Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 6/22 p. 25
  • Gaano Kapanganib ang Telebisyon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gaano Kapanganib ang Telebisyon?
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Binago Ka ba ng Telebisyon?
    Gumising!—1991
  • Mga Paraan Para Makontrol Ito
    Gumising!—2006
  • Maingat na Paggamit ng Telebisyon
    Gumising!—2000
  • Papaano Ko Mapipigil ang Aking Hilig sa Panonood ng TV?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 6/22 p. 25

Gaano Kapanganib ang Telebisyon?

Noong Disyembre 18, 1997, iniulat sa ulong balita ng mga pahayagan na marami ang nagkasakit sa Tokyo, Hapon dahil sa isang cartoon sa telebisyon. Daan-daan ang dinala sa mga ospital. “Ang ilang bata ay sumuka ng dugo at ang ilan ay inatake o nawalan ng ulirat,” ulat ng The New York Times. “Nagbabala ang mga doktor at mga sikologo na ang ganitong tagpo ay isang matinding paalaala kung gaano kadaling maapektuhan ang mga bata ng ilang kasalukuyang mga palabas sa telebisyon.”

Ganito ang sabi ng Daily News ng New York: “Kahapon ay sinaklot ng takot ang Hapon pagkatapos manlisik ang pulang mga mata ng isang halimaw na cartoon sa TV at daan-daang bata ang nangisay sa buong bansa.

“Halos 600 bata at ilang nasa hustong gulang ang isinugod sa mga emergency room noong Martes ng gabi pagkatapos manood ng . . . isang cartoon sa TV.” Ang ilan ay ipinasok sa mga intensive care unit, dahil sa nahihirapang huminga.

Ganito ang paliwanag ni Yukiko Iwasaki, ina ng isang walong-taong-gulang: “Nabigla ako nang makita kong nawalan ng malay ang aking anak na babae. Nagsimula lamang siyang makahinga nang hampasin ko siya sa likod.”

Hindi maipaliwanag ng mga prodyuser ng mga programa sa telebisyon para sa mga bata kung paanong magiging dahilan ng gayong mapanganib at marahas na reaksiyon ang isang pamamaraan sa cartoon na sinasabi nilang “daan-daang beses” nang ginamit.

Palibhasa’y nakababatid sa mapanganib na mga epekto ng panonood ng telebisyon, maingat na sinusubaybayan ng ilang magulang ang panonood ng TV o inalis pa man din ang TV sa kanilang tahanan. Sinabi ng isang magulang sa Allen, Texas, E.U.A., na bago alisin ang TV sa kanilang tahanan, ang kaniyang mga anak ay kakikitaan ng “suliranin sa pagtutuon ng pansin, pagkamainisin, pagiging hindi matulungin, at matinding pagkabagot.” Nagpaliwanag pa siya: “Sa ngayon, halos lahat sa aming limang anak​—na ang edad ay mula 6 hanggang 17​—ay mga estudyanteng may pinakamatataas na marka. Dahil wala nang TV, agad silang nagkaroon ng sari-saring interes kasali na ang palakasan, pagbabasa, sining, paggamit ng computer, atb.

“Ang isang lubhang di-malilimutang pangyayari ay naganap mga dalawang taon na ang nakalipas. Ang aking anak na lalaki, na noo’y 9 anyos, ay tumawag mula sa parti sa bahay ng isang kaibigan kung saan doon na sila matutulog, na nagnanais umuwi nang maaga . . . Nang sunduin ko siya at tanungin kung ano ang problema, sabi niya, ‘Nakakainip. Ang gusto lamang nilang gawin ay maupo at manood ng TV!’”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share