Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 9/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2002
  • Paglaban sa mga Balakid sa Pamamagitan ng Pagtatakda ng mga Tunguhin
    Gumising!—2001
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2001
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—2001
g01 9/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Kaaliwan Para sa Maysakit Salamat sa serye na “Kaaliwan Para sa Maysakit.” (Enero 22, 2001) Apat na taon na ang nakararaan nang ako’y naaksidente. Maraming beses na nadama ko na mas mabuti pa kung namatay na lamang ako. Napakamalilimutin ko at maraming mahihirap na araw ang naranasan ko bunga nito. Nang mabasa ko ang seryeng ito, ako’y napatibay-loob.

T. M., Hapon

Sapol sa edad na 15, kailangang pagtiisan ko ang napakasakit na rheumatoid arthritis. Nakatulong sa akin ang impormasyon na matanto na kailangan kong matutuhang magtiwala nang higit kay Jehova, na “isang moog sa araw ng kabagabagan.”​—Nahum 1:7.

Y.F.R., Colombia

Ako’y isang buong-panahong ebanghelisador. Hindi pa natatagalan pagkalipat ko upang maglingkod sa bagong lugar, nalaman ko na ako’y may diyabetis. Napakagaling ng inyong pagkakalarawan sa alimpuyo ng mga emosyong nadarama ng isang may nagtatagal na sakit! Natulungan ako ng mga artikulo na pag-isipang muli ang sarili kong kalagayan sa mas timbang na paraan at gumawa ng mga pagbabago sa aking buhay.

L. A., Italya

Wala naman kaming sakit, subalit malaki ang naitulong sa amin ng mga simulain sa artikulo sa problemang kinakaharap namin. Gaya ng karaniwang nangyayari, ang magasin ay sagot sa isang espesipikong panalangin.

R. P. at L. P., Sri Lanka

Ilang linggo na ang nakalilipas, sinabihan ako na ako’y may kanser sa aking atay. Maguguniguni mo ang laki ng aking pagkagulat, yamang ako’y malusog hanggang sa panahong sabihin sa akin iyon. Ngayong araw na ito ay dinampot ko ang labas na Enero 22 at nasiyahan akong basahin ang mga artikulo. Inilarawan ng mga ito ang lahat ng aking mga pag-aalinlangan, kaisipan, at emosyon subalit, kasabay nito, nagtataguyod ang mga ito ng positibong pangmalas.

J. E., Espanya

Totoong-Buhay na Karanasan Sumulat ako tungkol sa makabagbag-damdaming karanasan nina Bill at Rose Meiners, “Paglaban sa mga Balakid sa Pamamagitan ng Pagtatakda ng mga Tunguhin.” (Enero 22, 2001) Nakapagpapatibay na malaman na sila’y nakapagtitiis sa loob nang mahigit sa kalahating siglo na. Ang mga talambuhay na ito ay labis na nakaaantig ng puso. Ibig kong ipaalam kina Bill at Rose na ipinapanalangin ko sila nang espesipiko.

V. G., Italya

Para sa amin na malulusog, ang salaysay na ito ng isang lalaki na nakikipagpunyagi sa kaniyang sakit sa loob ng mahigit na 50 taon ay hindi malirip ng isipan at nakapagpapasigla. Natulungan ako nito na maunawaan na bilang isang malusog na babae, dapat na labis kong pahalagahan ang aking kalusugan at ganap na gamitin ang buhay ko.

P. V., Czech Republic

Ang aking ina ay maysakit sa loob ng halos 20 taon na. Sa ngayon ay labis siyang nasisiraan ng loob at nagtatanong kung bakit hindi man lamang siya magkaroon ng kahit kaunting ginhawa. Binasa ko ang artikulong ito sa kaniya, subalit ako man ay nakinabang din mula rito. Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit malimit siyang nanlulumo.

G.O.A., Nigeria

Sina Bill at Rose, gayundin ang maraming iba pa na nabubuhay na may malubhang sakit, ay napakalakas ng loob! Sa palagay ko tayong malulusog ay maaaring matuto mula sa kanilang halimbawa. Bill at Rose, patuloy kayong maging matatag! Kayo’y mga halimbawa para sa amin!

I. S., Alemanya

Pakikipag-date ng Tin-edyer Ako’y 15 anyos, at gustung-gusto ko ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Kung Inaakala ng Aking mga Magulang na Napakabata Ko Pa Para Makipag-date?” (Enero 22, 2001) Tinatanong ako ng mga kabataan sa paaralan kung ako’y bakla dahil hindi ako nakikipag-date. Karaniwang sinasabi ko sa kanila na hindi ako pinapayagan ng aking mga magulang na makipag-date, subalit parating gusto kong magbigay ng mas magandang sagot. Dahil sa nabasa ko ang artikulong ito, ngayon ay alam ko na kung paano sasagutin ang kanilang mga tanong. Maraming salamat dahil sa iniisip ninyo kaming mga tin-edyer.

C. G., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share