Dumalo at Pakinggan ang Pahayag Pangmadla na “Kanino Nauukol ang Ating Pagkamasunurin?”
Ang mismong ideya ng pagsunod ay hindi kanais-nais sa maraming tao. ‘Gusto kong malayang magawa ang anumang aking maibigan’ ang karaniwang saloobin. Pero ang totoo, sa ating araw-araw na buhay ay pinahahalagahan nating lahat ang pagsunod. Tuwing binibigyang-pansin mo ang isang karatula na may babala o sinusunod ang mga tagubilin, nagpapakita ka ng isang antas ng pagkamasunurin. At sino ang makatuwirang makatatanggi na kailangan ang pagkamasunurin sa mga batas ng sekular na mga awtoridad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lipunan ng tao? Aba, isip-isipin na lamang ang mangyayari kung hindi susundin ng lahat ng tao ang mga batas-trapiko!
Gayunman, kapag nagpapatupad ng awtoridad ang mga tao sa ibang tao, ang mga resulta ay hindi laging mabuti. Mahabang panahon na ang nakalipas, binanggit ng Bibliya na “ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.” (Eclesiastes 8:9) May tagapamahala bang karapat-dapat sa ating pagtitiwala at pagsunod? Kung mayroon, paano natin siya makikilala? At ano ang maaasahan natin sa ilalim ng kaniyang pamamahala? Ang mga tanong na ito ay sasagutin sa nakapagpapasiglang pahayag pangmadla na “Kanino Nauukol ang Ating Pagkamasunurin?” Ang pahayag na ito ay bibigkasin sa mga pandistritong kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova na magsisimula sa susunod na buwan. Daan-daan sa gayong mga kombensiyon ang ginaganap na sa buong daigdig. Upang malaman ang dakong pinakamalapit sa inyo, pakisuyong makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar o sumulat sa Watchtower, P.O. Box 2044, 1060 Manila.