Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 8/12 p. 8
  • Puwede Kang Maging Mapagpayapa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Puwede Kang Maging Mapagpayapa
  • Gumising!—2012
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Hanapin ang Kapayapaan at Itaguyod Iyon’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Karahasan
    Gumising!—2015
  • Praktikal Bang Maging Mapagpayapa?
    Gumising!—2006
  • “Hanapin ang Kapayapaan at Itaguyod Iyon”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Iba Pa
Gumising!—2012
g 8/12 p. 8

Puwede Kang Maging Mapagpayapa

BAGAMAN isinilang tayo na may tendensiyang gumawa ng mali, ang pagiging marahas ay kadalasan nang natututuhan. Totoo rin iyan pagdating sa pagiging mapagpayapa. Pero sino ang makapagtuturo sa atin na maging mapagpayapa? Walang iba kundi ang ating Maylalang, na walang kapantay sa karunungan. Pag-isipan ang sumusunod na limang punto at ang magagandang payo ng Bibliya tungkol dito.

1 “Huwag kang mainggit sa taong marahas.” (Kawikaan 3:31) Tandaan na ang tunay na kalakasan ay makikita sa mga katangiang gaya ng pagpipigil sa sarili at kahinahunan. “Siyang mabagal sa pagkagalit ay mas mabuti kaysa sa makapangyarihang lalaki,” ang sabi sa Kawikaan 16:32. Gaya ng matibay na pader ng isang dam na hindi bumibigay sa matinding presyon ng tubig, hindi siya bumibigay kahit iniinis o hinahamon ng away. Sa katunayan, nananatili siyang mahinahon at sa gayo’y ‘pinapawi ang pagngangalit.’ (Kawikaan 15:1) Pero ang taong magagalitin ay hindi nakakapagpigil kahit sa maliit na bagay lang.​—Kawikaan 25:28.

2 Maging matalino sa pagpili ng iyong mga kasama. “Ang taong marahas ay mandaraya sa kaniyang kapuwa,” ang sabi sa Kawikaan 16:29. Pero “siyang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong.” (Kawikaan 13:20) Oo, kapag ang lagi nating kasama ay mapagpayapang mga tao na may pagpipigil sa sarili at kahinahunan, mas malamang na matularan natin sila.

3 Magpakita ng tunay na pag-ibig sa kapuwa. Ang pinakamagandang paglalarawan sa pag-ibig ay nasa 1 Corinto 13:4-7. Mababasa rito: “Ang pag-ibig ay may mahabang pagtitiis at mabait. . . . Hindi [ito] napupukaw sa galit. Hindi ito nagbibilang ng pinsala. . . . Tinitiis nito ang lahat ng bagay, . . . binabata ang lahat ng bagay.” Ang makadiyos na pag-ibig, ang sabi ni Jesus, ay ipinakikita kahit sa mga kaaway.​—Mateo 5:44, 45.

4 Ipaubaya sa Diyos ang pagganti sa masasama. “Huwag gumanti kaninuman ng masama para sa masama. . . . Hangga’t nakasalalay sa inyo, makipagpayapaan kayo sa lahat ng tao. Huwag ipaghiganti ang inyong sarili, mga minamahal, . . . sapagkat nasusulat: ‘Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ni Jehova.’” (Roma 12:17-19) Kapag may pananampalataya tayo sa Diyos at sa kaniyang mga pangako, mayroon tayong kapayapaan ng isip na hindi mauunawaan ng mga taong walang pananampalataya.​—Awit 7:14-16; Filipos 4:6, 7.

5 Umasa sa Kaharian ng Diyos para sa tunay na kapayapaan sa lupa. Ang Kaharian ng Diyos ay isang gobyerno sa langit na malapit nang kumilos para lipulin ang masasama at lubusang mamahala sa buong lupa. (Awit 37:8-11; Daniel 2:44) Sa ilalim ng Kahariang iyon, “sisibol ang matuwid,” at magkakaroon ng “kasaganaan ng kapayapaan hanggang sa mawala na ang buwan.”​—Awit 72:7.

Dahil sa mga turong ito ng Bibliya, milyun-milyon​—kabilang na ang ilang taong mararahas​—ang naging maibigin sa kapayapaan. Kuning halimbawa si Salvador Garza.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share