Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 6/09 p. 29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2009
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Biblikal na Pangalan​—Nahukay
  • Teknolohiyang Panlaban sa Krimen
  • Nakikilala ng mga Magpie ang Kanilang Sarili
  • Talaga bang Isang Magnanakaw ang Ibong Magpie?
    Gumising!—1994
  • Jehucal
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Jucal
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Isang Panselyo na ‘Pagmamay-ari ni Jucal’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
Iba Pa
Gumising!—2009
g 6/09 p. 29

Pagmamasid sa Daigdig

◼ “Napakalaking problema ang kinakaharap natin [ang pulitikal na krisis sa Georgia] . . . Sumasaatin ang Diyos at pinoprotektahan [tayo] ng Birheng Maria, pero ang higit na nakakabahala​—binobomba ng mga Ortodoksong Ruso ang mga Ortodoksong Georgiano.”​—GEORGIAN CATHOLICOS PATRIARCH ILLIA II.

◼ “Ang bilang ng konsultasyon para sa emergency contraceptive​—ang kilalang morning-after pill​—ay dumami nang tatlong ulit sa nakalipas na anim na buwan, [at] tumaas nang mahigit 200% ang benta nito mula noong 2004. . . . Mas maraming kumokonsulta kapag Lunes. Karamihan ay mga kabataan.”​—CLARÍN, ARGENTINA.

◼ Bawat Amerikanong edad 13 hanggang 17 na gumagamit ng cellphone ay “nagpadala o tumanggap ng mga 1,742 text message bawat buwan mula Abril hanggang Hunyo [noong taóng 2008].”​—THE NEW YORK TIMES, E.U.A.

◼ “Apektado ng sakit sa isip ang halos 12% ng populasyon ng daigdig.”​—WORLD FEDERATION FOR MENTAL HEALTH, E.U.A.

◼ “Tinatayang isa sa bawat limang adultong taga-Europa ang nakasubok nang gumamit ng [cannabis, ang pinagmumulan ng marijuana].”​—EUROPEAN MONITORING CENTRE FOR DRUGS AND DRUG ADDICTION, PORTUGAL.

Mga Biblikal na Pangalan​—Nahukay

Ang mga arkeologong naghuhukay sa sinaunang Lunsod ni David sa Jerusalem ay nakatuklas ng isang luwad na pantatak, na 2,600 taon na ang edad, na may nakasulat na pangalang “Gedalias na anak ni Pasur.” Binabanggit ng Bibliya si Gedalias sa Jeremias 38:1, pati na si Yehukhal​—na tinatawag na “Jucal [pinaikling anyo ng Jehucal (Yehukhal)] na anak ni Selemias”​—na ang pangalan ay nakita sa isa pang pantatak na nahukay sa lugar ding iyon noong 2005. Ang dalawang lalaking ito ay mga opisyal ng korte ni Haring Zedekias. Ganito ang iniulat ng The Jerusalem Post: “Sa ulat ng kasaysayan ng arkeolohiya ng Israel, ngayon lamang nakahukay sa iisang lokasyon ng dalawang luwad na pantatak na may dalawang Biblikal na pangalan na lumitaw sa iisang teksto ng Bibliya.”

Teknolohiyang Panlaban sa Krimen

Karamihan sa mga emergency call na natatanggap ng New York Police Department ay mga tawag sa telepono ng mga mamamayan. Dahil sa pagsulong ng teknolohiya kamakailan, puwede nang mag-text sa mga pulis. “Hinihimok ngayon ang mga mamamayan na i-video sa kanilang cellphone ang mga nangyayaring krimen at ipadala ito sa mga pulis,” ang ulat ng The New York Times. Ayon sa pahayagan, gumagawa na rin ng hakbang para “makapagpadala ng litrato ang Real Time Crime Center sa lahat ng patrol car na nasa lugar ng krimen.”

Nakikilala ng mga Magpie ang Kanilang Sarili

“Inaakala noon na mga chimpanzee, dolphin at elepante lamang ang kagaya ng tao na nakakakilala ng kanilang sarili kapag tumingin sa salamin,” ang ulat ng Reuters. Ngayon, napag-alamang kaya rin pala ito ng mga Eurasian magpie. Ang mga magpie ay minarkahan ng mga mananaliksik ng bilog na marka na makikita lamang ng mga ito kapag tumingin sa salamin. Ayon sa ulat, “kapag nasa harap ng salamin, kinukuskos ng mga ibong ito ang marka sa kanilang katawan, na nagpapatunay na alam ng mga ito na sarili nila ang nakikita nila at hindi ibang hayop.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share