Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 6/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Pagsusuri sa Alternatibong mga Paraan ng Paggamot
    Gumising!—2000
  • Mga Halamang-Gamot—Makatutulong ba sa Iyo ang mga Ito?
    Gumising!—2003
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2001
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—2001
g01 6/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mas Mabuting Kalusugan Bilang isang doktor ng chiropractic at rehistradong physical therapist, ako’y may 21 taon na sa larangan ng pangangalaga ng kalusugan, anupat naglalaan ng tulong sa libu-libong pasyente. Lubha akong nababahala na baka marami sa makababasa ng seryeng itinampok sa pabalat na “Mas Mabuting Kalusugan​—Anu-ano ang Mapagpipilian?” (Oktubre 22, 2000) ang mag-atubiling magpatingin sa isang chiropractor dahil sa takot sa ipinahiwatig na mga potensiyal na panganib.

A. K., Estados Unidos

Nabanggit ninyo na ang pagsasaayos ng chiropractor sa leeg ay maaaring maging dahilan ng istrok sa pasyente. Ako’y mahigit nang 50 taon sa pagiging chiropractor, at hindi pa ako kailanman nakakita o nakabalita ng ganitong reaksiyon.

B.D.B., Estados Unidos

Hindi namin intensiyon na sirain ang loob ng mga mambabasa laban sa pagpapagamot sa isang chiropractor kung ito ang kagustuhan nila. Ang “Gumising!” ay nag-ulat: “Kapansin-pansin naman, kakaunti ang nangyayaring masamang epekto sa paraang chiropractic na ginagawa ng isang bihasa rito.” Kasabay nito, ang “Archives of Internal Medicine,” Tomo 158, Nobyembre 9, 1998, ay nagsabi may kinalaman sa gayong manipulasyon na “ang dami ng malulubhang komplikasyon ay mapagtatalunan pa” at na “ang mga pagtaya ay naglalaro mula sa 1 sa 400,000 hanggang sa pagitan ng 3 at 6 sa bawat 10 milyon.” Dapat sana’y nilinaw namin na ang mga komplikasyon sa mga pagsasaayos ng chiropractor, na sinasabing kabilang dito ang istrok, ay lumilitaw na bihirang-bihira.​—ED.

Maraming salamat sa seryeng ito. Hindi naman ako kontra sa pangkaraniwang panggagamot, ngunit ang reaksiyon ng katawan ko sa mga antibiotic ay nagsasapanganib sa aking buhay. Kung minsan, hindi matuklasan ng karaniwang mga doktor ang aking mga sakit, kaya kailangan kong pumili ng alternatibong panggagamot. Ang mga artikulong iyon ay talagang nagpatibay-loob sa akin sapagkat pinagtatawanan pa nga ako ng ibang tao dahil sa aking mga pagpili.

S. H., Antigua

Sinipi ng kahon sa pahina 8 ang isang doktor na nagsabing ang mga halamang-gamot na ginkgo biloba at feverfew ay maaaring makahadlang sa pamumuo ng dugo kapag isinabay ang mga ito sa mga gamot na inirereseta. Umiinom ako ng mga halamang-gamot na ito, kasama ng mga iniresetang gamot. Akala ko’y lubusang ligtas ang lahat ng halamang-gamot! Maaaring makatulong sa akin ang impormasyong ito upang makaiwas sa mga suliranin sa hinaharap.

G. G., Estados Unidos

Kontrobersiya sa Kalendaryo Ang inyong mga artikulo ay sinaliksik na mabuti at mapaniniwalaan; bibihira ang pagkakamali. Gayunman, sa pagbabasa ng artikulong “Ang mga Viking​—Mga Mananakop at Manlulupig” (Disyembre 8, 2000), may napansin akong isang teknikal na pagkakamali. Sinabi ninyo na ang mga pangalang Ingles ng ilan sa mga araw ay batay sa mitolohiyang Norse. Bagaman ang mga Viking ay talagang sumamba kina Tyr, Odin, Thor, at Frigga, ginawa rin ito ng mga taong Aleman na gumamit ng mga pangalang naiiba nang kaunti. Dinala nila sa Britanya ang pagsamba sa mga diyos na ito nang lumusob sila noong ikalima at ikaanim na siglo. Kaya ang mga araw ng linggo ay nagmula sa mga Anglo-Saxon.

A. C., Britanya

Sinasabi ng “The World Book Encyclopedia” at ng iba pang mapagkukunan ng impormasyon na ang mga pangalan para sa mga araw na ito ay “hinango sa mga pangalan ng mga diyos na Norse.” Gayunman, sinasabi ng “The Encyclopædia Britannica” na ang mga pangalang ito ay “nanggaling sa mga salitang Anglo-Saxon para sa mga diyos ng mitolohiyang Teutonico.” Naniniwala ang ilang iskolar na ang mga salitang ito na Anglo-Saxon ay nauugnay sa Old Norse. Anuman ang kalagayan, ito’y isang usapin na patuloy na pagtatalunan ng mga iskolar.​—ED.

Panlulumo Maraming salamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Dapat Ko Bang Sabihin sa Iba na Ako’y Nanlulumo?” (Oktubre 22, 2000) Lumabas ang artikulo nang panahong ako’y lubhang nanlulumo at hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Nadama ko sa pagbabasa ng artikulo na may nakauunawa sa akin. Nakipag-usap ako sa aking mga magulang, sa pinakamatalik kong kaibigan, at lalo na kay Jehova. Malaking tulong ang ibinigay niya. Ayokong mawala sa akin kailanman ang aking matalik na personal na kaugnayan kay Jehova.

A. P., Alemanya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share