Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 6/22 p. 26-27
  • Malaki ang Naging Bahagi ng Kababaihan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Malaki ang Naging Bahagi ng Kababaihan
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Bagay na Bago sa Internasyonal na Pagtatayo
    Gumising!—1991
  • Sama-samang Nagtatayo sa Buong Daigdig
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Puwede Mo Bang Ibigay ang Iyong Panahon at Lakas?
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • “Basta Kailangang Gawin Mo Ito”
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 6/22 p. 26-27

Malaki ang Naging Bahagi ng Kababaihan

ANG mahalagang bahagi ng mga babaing Kristiyano sa pagtatayo ng sangay ng mga Saksi ni Jehova sa Zimbabwe ay idiniin noong programa ng pag-aalay, na idinaos noong Disyembre 12, 1998. Sa apat na taóng proyekto ng pagtatayo, mga boluntaryo mula sa maraming bansa​—pati na ang daan-daan mula sa Zimbabwe​—ang nagbigay ng kanilang panahon, lakas, kadalubhasaan, at mga tinatangkilik upang itayo ang magagandang gusali na nakikita mo sa kalakip na larawan.

Mapapansin mo ang anim na magkakasinlaking gusaling tirahan sa likuran. Ang malaking gusali na pinakamalapit sa mga ito ang kinaroroonan ng silid kainan, kusina, at laundry. May 61 silid-tulugan sa mga gusaling tirahan, at ang silid kainan ay makapagpapaupo ng mga 200. Sa harap, sa gawing kaliwa, ang gusaling opisina. Nasa gitna ang reception area, at nasa kanan naman ang bodega, kung saan idinaos ang programa ng pag-aalay.

Ang magandang pasilidad na ito ng sangay sa Zimbabwe, sa gawing timog ng Aprika, ay isa lamang sa maraming gayong proyekto na natapos mula nang simulan ng mga Saksi ni Jehova ang programa ng internasyonal na pagtatayo noong Nobyembre 1985. Inilarawan ng Gumising! ng Agosto 22, 1991, ang programang ito sa isang artikulong pinamagatang “Isang Bagay na Bago sa Internasyonal na Pagtatayo.”

May kinalaman sa bahagi ng kababaihan sa programang ito, ang Gumising! ay nag-ulat: “Marami ang sinanay na magtali ng alambre sa pampatibay na bakal, maglatag at mag-grout ng baldosa, sinanay rin silang magliha at magpinta. Ang iba naman ay nag-aasikaso sa kinakailangang mga gawaing-bahay. Kaya silang lahat ay nakatulong sa mainam na paraan sa mga gawain sa mga dako ng pagtatayo sa buong daigdig.”

Noong programa ng pag-aalay kamakailan sa Zimbabwe, pinaghambing nina George Evans at James Paulson, na nangasiwa sa pagtatayo, ang naging bahagi ng kababaihan sa pagtatayo ng sangay sa Zimbabwe sa naging bahagi ng kababaihan sa pagtatayo ng sinaunang tabernakulo ng Israel. “Lumapit sila, ang bawat isang naudyukan ng kaniyang puso,” ang sabi ng Bibliya tungkol sa mga Israelita, “at sila ay nagdatingan, ang mga lalaki kasama ang mga babae.”​—Exodo 35:21, 22.

Sa paggamit ng ulat na ito sa Bibliya, idiniin nina Brother Evans at Paulson ang kalidad ng abuloy ng kababaihan. Sinipi nila ang ulat ng Bibliya: “Ang lahat ng babae na may pusong marunong ay nag-ikid sa pamamagitan ng kanilang mga kamay, . . . ang lahat ng babae na naudyukan ng kanilang mga puso taglay ang karunungan.” Oo, kabilang ang mga babae na naghandog nang kusa ng kanilang sarili sa paggawa. “Ang lahat ng lalaki at babae na napakilos ng kanilang mga puso na magdala ng anumang bagay para sa lahat ng mga gawain na iniutos ni Jehova na gawin sa pamamagitan ni Moises ay gumawa ng gayon.”​—Exodo 35:25, 26, 29.

May kinalaman sa proyekto ng sangay sa Zimbabwe, ganito ang sabi ng mga tagapangasiwa sa pagtatayo: ‘Ginawa ng kababaihan ang trabahong ginawa ng mga lalaki.’ Kalakip dito ang pagtatali ng mga bakal at pagpapatakbo ng malalaking kagamitan. Sinabi ni Brother Paulson na pinanatili ng kababaihan ang kanilang mga trak na naghahatid at naghahalo ng semento at iba pang malalaking kagamitan na makintab at napakalinis, na aniya, hindi karaniwang ginagawa ng kalalakihan.

Tiyak, nagpapasalamat tayo sa libu-libong kababaihan na kasama ng kalalakihan na nakibahagi sa gawaing pagtatayo ng mga tanggapang pansangay at mga Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig!

[Larawan sa pahina 26]

Sangay sa Zimbabwe

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share