Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 10/8 p. 31
  • Kung Paano Sila Nagbabasa ng Galaw ng Labi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Sila Nagbabasa ng Galaw ng Labi
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Ginagawa Na ba ang Kalooban ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • “Wala Pa Akong Nakilalang Isa na Nagsisinungaling”
    Gumising!—1988
  • Bakit Hindi Nagpapakita ng Higit na Interes sa Akin ang Aking mga Magulang?
    Gumising!—1992
  • Pamantayang Moral Para sa Maligayang Buhay
    Gumising!—2013
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 10/8 p. 31

Kung Paano Sila Nagbabasa ng Galaw ng Labi

MULA SA MANUNULAT NG GUMISING! SA BRITANYA

DALAWANG pinaghihinalaang terorista na nag-uusap sa isang liwasang pampubliko ang nakunan ng video. Walang nakaririnig ng kanilang pinag-uusapan​—subalit inaresto sila ng mga pulis, at pagkatapos ay sinentensiyahan silang mabilanggo ng maraming taon. Ang nakunan na pag-uusap nila ay nabasa ng isang nagbabasa ng galaw ng labi (lipreader) na kinikilala bilang isang ekspertong saksi sa Britanya at inilarawan bilang “malakas na sekretong sandata” ng pulisya ng Britanya.

Para higit pang makaalam tungkol sa sining ng pagbabasa ng galaw ng labi, nakipagkita ako kina Mike at Christina. Si Christina ay bingi sapol noong tatlong taong gulang siya. Nang maglaon ay nag-aral siya sa isang paaralan para sa mga bingi, kung saan siya tinuruang magbasa ng galaw ng labi. Si Mike ay natuto sa sarili niya na magbasa ng galaw ng labi, isang kakayahan na nalinang niya pagkatapos niyang mapangasawa si Christina.

Gaano ba kahirap ang magbasa ng galaw ng labi? “Dapat mong pagtuunan ng pansin ang hugis at galaw ng mga labi, dila, at panga,” ang sabi ni Mike. Ganito pa ang sabi Christina: “Dapat mong tingnang mabuti ang taong nakikipag-usap sa iyo, at habang sumusulong ang iyong kakayahan sa pagbabasa ng galaw ng labi, nabibigyang pansin mo na ang ekspresyon ng mukha at gayundin ang galaw ng katawan.”

Ang isa sa pinakamalaking pagkakamali, na natutuhan ko, para sa isang taong nagsalita ay ang sumigaw o gawing sobra ang galaw ng labi. Ang gayong labis na paggalaw ng labi ay makalilito at magpapawalang-saysay sa layunin nito. Minsang maging bihasa sa pagbabasa ng galaw ng labi, posible pa nga para sa nagbabasa na matukoy ang punto. Pero, siyempre pa, hindi madali ang lahat ng ito! Ang Hearing Concern, isang organisasyon na nagpapakadalubhasa sa pagtuturo sa pagbabasa ng galaw ng labi, ay tahasang nagsasabi ng ganito: “Nangangailangan ng ensayo ang pagbabasa ng galaw ng labi, ensayo at higit pang pag-eensayo.”

May mga pagkakataon, ang pag-amin ni Christina, na napapahiya siya dahil sa nahuhuli niya ang kaniyang sarili na “nakikinig” sa pag-uusap sa isang bus o tren. Ang gagawin lamang niya ay alisin agad ang kaniyang tingin. Subalit ang kaniyang kakayahan ay maaaring maging isang proteksiyon. Si Christina ay hindi na nanonood sa telebisyon ng soccer dahil sa madalas siyang mainis sa nakikita niyang sinasabi ng mga manlalaro.

Iilan lamang ang makapagkakamit ng mga kakayahan ng “sekretong sandata” ng pulisya ng Britanya. Subalit maging ang simpleng pagbabasa ng galaw ng labi ay maaaring maging isang mahalagang sining na mapauunlad kapag nakaranas ng malubhang pagkasira ng pandinig.

[Larawan sa pahina 31]

Christina

[Larawan sa pahina 31]

Mike

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share