Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 1/08 p. 30
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2008
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nakapinsala sa Halip na Makabuti
  • Iniabante ang “Doomsday Clock”
  • Epekto ng Kaigtingan sa Panahon ng Pagdadalang-Tao
  • Mga Drayber na Wala sa Loob ang Pagmamaneho
  • Digmaang Nuklear—Sinu-sino ang mga Nagbabanta?
    Gumising!—2004
  • Maisasalba Pa Ba ang Mundo o Hindi Na?
    Gumising!—2017
  • Tapos Na ba ang Bantang Nuklear?
    Gumising!—1999
  • Ang Bantang Nuklear—Hindi Pa Tapos
    Gumising!—1999
Iba Pa
Gumising!—2008
g 1/08 p. 30

Pagmamasid sa Daigdig

◼ “Ang karaniwang anim-na-taóng-gulang na bata sa Britanya ay isang taon nang nakapanood ng telebisyon at mahigit sa kalahati ng mga batang tatlong taóng gulang ang may sariling TV sa kanilang kuwarto.”​—THE INDEPENDENT, BRITANYA.

◼ Sa Tsina, sinabi ng 31.4 porsiyento ng mga taong mahigit 16 anyos na relihiyoso sila. Kung iyan ay kumakatawan sa buong bansa, ipinakikita ng surbey na ito na “mga 300 milyon ang relihiyoso . . . kung ihahambing sa opisyal na bilang na 100 milyon.”​—CHINA DAILY, TSINA.

Nakapinsala sa Halip na Makabuti

Ilang taon na ang nakalilipas, inakala ng Olandes na mga pulitiko at mga tagapagtaguyod ng kapakanan ng kalikasan na natuklasan na nila ang proseso ng pagkuha ng enerhiya na hindi makapipinsala sa kapaligiran​—pagpapatakbo ng mga genereytor na ginagamitan ng biofuel, partikular na ng langis ng palma. Ang kanilang pag-asa ay naging “bangungot sa kapaligiran,” ang sabi ng The New York Times. “Dahil sa lumalaking pangangailangan para sa langis ng palma sa Europa, kinailangang kalbuhin ang malaking bahagi ng maulang kagubatan sa Timog-Silangang Asia at gumamit ng sobra-sobrang kemikal na abono.” Upang may mapagtaniman ng palma, tinuyo at sinunog ang mga latian, anupat “napakaraming” gas na karbon ang pumailanlang sa atmospera. Dahil dito, sinabi ng Times, ang Indonesia ay mabilis na naging “ang ikatlong pinakamalakas magsunog ng karbon sa daigdig, na ayon sa mga siyentipiko ay siyang sanhi ng pag-init ng globo.”

Iniabante ang “Doomsday Clock”

Ang doomsday clock, na dinisenyo ng Bulletin of Atomic Scientists (BAS) upang ilarawan kung gaano kalapit ang sangkatauhan sa nuklear na kapahamakan, ay iniabante nang dalawang minuto, upang maging limang minuto bago hatinggabi​—ang “makasagisag na wakas ng sibilisasyon.” Ang orasan ay 18 ulit pa lamang na binago sa 60-taóng kasaysayan nito. Huli itong binago noong Pebrero 2002, pagkatapos ng mga pag-atake sa World Trade Center sa New York. Ang patuloy na pagpapaunlad at pagkakaroon ng mga sandatang nuklear gayundin ang kawalang-seguridad sa pag-iimbak ng mga materyal sa paggawa ng mga sandatang nuklear ay “pahiwatig na hindi nalulutas ang mga problemang dulot ng pinakamapangwasak na teknolohiya sa Lupa,” ang sabi ng BAS. Sinabi pa nito, “ang mga panganib na dulot ng pagbabago sa klima ay halos kasinlala ng panganib na dulot ng mga sandatang nuklear.”

Epekto ng Kaigtingan sa Panahon ng Pagdadalang-Tao

Ang kaigtingang nararanasan ng isang nagdadalang-tao dahil sa pakikipagtalo o pananakit ng kabiyak ay maaaring makaapekto sa pagdebelop ng isip ng kaniyang di-pa-naisisilang na sanggol, ayon sa pananaliksik kamakailan. Sinabi ni Propesora Vivette Glover, ng Imperial College, sa London: “Natuklasan namin na kapag sinasaktan ng asawang lalaki ang damdamin ng kaniyang asawang nagdadalang-tao, talagang masama ang nagiging epekto nito sa paglaki ng bata sa hinaharap. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng ama.” Malaki ang nagagawa ng relasyon ng mga magulang sa pagkakaroon ng “timbang na hormon at kemikal sa katawan ng ina, na nakaaapekto naman sa pag-unlad ng utak ng bata,” ang paliwanag niya.

Mga Drayber na Wala sa Loob ang Pagmamaneho

Ang mga drayber na nagmamaneho sa iisang ruta araw-araw ay kadalasang wala sa isip ang pagmamaneho, ang sabi ng siyentipiko tungkol sa kaugalian ng tao sa trapiko na si Michael Schreckenberg ng University of Duisburg-Essen, Alemanya. Kapag pamilyar na ang rutang dinaraanan nila, wala na sa kalsada ang kanilang isip at okupado sila ng ibang bagay. Dahil diyan, hindi na sila alisto sa panganib. Hinihimok ni Schreckenberg ang mga drayber na laging paalalahanan ang kanilang sarili na manatiling alisto at ituon ang isip sa kalsada.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share