Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 12/8 p. 31
  • Kailan Hindi Bubuyog ang Bubuyog?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kailan Hindi Bubuyog ang Bubuyog?
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Magagandang Orkidyas na Iyon!
    Gumising!—1992
  • Mga Orkid—Pagkagaganda ng mga Ito
    Gumising!—2003
  • Pag-aalaga ng Orkid—Mahirap, Pero Sulit
    Gumising!—2010
  • Sa Paghahanap ng mga Orkid sa Europa
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 12/8 p. 31

Kailan Hindi Bubuyog ang Bubuyog?

Ang mga bubuyog ay abala, na dumadalaw sa daan-daang bulaklak araw-araw at naghahatid ng mga nektar pabalik sa bahay-pukyutan. Pagdating ng tagsibol, ang mga lalaking bubuyog ay naghahanap ng kapareha. Sa paggawa nito, umaasa sila sa paningin at amoy. Gayunman, ang pansin ng bubuyog na di-makakita sa malayo ay naaakit din ng isang kakatwang manliligaw​—isang orkidya.

Sa gawing timog ng Europa, may ilang ligaw na orkidya na ang pertilisasyon ay nakasalalay sa kanilang paggaya sa mga babaing bubuyog. Ang mga orkidyang ito ay kailangang magpadala ng “mga pakete” ng polen sa kapuwa mga orkidya. Ang mga bubuyog ang tamang-tamang tagapagdala. Subalit yamang ang mga orkidya ay walang anumang masarap na nektar upang makaakit sa mga bubuyog, ang mga orkidya ay kailangang gumamit ng pandaraya, wika nga. At ang pandaraya ay na ang bulaklak ay totoong kamukha at kasing-amoy ng babaing bubuyog anupat sinisikap ng lalaking bubuyog na makipagtalik dito! Ang bawat uri ng mga orkidyang ito ay may kaniyang sariling pagbabalatkayo at halimuyak.

Kapag nahalata ng bubuyog ang kaniyang pagkakamali, nailagay na ng orkidya ang malagkit na pakete ng polen sa katawan ng bubuyog. Pagkatapos ay lumilipad ang bubuyog, upang muling malinlang ng isa pang orkidya, na siyang tatanggap naman ng polen. Pagkaraan ng ilang panlilinlang na iyon, natatalos ng bubuyog na ang mga orkidyang ito ay hindi mapagkakatiwalaan. Sa panahong iyon, malamang na nakatulong na siya sa polinasyon ng ilan sa mga bulaklak.

Paano nakuha ng hindi nag-iisip na mga orkidyang ito ang tamang halimuyak at anyo upang lansihin ang mga bubuyog? Ang kamangha-manghang mga mekanismong iyon ay nagpapatotoo sa isang matalinong Disenyador, na ang paglalang ay laging kagila-gilalas at kabigha-bighani.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share