Halikayo, Pakinggan ang Pahayag Pangmadla na
“Ang Tanawin ng Sanlibutang Ito ay Nagbabago”
ITO ANG MALILIGALIG NA PANAHON. Ang nakasisindak na mga pangyayari sa daigdig ay waring sunud-sunod at napakabilis na nagaganap. Nadarama mo ba sa sarili mo na para bang ikaw ay nalilipos at naguguluhan sa lahat ng ito—na wari bang ang lahat ng bagay sa palibot mo ay napakabilis na nagbabago?
Ang Bibliya ay naglalaman ng matalinong obserbasyong ito tungkol sa mga gawain ng tao: “Ang tanawin ng sanlibutang ito ay nagbabago.” (1 Corinto 7:31) Inihahambing ni apostol Pablo, na sumulat ng mga salitang iyon, ang mga pangyayari sa daigdig sa nagbabagong mga tanawin sa tanghalan ng isang teatro. Sa buong kasaysayan, lumitaw at pagkatapos ay naglaho sa tanawin ng daigdig ang mga pinuno at mga nagpapauso sa daigdig, anupat paulit-ulit na pinapalitan ng bago ang luma. Sa ating kaarawan—lalo na sapol noong mahalagang taon ng 1914—waring bumilis ang proseso.
Gayunman, alam mo ba na ang mga problema sa sanlibutang ito—kahit na ang mga pinakabago—ay nangangahulugan din ng mabuting balita para sa sangkatauhan? Oo, ang mga ito sa katunayan ay siyang patotoo na ang tanawin ng sanlibutan ay malapit nang magbago sa ikabubuti. Malaon nang inihula ng Bibliya ang malubhang kabagabagan sa ating panahon. Ipinaliliwanag din nito na ang lahat ng gayong kaligaligan ay pasimula lamang ng pinakamalaking pagbabago na kailanma’y nakaaapekto sa lahat ng lipunan ng tao. Ang dumarating na kaguluhang ito, bagaman ito’y waring nakatatakot, ang siyang pinakamabuting balita para sa mababait na tao na nasa lahat ng dako. Ang tanawin ng sanlibutang ito ay magiging mapayapa at maligaya para sa sambahayan ng tao.
Nais mo bang makaalam nang higit pa tungkol sa mga pagbabagong ito at kung paano ito ipinaliliwanag ng Bibliya? Ikaw ay malugod na inaanyayahang dumalo sa pahayag pangmadla na pinamagatang “Ang Tanawin ng Sanlibutang Ito ay Nagbabago,” sa pandistritong kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova na magsisimula sa susunod na buwan. Ang mga kombensiyon ay gaganapin sa daan-daang lugar sa palibot ng daigdig. Upang malaman ang tungkol sa kombensiyon na malapit sa iyo, pakisuyong makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar.
[Larawan sa pahina 32]
Winasak ng isang bomba atomika ang Hiroshima, 1945
[Credit Line]
USAF photo
[Larawan sa pahina 32]
Bumagsak ang Berlin Wall, 1989
[Credit Line]
AP Photo/Lionel Cironneau
[Larawan sa pahina 32]
Ang pagsalakay ng mga terorista sa World Trade Center sa New York, 2001