Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 9/8 p. 27
  • Pag-iingat sa Daan Para sa mga Hayop sa Ilang

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pag-iingat sa Daan Para sa mga Hayop sa Ilang
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Bumaba ng 73% ang Bilang ng mga Hayop sa Nakalipas na 50 Taon—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Sino ang Nag-iingat sa mga Hayop sa Parang sa Aprika?
    Gumising!—1993
  • Iwasan ang Sobrang Bilis at Pagkaagresibo!
    Gumising!—1988
  • Ligtas na Pagmamaneho—Lubhang Kailangan
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 9/8 p. 27

Pag-iingat sa Daan Para sa mga Hayop sa Ilang

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA BRITANYA

SANDAANG libong sorra at napakaraming hedgedog at mga kuneho ang namamatay taun-taon sa mga daan sa Britanya, gayundin ang 40,000 badger, 5,000 barn owl, at mahigit sa isang milyong palaka. Ang ulap kung taglamig at ang kadiliman ay sanhi ng pagkamatay ng mga hayop dahil sa rumaragasang mga kotse sa mga haywey. Malimit na lumilihis ang mga drayber upang maiwasang mapatay ang isang hayop subalit nadidisgrasya naman ang kanilang sasakyan o bumabangga pa nga sa kasalubong na mga sasakyan. Kung minsan ito ay nagbubunga ng pagkamatay ng tao. Pagkatapos ng aksidente na kinasasangkutan ng hayop, maraming drayber ang nakararanas ng trauma, at ayon sa mga ulat ng pulis, daan-daan ang hindi na nakapagpapatuloy sa kanilang paglalakbay.

Sa ilang haywey sa Britanya, naglagay ang mga awtoridad ng espesyal na mga reflector upang itaboy ang usa sa daan. Kapag tinamaan ng ilaw sa unahan ng kotse ang reflector, ito’y nagmimistulang mga mata ng lobo! Saanman, ang mga puno ay itinatanim nang mas malayo kaysa karaniwan mula sa daan upang makita nang mas mabuti ng mga drayber ang anumang hayop sa unahan. Sa Estados Unidos, ang ilang motorista ay naglalagay sa kanilang mga sasakyan ng mga silbato na naglalabas ng ingay na napakatinis kapag ang sasakyan ay tumatakbo sa bilis na mahigit na 55 kilometro sa isang oras. Ang hangin na pumapasok sa silbato ay lumilikha ng tunog na 60 decibel ang frequency na hindi naririnig ng tao subalit malinaw na naririnig ng mga hayop. Ang kagamitan ay napatunayang pinakamabisa sa mga hayop na ang mga tainga ay nakaturo sa harapan. Iniulat ng pulisya na ang mga banggaan dahil sa usa ay bumaba nang 50 porsiyento sa isang pagsubok na ginagamitan ng silbato.

Paano mo maiiwasan ang panganib at ang di-kinakailangang pagkamatay ng mga hayop sa ilang sa mga daan? Kapag ikaw ay nagmamaneho, lalo na kung taglamig o kung gabi, magdahan-dahan sa pagmamaneho at sundin ang mga palatandaan sa daan na nagpapaalisto sa iyo sa pagkanaroroon ng mga hayop.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share