Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 5/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2004
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 5/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagkatuto Ako’y isang guro, at katatapos ko lamang basahin ang seryeng itinampok sa pabalat na “Bata o Matanda​—Malulugod Kang Matuto.” (Agosto 8, 2004) Madalas kong tinatanong sa aking sarili kung paano ninyo nagagawang sumulat ng mga artikulong napakaikli subalit malamán, napakalinaw, at napakapraktikal. Talagang hinahangaan ko ang inyong pananabik na himukin ang mga tao na matuto anuman ang edad nila.

F. S., Italya

Noong kalagitnaang taon ko na sa haiskul, nawalan ako ng ganang mag-aral kaya pumayag ang mga magulang ko na matuto ako nang personal sa pamamagitan ng pag-aaral sa bahay (home schooling). Ako ngayon ay 20 taóng gulang na, at natutuwa akong mag-aral muli. Ang pagbabasa ng seryeng ito ay isang paalaala na maaaring maibigan ng lahat ng tao na matuto anuman ang kanilang kalagayan.

N. G., Estados Unidos

Nagkakaproblema ako sa aking panganay na anak na lalaki, na pitong taóng gulang. Waring hindi niya naiibigan ang pagbabasa ng mga aklat, paggawa ng atas sa paaralan, at pagkatuto sa mga pulong Kristiyano. Binabalak kong ikapit ang payo sa seryeng ito.

M. O., Hapon

Isa sa mga mungkahi sa artikulo ang magkaroon ng maikling repaso pagkatapos ng pag-aaral, yamang karaniwan nang nakalilimutan ang mga bagay na bago pa lamang natututuhan. Kaming mag-asawa ay nag-aaral ng wikang Hindi upang makatulong sa aming ministeryo sa isang pamayanang Indian. Nasumpungan kong kapaki-pakinabang na isulat ang bagong mga salita sa isang pirasong papel. Pagkatapos, kailanma’t may libre akong panahon, tinitingnan ko ang mga salitang ito. Tumutulong ito upang maikintal ko sa aking isipan ang mga bagay na katatapos ko pa lamang pag-aralan.

E. T., Estados Unidos

Ako’y 56 na taóng gulang, at isang grupo na gumagamit ng wikang pasenyas ang itinatag sa aming kongregasyon. Bagaman limitado ang aking kakayahan, sumali ako sa grupo sapagkat gusto kong makatulong. Noong nag-aalala ako kung magagawa ko kaya ito, nabasa ko ang seryeng ito. Ang impormasyon sa ilalim ng subtitulong “Hindi Ka Pa Naman Napakatanda Upang Matuto” at ang huling artikulo ay talagang nakapagpasigla sa akin. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na magpasimula ayon sa aking sariling bilis at patuloy na sumali sa grupo na gumagamit ng wikang pasenyas.

R. N., Hapon

Makikintab na Magasin Nais kong ipaalam sa inyo na nasumpungan kong nakapupukaw-kaisipan ang artikulong “Makikintab na Magasin​—‘Damputin Mo Ako at Bilhin!’ ” (Agosto 8, 2004) Hindi ko natanto kung paano makaaapekto sa isa ang mga magasing ito. Naibigan ko ang punto hinggil sa “guniguning matalik na kaugnayan”​—ang pagiging pamilyar sa isang mukha nang hindi naman nakikilala ang mismong taong iyon​—na maaaring makaapekto sa damdamin ng mga tao sa pagkamatay ng isa na hindi naman nila kilala. Naging biktima ako nito noon! Ang aking anak na babae ay interesado ngayon sa ilang magasin. Pag-uusapan namin ang artikulong ito.

S. M., Estados Unidos

Hitsura Nais ko kayong pasalamatan sa artikulong “Kapag ang Pag-aalala sa Hitsura ay Naging Obsesyon.” (Hulyo 22, 2004) Tila isinulat ito para sa akin. Ako’y 19 na taóng gulang, at nakalulungkot, dumanas ako ng karamdamang nauugnay sa pagkain sa loob ng mahabang panahon. Hindi madaling gamutin ang karamdamang ito. Salamat sa mga artikulong tumatalakay sa mga paksang gaya nito. Natulungan ako nito na seryosong pag-isipan ang bagay na ito, at inaasahan kong matutulungan ako ng mga ito na malutas ang aking problema.

G. L., Italya

Mga Crossword Salamat po sa kasiya-siyang mga crossword puzzle. Tumutulong po ito sa akin upang higit na makilala ang Diyos na Jehova at maging pamilyar sa Bibliya. Ako po ay siyam na taóng gulang.

I. C., Alemanya

Sagot ng “Gumising!”: Lumilitaw ang maikling pagsusulit sa Bibliya na “Alam Mo Ba?” sa ilang edisyon ng “Gumising!” sa ibang wika na hindi naglalaman ng “crossword puzzle.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share