad ang kinakatawanan. Ano ang nagpapangyari sa kanila na mamuhay, magtrabaho, at sumamba na magkakasama sa kapayapaan at pagkakaisa, sa isang kapaligiran na walang poot? Sinusunod nila ang payo ng Bibliya sa Colosas 3:14, na nagsasabing:

“Damtan Ninyo ang Inyong Sarili ng Pag-ibig”

Walang sinuman ang isinilang na lubusang nadaramtan, ni nadaramtan man ang sinuman sa basta pag-uusap lamang tungkol dito. Ang pagdaramit ay nangangailangan ng paggawa ng tiyak na mga pasiya at pagkatapos ay pagsisikap na sundin ito. Sa katulad na paraan, walang sinuman ang isinilang na nadaramtan ng pag-ibig. Ang basta pag-uusap lamang tungkol dito ay hindi sapat. Kailangan ang pagsisikap.

Ang damit ay may ilang layunin. Pinangangalagaan nito ang katawan, itinatago ang hindi magagandang bahagi ng katawan o mga depekto, at sa isang antas ay isinisiwalat ang personalidad ng isang tao. Gayundin ang pag-ibig. Nagsisilbi itong proteksiyon sapagkat ang pag-ibig sa matuwid na mga simulain at sa tamang pakikisama ay nag-uudyok sa isa na iwasan ang mga kasama o mga dako na maaaring mapanganib. Iniingatan nito ang personal na mga kaugnayan, na dapat na mahalaga sa atin. Siya na umiibig ay malamang na ibigin din naman, at siya na umiiwas sa pananakit sa iba ay malamang na hindi rin mismo masaktan.

Itinatago rin ng pag-ibig ang hindi magagandang bahagi ng ating personalidad, na maaaring makapighati sa mga kapuwa-tao. Hindi ba mas malamang na hindi natin pansinin ang maliliit na pagkukulang ng mga taong mapagmahal kaysa mga taong mayabang, arogante, makasarili, at salat sa pag-ibig?

Isinisiwalat ng mga taong dinaramtan ang kanilang mga sarili ng pag-ibig ang mga kagandahan ng tulad-Kristong personalidad. Samantalang ang pisikal na kagandahan ay pang-ibabaw lamang, ang espirituwal na kagandahan ay tumatagos sa buong pagkatao. Marahil ay may nakikilala kang tao na itinuturing mong maganda, hindi dahil sa pisikal na hitsura nila, kundi dahil sa kanilang tunay na magiliw na personalidad. Sa kabilang dako naman, mayroon tayong nakikilalang magagandang babae o makikisig na lalaki na nawawalan ng lahat ng bakas ng kagandahan sa ating paningin kapag lumitaw ang kanilang tunay na pagkatao. Pagkaiga-igaya nga na makasama ng mga taong dinaramtan ang kanilang sarili ng pag-ibig!

Pinapalitan ng Pag-ibig ang Poot

Na ang poot ay mapapalitan ng pag-ibig ay ipinakikita ng isang surbey na isinagawa noong 1994 sa 145,958 mga Saksi ni Jehova sa Alemanya.

Ang sobrang pag-inom, pag-abuso sa droga, krimen, pagsusugal, at antisosyal o marahas na paggawi ay pawang, sa paano’t paano man, mga kapahayagan ng kasakiman, na madaling pagmulan ng poot. Subalit 38.7 porsiyento niyaong mga kinapanayam ay nagsabi na upang matugunan ang matataas na pamantayan ng Bibliya na itinataguyod ng mga Saksi, kailangang daigin nila ang isa o higit pa sa mga problemang ito. Ang pag-ibig sa Diyos at sa kaniyang matutuwid na pamantayan ng paggawi ang nag-udyok sa kanila na gawin iyon. Maibiging tulong ang iniaalok ng mga Saksi ni Jehova, kadalasa’y pang-isahang pagtulong. Noong nakalipas na limang taon (1992-1996), 1,616,894 katao sa 233 bansa ang natulungang gumawa ng mga pagbabago, anupat ang poot ay ginagapi ng pag-ibig na dumaraig-sa-lahat.

Sa pamamagitan ng pagkakapit ng walang pag-iimbot na pag-ibig sa kanilang mga pagsasama bilang mag-asawa, nakamit ng mga Saksi ni Jehova ang matatag na mga ugnayan. Sa ilang bansa isa sa bawat dalawa o tatlong pag-aasawa ang nauuwi sa diborsiyo. Subalit ipinakikita sa nabanggit na surbey na 4.9 porsiyento lamang ng mga Saksi sa kasalukuyan ang diborsiyado o hiwalay sa kani-kanilang kabiyak. Gayunman, hindi dapat kaligtaan na marami sa mga ito ay diborsiyado na bago sila naging mga Saksi ni Jehova.

Yamang ang Diyos ng pag-ibig ay isang Dakilang Instruktor na nagtuturo ng kaniyang mga daan sa mga umiibig sa kaniya, ipinatutungkol ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang pag-ibig, una sa lahat, sa kaniya. Di-gaya ng ibang tao, na marahil ay “mga maibigin sa kaluguran kaysa maibigin sa Diyos,” inuuna ng mga Saksi ni Jehova ang Diyos. (2 Timoteo 3:4) Kabaligtaran ng mga daan ng walang simulaing daigdig na ito, ang karaniwang Saksi sa Alemanya ay gumugugol ng 17.5 oras bawat linggo sa relihiyosong mga gawain. Maliwanag na ang mga Saksi ni Jehova ay palaisip sa espirituwal. Iyan ang nagpapaligaya sa kanila. Sinabi ni Jesus: “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan, yamang ang kaharian ng mga langit ay sa kanila.”​—Mateo 5:3.

Ang tunay na lingkod ng Diyos, sabi ng manunulat ng Awit 118, ay hindi kailangang matakot sa mga tao. “Si Jehova ang nasa aking panig; hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng makalupang tao sa akin?” (Aw 118 Talatang 6) Ang lubusang pagtitiwala sa Diyos ay nag-aalis sa isa sa mga sanhi ng pagkapoot at takot sa ibang tao.

Ang isang Kristiyano, na nakaaalam na ang Diyos ay “mabagal sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan,” ay magsisikap na alisin ang galit sa kaniyang buhay, yamang ito’y maaaring maging karagdagang sanhi ng pagkapoot. Ang pagpapaunlad ng mga bunga ng espiritu ng Diyos, kalakip ang kahinahunan at pagpipigil-sa-sarili, ay tutulong sa kaniya na matamo ito.​—Awit 86:15; Galacia 5:22, 23.

Ang tunay na Kristiyano ay mapagpakumbaba at hindi nag-iisip nang higit sa kaniyang sarili kaysa nararapat isipin. (Roma 12:3) Nililinang niya ang pag-ibig sa kaniyang pakikitungo sa iba. Kabaligtaran ng poot, ang pag-ibig ay “hindi napupukaw sa galit. Hindi ito nagbibilang ng pinsala.”​—1 Corinto 13:5.

Oo, ang takot, galit, o pagkadama ng pinsala ay maaaring magpangyari sa tao na mapoot. Subalit napagtatagumpayan ito ng pag-ibig, sa pamamagitan ng paghadlang na mag-ugat ang poot. Oo, ang pag-ibig ang pinakamalakas na puwersa sa sansinukob sapagkat ang “Diyos ay pag-ibig.”​—1 Juan 4:8.

Malapit Nang Mawala Magpakailanman ang Poot

Yamang ang mga ito’y hindi bahagi ng personalidad ng Diyos na Jehova, ang kasakiman at poot ay hindi mananatili magpakailanman. Kailangang ang mga ito’y maalis, upang palitan ng pag-ibig, na mananatili magpakailanman. Kung isang daigdig na walang poot, at puno ng pag-ibig, ang uri ng daigdig na hangad mo, hayaang ipaliwanag sa iyo ng mga Saksi ni Jehova mula sa Bibliya ang mga kahilingan para mamuhay at makita ito.

Oo, makabubuting itanong ng bawat isa sa atin, ‘Aling katangian ang nangingibabaw sa aking buhay, pag-ibig o poot?’ Ito’y higit pa sa basta isang tanong lamang. Ang pusong tumitibok ayon sa kaaway ng Diyos, isang diyos ng poot, ay hindi titibok nang matagal. Ang pusong tumitibok ayon sa Diyos na Jehova, ang Diyos ng pag-ibig, ay titibok magpakailanman!​—1 Juan 2:15-17.

[Larawan sa pahina 10]

Kahit na sa ngayon madaramtan ng mga tao ang kanilang sarili ng pag-ibig

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share