Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 9/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Kilalanin at Kumilos Kasuwato ng mga Sintomas
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1993
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • “Iniligtas ng Gumising! ang Buhay Ko!”
    Gumising!—2003
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 9/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Atake sa Puso Salamat at ako’y kabilang sa isang organisasyong, bukod sa pinapatnubayan kami sa espirituwal, ay nagmamalasakit pa rin sa aming pisikal na kapakanan. Ipinakikita sa atin ng seryeng “Atake sa Puso​—Ano ang Maaaring Gawin?” (Disyembre 8, 1996) kung paano makikilala ang mga sintomas ng atake sa puso. Nang makita sa aking biyenang lalaki ang mga sintomas na ito, napagtanto namin na maaaring delikado ang kaniyang lagay kung kaya dinala namin siya sa ospital. Inaatake na nga siya sa puso; subalit pagkalipas ng 24 na araw sa ospital, ligtas na siya sa panganib.

E. S., Brazil

Namatay ang aking ama dahil sa aortic aneurysm noong 1995, kaya nang una kong makita ang isyung ito, hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na basahin ito. Gayunman, binasa ko na rin ito pagkalipas ng isang buwan, at nakaaliw sa akin ang mga artikulo, sa pagkaalam na ang iba’y dumaranas din ng dalamhating naidudulot ng sakit sa puso sa isang pamilya.

S. J., Canada

Nawalan ng malay ang aking asawa noong nakaraang Hulyo habang nangangaral sa bahay-bahay at kinailangang isugod sa ospital. Mabuti na lamang, naligtasan niya iyon. Tamang-tama sa panahon para sa amin ang pagdating ng inyong mga artikulo. Napaiyak kami nang makita ang bahaging “Kailangan ng mga Pamilya ang Alalay,” sapagkat ganiyang-ganiyan ang nadarama namin.

M. A., Hapon

Noong nakaraang Linggo, nakaramdam ako ng patuloy na pananakit ng aking kaliwang bisig at pamamanhid ng aking mga dulo ng daliri. Akala ko’y karaniwang sakit at kirot lamang iyon. Nang mabasa ko ang inyong mga artikulo tungkol sa atake sa puso, napag-isip-isip kong iyon na nga ang nararamdaman kong mga sintomas! Pumunta ako sa emergency room ng ospital, at natuklasan ng mga doktor na nabarahan ang isa sa malalaking ugat sa aking puso. Inoperahan nila ako kinabukasan. Nakatitiyak ako na kung hindi napasulat ang inyong mga artikulo, wala na ako rito para isulat ang pasasalamat na ito!

N. S., Estados Unidos

Partikular na pinasasalamatan ko ang kahon na “Mga Sintomas ng Isang Atake sa Puso.” Napagtanto kong masidhi ang inyong malasakit sa aming mga problema kung kaya binibigyan ninyo kami ng kailangan namin upang maharap ang mga ito.

M. B., Senegal

Mula nang atakihin sa puso ang aking tatay, napakalaki ng ipinagbago ng buhay sa aming tahanan. Sa napakahirap na panahong ito, ang mga artikulo ay napatunayang malaking tulong sa amin.

P. G., Italya

Pagpapasakop ng Asawang Babae Talagang pinasasalamatan ko ang artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya: Pagpapasakop ng Asawang Babae​—Ano ang Kahulugan Nito?” (Disyembre 8, 1996) Ang asawa ko ay hindi mananampalataya, at kung minsan ay mahirap magpasakop sa kaniya. Gusto kong maipakita ang pinakamabuting halimbawa na makakaya ko upang mawagi ko siya. (1 Pedro 3:1) Pero, gusto kong maging matatag sa aking paglilingkod kay Jehova. Napatibay ako ng inyong artikulo, at natuwa ako nang malaman kong binabantayan ako ng aking Diyos.

M. S., Estados Unidos

Lubha akong naliwanagan sa artikulo. Yamang gabundok ang mga panggigipit ni Satanas, kailangan namin ang uring ito ng impormasyon upang makapanatili sa pananampalataya. Partikular na nagustuhan ko ang halimbawa ng Bibliya tungkol kay Abigail at ang ibinigay na punto na kailangang magpakita ang asawang babae ng kaunawaan at hindi dapat makadama ng kasalanan kapag nanguna sa ilang situwasyon.

D. M., Estados Unidos

Louis Pasteur Ako’y 12 taóng gulang at nais kong malaman ninyo na pinasasalamatan ko ang artikulong “Louis Pasteur​—Ang Isiniwalat ng Kaniyang Gawa.” (Disyembre 8, 1996) Pinag-aaralan namin ang tungkol sa kaniya sa aming klase sa science. Ginamit ko ang artikulong ito sa paghahanda ng aking report at nakakuha ako ng dagdag na sampung puntos sa aking grado!

A. P., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share