Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 12/22 p. 3
  • Pagkamatay na Pumapantay sa Digmaan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagkamatay na Pumapantay sa Digmaan
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Tagumpay at Trahedya
    Gumising!—1997
  • Isang Bagong Depensa sa Pakikipagbaka sa Tuberkulosis
    Gumising!—1999
  • Isang Nakamamatay na Pagsasanib
    Gumising!—1998
  • Sumalakay Na Naman ang Tuberkulosis!
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 12/22 p. 3

Pagkamatay na Pumapantay sa Digmaan

NANG mangayayat at manghina ang 23-taóng-gulang na si Marilyn, akala niya’y may kaugnayan ito sa kaniyang nakaraang pagdadalang-tao. Lagi rin siyang inuubo, na nabanggit niya sa kaniyang doktor. Sinabi nito na ito ay isang impeksiyon sa gawing itaas ng palahingahan at nagreseta ng mga antibiotic. Nang maglaon, nang magsimula ang labis na pamamawis sa gabi, nag-alala nang talaga si Marilyn. Nagbalik siya sa kaniyang doktor, na isinaayos naman na siya ay magpa-X ray ng dibdib.

Ang aninong nakita sa X ray ay nangangailangan ng kagyat na pagkilos, subalit si Marilyn ay hindi matawagan sa telepono. “Natawagan ng doktor ang aking ina at sinabi sa kaniya na ako ay may malubhang sakit,” ang sabi ni Marilyn. “Nakita ako ng aking ina at sinabi sa akin na magtungo agad sa [doktor]. Pinapunta niya ako sa ospital kung saan ako’y muling kinunan ng isa pang X ray at ako’y pinamalagi nila roon.”

Nabigla si Marilyn na malamang siya’y may tuberkulosis (TB). Akala niya’y mamamatay na siya, ngunit pagkatapos uminom ng mga gamot na panlaban sa TB, balik na muli siya sa normal.

Mauunawaan naman ang pagkabigla ni Marilyn sa pagkakaroon ng TB. Maging ang maraming propesyonal ukol sa kalusugan ay naniwala noon na ang TB ay nadaig na sa nagpapaunlad na mga bansa, pero hindi na ngayon. “Akala ko’y nalipol na itong kasama ng salot,” ang sabi ng isang kawani sa klinika sa isang pagamutan sa London. “Subalit nang magtrabaho ako rito, nasumpungan ko na ito’y buháy at umiiral pa rin at mabilis na kumakalat sa sentro ng lunsod.”

Sa mga lugar kung saan naglaho ang TB, ito’y nagbalik; kung saan ito nanatili, ito’y lumala pa. Sa halip na madaig, ang TB ay isang mamamatay-tao na kapantay ng digmaan at pagkakagutom. Isaalang-alang:

◼ Sa kabila ng kamangha-manghang mga pagsulong ng modernong medisina, sa nakalipas na daan-daang taon ang TB ay sumawi na ng halos 200 milyong tao.

◼ Hanggang mga dalawang milyong tao​—isang-katlo ng populasyon ng daigdig—​ay nahawahan na ng TB bacillus, isang uri ng baktirya. Bukod pa rito, isang tao ang nahahawahan ng TB sa bawat segundo!

◼ Noong 1995 ang bilang ng mga taong may malala nang TB ay mga 22 milyon. Halos tatlong milyon ang namatay, na karamihan sa kanila ay nasa nagpapaunlad na bansa.

Bagaman may malalakas na gamot na makukuha upang labanan ang TB, bakit patuloy na sinasalot ng karamdamang ito ang sangkatauhan? Madaraig pa kaya ito? May anumang paraan ba upang mapangalagaan ang iyong sarili laban dito? Sasagutin ng sumusunod na mga artikulo ang mga tanong na ito.

[Picture Credit Line sa pahina 3]

New Jersey Medical School​—National Tuberculosis Center

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share