Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 10/22 p. 3-4
  • Ano Na ang Nangyari sa Pag-ibig sa Kapuwa?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano Na ang Nangyari sa Pag-ibig sa Kapuwa?
  • Gumising!—1998
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Modernong Trahedya
  • Sino ang May Pananagutan?
  • Kung Bakit Lumamig Na ang Pag-ibig
  • Mag-iibigan Pa Kaya sa Isa’t Isa ang Lahat ng Tao?
    Mag-iibigan Pa Kaya sa Isa’t Isa ang Lahat ng Tao?
  • Trahedya sa Rwanda—Sino ang May Pananagutan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Mapagkakatiwalaan Mo ba ang Relihiyon Pagdating sa Digmaan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Ibinabahagi ang Kaaliwan na Inilalaan ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 10/22 p. 3-4

Ano Na ang Nangyari sa Pag-ibig sa Kapuwa?

MILYUN-MILYON ang nawawalan ng pag-asa, natatakot, at kaawa-awa, anupat hindi alam kung saan babaling. “Kumakain akong mag-isa, naglalakad na mag-isa, natutulog na mag-isa at kinakausap ko ang aking sarili,” ang malungkot na sinabi ng isang tao. Iilan lamang ang gustong tumulong at kumilos sa isang maibiging paraan sa mga nangangailangan.

Ganito ang sabi ng isang retiradong babaing negosyante: ‘Isang gabi, kumatok sa aking pinto ang isang biyuda na nakatira sa palapag na aking tinitirhan at nagsabing siya’y nalulungkot. Sa magalang ngunit tahasang pananalita ay sinabi ko sa kaniya na ako’y abala. Humingi siya ng paumanhin sa pagkakaabala niya sa akin at saka siya umalis.’

Nagpatuloy ang babae: ‘Nakadama ako ng pagmamalaki sa sarili dahil hindi ako nagpadala sa gayong nakababagot na tao. Nang sumunod na gabi, isang kaibigan ang tumawag at nagtanong kung kilala ko ang babae sa aming gusali na nagpatiwakal kagabi. Kung hindi mo pa nahuhulaan, iyon ang babaing kumatok sa aking pintuan.’ Pagkaraan, sinabi ng negosyante na natuto siya ng isang “mahalagang leksiyon.”

Hindi lingid sa kaalaman na ang mga sanggol na pinagkakaitan ng pagmamahal ay maaaring mamatay. Maaari ring mamatay ang mga may edad na kung hindi sila pakikitunguhan nang may pagmamahal. Sa isang liham bago magpatiwakal, isinulat ng isang kaakit-akit na 15-taong-gulang: “Ang pag-ibig ay nangangahulugang hindi ka na malulungkot pa.”

Isang Modernong Trahedya

Sa pagkokomento tungkol sa pagkakapootan ng lahi mga ilang taon na ang nakaraan, iniulat ng Newsweek: “Waring ‘Kapootan ang iyong kapuwa’ ang siyang kasabihan ng taon.” Sa panahon ng mga alitan sa Bosnia at Herzegovina, na dating bahagi ng Yugoslavia, mahigit sa isang milyon katao ang napilitang umalis sa kanilang tahanan, at sampu-sampung libo ang pinatay. Nino? “Ng mismong kapitbahay namin,” hinagpis ng isang batang babae na pinalayas sa kanilang nayon. “Kilala namin sila.”

“Dati kaming magkakasamang namumuhay nang payapa,” sabi ng isang babae tungkol sa 3,000 Hutu at Tutsi na naninirahan sa nayon ng Ruganda. Sinabi ng The New York Times: “Ang kuwento ng nayong ito ang siyang kuwento ng Rwanda: Ang mga Hutu at Tutsi ay naninirahang sama-sama, nagiging mag-asawa, anupat hindi man lamang nila inaalumana ni kinikilala kung sino ang Hutu at kung sino naman ang Tutsi. Nang walang anu-ano’y bigla na lamang itong nagbago,” at “nagsimula na nga ang pagpapatayan.”

Katulad nito, ang mga Judio at Arabe sa Israel ay magkakasamang naninirahan sa iisang lugar, ngunit marami ang namumuhi sa isa’t isa. Sa buong ika-20 siglong ito, katulad na mga situwasyon ang bumangon sa Hilagang Ireland, sa India at Pakistan, sa Malaysia at Indonesia, at sa pagitan ng mga lahi sa Estados Unidos​—oo, sa buong daigdig na kinabubuhayan natin.

Marami pa ang mababanggit na mga halimbawa ng pagkakapootan ng mga lahi at mga relihiyon. Ngayon lamang sa buong kasaysayan naging ganitong salat na salat sa pag-ibig ang daigdig.

Sino ang May Pananagutan?

Ang pagkapoot, tulad ng pag-ibig, ay itinuturo. Sinasabi ng isang popular na awitin na ang mga bata ay “tinuturuan bago maging huli na ang lahat/ Bago ka tumuntong sa anim o pito o walong taong gulang/ Na kapootan ang lahat ng taong kinapopootan ng iyong mga kamag-anak.” Lalo na ngayong itinuturo ang pagkapoot. Ang mga simbahan lalo na ay nabigong magturo ng pag-ibig sa kanilang mga miyembro.

Nagtanong ang pahayagang Pranses na Le Monde: “Paano maiiwasang isipin ng isa na ang Tutsi at Hutu na nagdidigmaan sa Burundi at Rwanda ay sinanay ng iyon ding mga misyonerong Kristiyano at nagsisimba sa iisang mga simbahan?” Sa katunayan, ayon sa National Catholic Reporter, ang Rwanda ay “70% bansang Katoliko.”

Maaga sa siglong ito, ang mga bansa sa Silangang Europa ay bumaling sa ateistikong Komunismo. Bakit? Noong 1960, ganito ang sabi ng dekano ng isang relihiyosong sangay ng paaralan sa Prague, Czechoslovakia: “Tayo, at tayong mga Kristiyano lamang, ang may pananagutan sa Komunismo. . . . Tandaan na dating mga Kristiyano ang mga Komunista. Kung hindi sila naniniwala sa isang makatarungang Diyos, kaninong kasalanan iyon?”

Tingnan ang ginawa ng mga simbahan noong Digmaang Pandaigdig I. Ang Britanong brigadyer heneral Frank Crozier ay nagsabi hinggil sa digmaan: “Ang mga Simbahang Kristiyano ang pangunahing mga promotor ng pagbububo ng dugo na mayroon tayo at malaya nating ginamit ang mga ito.” Nang maglaon, pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II, sinabi ng The New York Times: “Dati-rati, ang lokal na mga herarkiyang Katoliko ay halos laging nagtataguyod sa mga digmaan ng kanilang mga bansa, binabasbasan ang mga kawal at naghahandog ng mga panalangin para sa tagumpay, samantalang ang ibang pangkat ng mga obispo sa kabilang panig ay hayagang nagdarasal para sa kabaligtarang resulta.”

Gayunman, ipinamalas ni Jesu-Kristo ang pag-ibig sa lahat ng kaniyang gawain, at sumulat si apostol Pablo: “Kayo mismo ay tinuruan ng Diyos na ibigin ang isa’t isa.” (1 Tesalonica 4:9) “Ang tunay na mga Kristiyano ay magkakapatid kay Jesu-Kristo,” sabi ng isang tauhang manunulat ng pamatnugutan ng Sun ng Vancouver. “Hindi nila kailanman sadyang sasaktan ang isa’t isa.”

Maliwanag, malaki ang pananagutan ng mga simbahan sa kasalatan ng pag-ibig sa ngayon. Ganito ang sabi ng isang artikulong inilathala sa magasing India Today: “Ang relihiyon ang naging bandila na sa ilalim nito ay isinagawa ang pinakakakila-kilabot na mga krimen.” Subalit may pangunahing dahilan kung bakit ang ating henerasyon ay kakikitaan ng gayong kawalang-malasakit sa iba.

Kung Bakit Lumamig Na ang Pag-ibig

Ibinibigay ng ating Maylalang ang sagot. Tinatawag ng kaniyang Salita, ang Bibliya, na “mga huling araw” ang panahon na ating kinabubuhayan. Sinasabi ng hula sa Bibliya na ito ay isang panahon na ang mga tao’y “walang likas na pagmamahal.” Hinggil sa ganitong “mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan,” na tinatawag din sa Kasulatan na “katapusan ng sistema ng mga bagay,” inihula ni Jesu-Kristo na “ang pag-ibig ng nakararami ay lalamig.”​—2 Timoteo 3:1-5; Mateo 24:3, 12.

Kaya naman, ang kasalatan ng pag-ibig sa ngayon ay bahagi ng patotoo na tayo ay nabubuhay sa mga huling araw ng sanlibutang ito. Mabuti na lamang, nangangahulugan din ito na ang daigdig na ito ng mga taong di-makadiyos ay malapit nang palitan ng isang matuwid na bagong sanlibutan na doo’y namamayani ang pag-ibig.​—Mateo 24:3-​14; 2 Pedro 3:7, 13.

Ngunit talaga bang may dahilan tayo para maniwalang posible ang gayong pagbabago​—na mabubuhay tayo sa isang daigdig kung saan ang lahat ng tao ay mag-iibigan sa isa’t isa at magkakasamang mamumuhay nang payapa?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share