Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 9/8 p. 4-5
  • Ang Pang-akit ng mga Numero

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pang-akit ng mga Numero
  • Gumising!—2002
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mula kay Pythagoras Tungo sa Huwad na Siyensiya
  • Ano ang Kahulugan ng mga Numero sa Bibliya? Nasa Bibliya ba ang Numerolohiya?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • May Kodigong Lihim ba ang Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Dapat Ka Bang Umasa sa mga Numero Ukol sa Patnubay?
    Gumising!—2002
  • Ikaw at ang mga Numero
    Gumising!—2002
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 9/8 p. 4-5

Ang Pang-akit ng mga Numero

GUNIGUNIHIN ang isang daigdig na walang numero. Wala sanang pera. Ang kalakalan ay limitado sa basta tuwirang pagpapalitan na lamang. At kumusta naman sa isports? Kung walang mga numero, hindi natin malalaman kung ano ang iskor at hindi rin naman natin matitiyak kung gaano karaming manlalaro ang dapat na kabilang sa bawat koponan!

Gayunman, bukod sa praktikal na gamit nito, itinuturing ng iba na ang mga numero ay may angking hiwaga. Sapagkat ang mga ito ay hindi aktuwal na mga bagay. Hindi mo maaaring makita, mahawakan, o madama ang mga numero. Bilang paglalarawan: Ang isang mansanas ay may angking kulay, kayarian, sukat, hugis, amoy, at lasa. Maaari mong gawing batayan ang bawat isa sa mga katangiang ito upang malaman kung ang isang bagay ay isa ngang mansanas, dalandan, bola, o iba pang bagay. Subalit hindi ganoon ang numero. Ang kalipunan ng pitong bagay ay malamang na walang pagkakatulad sa isa pang kalipunan ng pitong bagay​—kundi ang “pagkapito” nito. Kaya, ang pag-unawa sa kahulugan ng mga numero​—halimbawa, upang malaman ang pagkakaiba ng anim at pito​—ay nangangahulugan ng pag-unawa sa isang bagay na talagang hindi nakikita. At dito pumapasok ang pagbibigay ng kahulugan sa mga numero.

Mula kay Pythagoras Tungo sa Huwad na Siyensiya

Ang pagbibigay ng pantanging kahulugan sa mga numero ay karaniwan na sa mga sinaunang lipunan. Itinuro ni Pythagoras, isang pilosopo at matematikong Griego na nabuhay noong ikaanim na siglo B.C.E., na ang lahat ng bagay ay may katumbas na mga numero. Siya at ang kaniyang mga tagasunod ay nangatuwiran na ang buong sansinukob ay nagpapamalas ng kaayusan at pagiging balanse. Kung gayon, hindi kaya likas na may kaugnayan ang mga numero sa lahat ng pisikal na bagay?

Mula noong panahon ni Pythagoras, ang mga interpretasyon sa mga numero ay ginagamit sa panghuhula at pagbibigay-kahulugan sa mga panaginip gayundin bilang pantulong sa memorya. Ang mga ito’y ginamit ng mga Griego, Muslim, at mga miyembro ng Sangkakristiyanuhan. Sa pamamagitan ng isang sistema ng numerolohiya na tinatawag na gematria, ang mga Judiong tagapagtaguyod ng Cabala ay nagtatalaga ng isang numero sa bawat 22 letra ng alpabetong Hebreo at dahil dito ay nag-aangking nakasumpong sila ng natatagong mga kahulugan sa Hebreong Kasulatan.

Gayundin ang makabagong numerolohiya. Kadalasan, nagsisimula ito sa iyong pangalan at petsa ng kapanganakan. Itinatalaga ang isang numero sa bawat letra ng iyong pangalan. Mula sa totál ng mga ito​—pati na ng mga numero ng buwan at petsa ng iyong kapanganakan​—nabubuo ng isang numerologo ang iyong pinakasusing mga numero. Pagkatapos ay binibigyan niya ng pantanging kahulugan ang mga numerong ito, na inaakala niyang naglalaan ng isang kumpletong paglalarawan sa iyo​—lakip na ang iyong personalidad, di-namamalayang mga hangarin, at ang iyong tadhana.

Marahil, ang tunay na pang-akit ng numerolohiya ay nakasalalay sa waring katumpakan ng pag-analisa nito. “Maraming tao ang napaniwala sa numerolohiya dahil nakita nila kung paanong tugmang-tugma nga naman ang mga numero sa mga taong pinagkakapitan ng mga ito,” ang sulat ni Edward Albertson sa kaniyang aklat na Prophecy for the Millions. Gayunman, tinatawag pa ring isang huwad na siyensiya ang numerolohiya. Bakit? May mga dahilan ba para magduda ka sa mga pag-aangkin nito?

[Kahon/Mga larawan sa pahina 5]

NATATAGONG MGA MENSAHE SA BIBLIYA?

Sa kaniyang aklat na The Bible Code, inangkin ng peryodistang si Michael Drosnin na may nasumpungan siyang natatagong mga mensahe sa Hebreong Kasulatan sa pamamagitan ng pag-aanalisa ng computer. Ayon sa mga pag-aangkin ni Drosnin, lumabas sa “kodigo” ang mga salitang “mamamatay-tao na pataksil na papatay” kasama ang pangalang Yitzhak Rabin​—at ito ay nasumpungan isang taon bago pinaslang ang punong ministro ng Israel na si Rabin.

Gaya ng maaasahan, lumikha ng kontrobersiya ang The Bible Code. Ipinakita ni Dave Thomas, isang matematiko at pisiko, na ang pag-aanalisa sa pamamagitan ng computer sa kahit na anong nasusulat na salita ay lilikha ng waring mahihiwagang mensahe. Sa pagsusuri sa mismong nasusulat na pananalita ni Drosnin, nasumpungan ni Thomas ang mga salitang “kodigo,” “mangmang,” at “huwad.” “Maaaring masumpungan sa lahat ng dako ang natatagong mga mensahe,” ang sabi ni Thomas, “basta handa kang gumugol ng panahon at lakas na suriin ang malawak na larangan ng probabilidad.”

Sa kakayahan nitong gumawa ng walang-takdang dami ng kalkulasyon, ang isang computer ay malamang na makasusumpong ng ilang kombinasyon ng letra na magagamit na isang uri ng prediksiyon. Ngunit ito ay nagkakataon lamang at hindi nagpapatunay na ang Bibliya ay naglalaman nga ng natatagong mga mensahe.a

[Talababa]

a Para sa higit pang impormasyon, tingnan Ang Bantayan, Abril 1, 2000, pahina 29-31.

[Larawan sa pahina 4]

Itinuro ni Pythagoras na ang lahat ng bagay ay may katumbas na mga numero

[Credit Line]

Courtesy National Library of Medicine

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share