Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 9/22 p. 31
  • Ligtas ba ang Inyong Anak?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ligtas ba ang Inyong Anak?
  • Gumising!—2001
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MGA TIP NA PANGKALIGTASAN
  • MGA PAG-IINGAT
  • Ikabit ang Sinturon Para sa Kaligtasan
    Gumising!—1998
  • Kung Paano Maiiwasan ang mga Aksidente sa Pagmamaneho
    Gumising!—2011
  • Luklukan ng paghatol
    Glosari
  • Ang Sinturon na Nagliligtas ng Buhay
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—2001
g01 9/22 p. 31

Ligtas ba ang Inyong Anak?

Ayon sa National Highway Traffic Safety Administration (NHTSA) sa Estados Unidos, ang banggaan ng mga kotse ang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga bata na nasa pagitan ng edad 5 at 14 na taon. Ganito ang sabi ng NHTSA: “Ang mahigit na 50% ng mga bata na namatay sa banggaan ay di-napigil [ng mga kagamitang pangkaligtasan]. Karagdagan pa, 4 sa 5 bata ay di-wastong napigil ng mga kagamitang pangkaligtasan.”

Ang NHTSA ay nagbibigay ng ilang tip na pangkaligtasan at mga pag-iingat para sa mga may kasamang bata habang nagmamaneho. Bagaman nagkakaiba-iba ang mga batas sa bawat bansa at mga estado, ang mga alituntuning ito ay dapat na pag-isipan ng maraming magulang at mga tagapag-alaga ng mga bata. Pakisuyong alamin ang mga batas sa inyong lugar at gawin ang anumang magagawa ninyo upang maingatang ligtas ang inyong napakahalagang mga sakay!

MGA TIP NA PANGKALIGTASAN

Ang mga upuan sa likuran ang pinakaligtas na lugar para sa lahat ng bata.

1 Dapat ilagay nang patalikod ang mga sanggol sa upuang pangkaligtasan para sa mga bata sa likurang upuan ng kotse.

2 Ang isang bata na humigit-kumulang isang taon at tumitimbang nang mga siyam na kilo ay maaaring iupo nang paharap sa upuan.

3 Kapag 18 kilo ang timbang, ang bata ay maaaring gumamit ng “booster seat,” na nakakabit sa isa sa mga sinturon ng kotse na para sa kandungan at balikat.

4 Kapag humigit-kumulang 36 na kilo ang timbang at ang taas ay mga 140 sentimetro, ang bata ay maaari nang gumamit ng sinturong pangkaligtasan para sa adulto.

MGA PAG-IINGAT

Hindi dapat maupo ang mga bata sa pampasaherong upuan sa harapan malibang sila’y 13 ang edad pataas. Ang mga air bag para sa mga pasahero sa harapan ay maaaring magdulot ng malulubhang pinsala sa mga bata at mga sanggol.

Kapag ginamit ang booster seat, hindi magbibigay ng sapat na proteksiyon ang sinturon para sa kandungan lamang kung ang booster seat ay walang pangharang.

Huwag isipin na maiingatan ng sinturon para sa balikat lamang ang isang maliit na bata; sa panahon ng banggaan, maaaring masakal ng sinturon ang bata, na magiging sanhi ng pinsala o pagkamatay pa nga.

Sundin nang maingat ang mga tagubilin kapag naglalagay at gumagamit ng mga upuan para sa bata. Ayon sa NHTSA, “maging ang ‘pinakaligtas’ na upuan ay maaaring hindi makapag-ingat sa inyong anak kung hindi ito wastong ginagamit.”

[Larawan sa pahina 31]

Kalakip sa tamang paglalagay ng upuan ng bata ang ligtas na pagkakabit ng sinturong pang-upuan

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share