Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g20 Blg. 3 p. 4-5
  • Alamin ang Totoo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alamin ang Totoo
  • Gumising!—2020
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Problema
  • Prinsipyo sa Bibliya
  • Bakit Mahalagang Malaman ang Totoo?
  • Ang Puwede Mong Gawin
  • Diskriminasyon—Nahawa Ka Na Kaya?
    Gumising!—2020
  • Biktima Ka ba ng Pagtatangi?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Pagtatangi—Problema sa Buong Mundo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Isang Mundo na Walang Pagtatangi—Kailan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
Iba Pa
Gumising!—2020
g20 Blg. 3 p. 4-5
Iniinterbyu ng dalawang lalaki ang isang babae sa isang factory ng sasakyan. Mukha siyang kinakabahan.

Alamin ang Totoo

Ang Problema

Ang diskriminasyon ay kadalasan nang dahil sa maling impormasyon. Tingnan ang ilang halimbawa:

  • Iniisip ng ilang employer na hindi kaya ng mga babae ang mga trabaho tungkol sa siyensiya at teknolohiya.

  • Sa Europe noon, inakusahan ang mga Judio na naglalagay ng lason sa mga balon at nagpapakalat ng sakit. Pagkatapos, noong panahon ng Nazi, inakusahan na naman ang mga Judio. Sinabi na sila ang dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya sa Germany. Dahil sa mga ito, naging biktima ng matinding diskriminasyon ang mga Judio, at naaapektuhan pa rin sila nito hanggang ngayon.

  • Inaakala ng marami na ang mga may kapansanan ay malungkot at punô ng hinanakit.

Ang mga taong may maling akala gaya ng mga ito ay naghahanap ng basehan at mga halimbawa para patunayan ang paniniwala nila. At iniisip nila na ang mga tao na iba ang paniniwala sa kanila ay mga walang alam.

Prinsipyo sa Bibliya

“Hindi mabuti para sa isang tao na wala siyang alam.”​—KAWIKAAN 19:2.

Ang ibig sabihin: Kapag hindi natin alam ang totoo, mali ang nagagawa nating mga desisyon. Kung maniniwala tayo sa mga maling akala at hindi sa mga bagay na totoo, mahuhusgahan natin ang mga tao.

Tinuturuan Ba Tayo ng Bibliya na Magpakita ng Diskriminasyon?

Sinasabi ng ilan na sinasang-ayunan ng Bibliya ang diskriminasyon. Pero ano ba talaga ang sinasabi nito?

  • Magkakapamilya ang lahat ng tao: “Mula sa isang tao, ginawa [ng Diyos] ang lahat ng bansa.”​—Gawa 17:26.

  • Walang pinapanigan ang Diyos: “Hindi nagtatangi ang Diyos, kundi tinatanggap niya ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng tama, saanmang bansa ito nagmula.”​—Gawa 10:34, 35.

  • Tinitingnan ng Diyos ang tunay na pagkatao natin, hindi ang hitsura: “Ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, pero si Jehova ay tumitingin sa puso.”​—1 Samuel 16:7.a

a Jehova ang pangalan ng Diyos gaya ng sinasabi sa Bibliya.

Bakit Mahalagang Malaman ang Totoo?

Kung alam natin ang totoo tungkol sa mga tao, hindi tayo maniniwala kapag may maling impormasyon tayong narinig tungkol sa kanila. At kapag nalaman natin na iba pala ang totoo tungkol sa isang partikular na grupo, baka kuwestiyunin na rin natin ang mga pinaniniwalaan natin tungkol sa iba pang mga grupo.

Karanasan: Jovica (Balkans)

Habang lumalaki si Jovica, na binanggit kanina, naririnig niya sa kaniyang mga kababayan, mga balita, at palabas sa TV ang mga negatibong bagay tungkol sa isang etnikong grupo. “Naging negatibo na ang tingin ko sa kanila, at galit na galit ako sa mga taong iyon,” ang sabi niya. “Pakiramdam ko, tama lang ang nararamdaman ko.”

“Pero nang magsundalo ako, may mga sundalo rin mula sa grupong iyon, at wala akong choice kundi matulog at magtrabaho kasama nila. Kaya mas nakilala ko sila. Natuto pa nga ako ng wika nila at nakikinig na rin ako ng mga kanta nila. Di-nagtagal, nagustuhan ko na silang makasama, at nag-iba na ang tingin ko sa kanila. Pero alam kong puwedeng bumalik ang negatibong pananaw ko sa kanila. Kaya iniiwasan ko ang mga balita na nagsasabi ng mga negatibo tungkol sa kanila. Hindi na rin ako nanonood ng mga pelikula o programa sa TV na ginagawa silang katatawanan. Alam kong ang negatibong pananaw na iyon ay puwedeng mauwi sa galit.”

Ang Puwede Mong Gawin

  • Tandaan na kahit sinasabi ng mga tao na may negatibong katangian ang isang grupo, hindi ibig sabihin na totoo ito sa lahat ng indibidwal sa grupong iyon.

  • Huwag isipin na alam mo ang lahat ng impormasyon tungkol sa isang grupo.

  • Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga impormasyong nakukuha mo.

Naalis nila ang galit

Mga larawan: 1. Dalawang lalaki ang naglalakad habang nag-uusap. 2. Nakangiti ang lalaki kasama ng mga kaibigan niya.

Ano ang nakatulong sa isang Arabe at isang Judio para maalis ang diskriminasyon?

Panoorin ang video na Kailan Magtatagumpay ang Matapat na Pag-ibig Laban sa Poot? Hanapin ito sa jw.org/tl.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share