Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 7/8 p. 31
  • Kapag ang Patay ay Talagang Patay Na

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapag ang Patay ay Talagang Patay Na
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Limot Na ba ang Alaala sa Kanila?
    Gumising!—1989
  • Ano ang Nangyayari sa Ating Yumaong mga Mahal sa Buhay?
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
  • Dapat Mo Bang Katakutan ang Patay?
    Gumising!—2009
  • Magsagawa ng Pananampalataya Ukol sa Buhay na Walang-Hanggan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 7/8 p. 31

Kapag ang Patay ay Talagang Patay Na

“Ang buháy na aso ay mas mabuti pa kaysa sa patay na leon. Sapagkat batid ng mga buháy na sila ay mamamatay; ngunit kung tungkol sa mga patay, sila ay walang anumang kabatiran, ni mayroon pa man silang kabayaran, sapagkat ang alaala sa kanila ay nalimutan.”​—Eclesiastes 9:4, 5.

MARAMING tao ang may malabong paniwala tungkol sa kaluluwang nananatiling buháy pagkatapos ng kamatayan o nakararanas ng mga siklo ng reinkarnasyon. Naniniwala pa nga ang iba na ang isa ay maaaring magbalik pagkatapos mamatay. Kamakailan lamang, si Thomas Lynch, isang tagapamahala ng punerarya, ay hinilingan ng opinyon tungkol sa katanungan hinggil sa kabilang-buhay. Sabi niya: “Yaong mga tao na nakakakita ng mga tunel ng liwanag at ng iba pa ay hindi totoong nagbalik mula sa mga patay​—sila’y itinuring lamang na patay sapagkat hindi na natin kayang arukin ang mga palatandaan kung sila’y buháy. Sapagkat ikaw ay ‘patay’ na kung hindi ka na magbabalik.”​—The New York Times Magazine.

Wasto ang sinabi ng Bibliya sa loob ng maraming taon. “Ang buháy na aso ay mas mabuti kaysa sa patay na leon. Sapagkat batid ng mga buháy na sila ay mamamatay; ngunit kung tungkol sa mga patay, sila ay walang anumang kabatiran, ni mayroon pa man silang kabayaran, sa dahilang ang alaala sa kanila ay nalimutan.” (Eclesiastes 9:4, 5) Ang sandaling pamamasyal sa alinmang lumang sementeryo ay magpapatunay sa katotohanang iyan.

Nangangahulugan ba iyan na talagang wala nang pag-asa para sa mga patay? Tiyak na hindi nagbibigay ng saligan ang Bibliya upang maniwala sa imortal na kaluluwa na nananatiling buháy pagkatapos ng kamatayan (Genesis 2:7; Ezekiel 18:4, 20) Gayunman, ipinangaral ni Jesu-Kristo ang hinggil sa pagkabuhay-muli sa buhay sa isinauling paraiso sa lupa. Ang kaniyang Judiong tagasunod na si Martha, na ang kapatid na si Lazaro na kamamatay lamang, ay naniwala sa pagkabuhay-muli, sapagkat sinabi niya hinggil kay Lazaro: “Alam ko na siya ay babangon sa pagkabuhay-muli sa huling araw.” (Juan 11:24) Dito, ay sumagot si Jesus: “Ako ang pagkabuhay-muli at ang buhay. Siya na nagsasagawa ng pananampalataya sa akin, kahit na siya ay mamatay, siya ay mabubuhay; at bawat isa na nabubuhay at nagsasagawa ng pananampalataya sa akin ay hindi na kailanman mamamatay. Pinaniniwalaan mo ba ito?” (Juan 11:25, 26) Una pa rito ay sinabi niya: “Huwag kayong mamangha rito, sapagkat ang oras ay dumarating na ang lahat niyaong nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig at lalabas, yaong mga gumawa ng mabubuting bagay sa pagkabuhay-muli sa buhay, yaong mga nagsagawa ng buktot na mga bagay sa pagkabuhay-muli sa paghatol.” Subalit pansinin, walang tinukoy si Jesus hinggil sa isang imortal na kaluluwa!​—Juan 5:28, 29; Lucas 23:43.

[Blurb sa pahina 31]

“Ikaw ay ‘patay’ na kung hindi ka na magbabalik.” Thomas Lynch, tagapamahala ng punerarya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share