Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g20 Blg. 3 p. 12-13
  • Magpakita ng Pag-ibig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magpakita ng Pag-ibig
  • Gumising!—2020
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Problema
  • Prinsipyo sa Bibliya
  • Ang Puwede Mong Gawin
  • Naalis Nila ang Diskriminasyon
    Gumising!—2020
  • Diskriminasyon—Nahawa Ka Na Kaya?
    Gumising!—2020
  • Isang Mundo na Walang Pagtatangi—Kailan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Mga Ugat ng Pagtatangi
    Gumising!—2004
Iba Pa
Gumising!—2020
g20 Blg. 3 p. 12-13
Tinutulungan ng isang Indian ang isang puti na may-edad na iakyat ang mga napamili niya.

Magpakita ng Pag-ibig

Ang Problema

Hindi madaling alisin ang diskriminasyong nararamdaman natin. Gaya ito ng virus na kailangan ng panahon at pagsisikap para maalis. Ano ang puwede mong gawin?

Prinsipyo sa Bibliya

Mga larawan: 1. Isang Asian ang nagbukas ng pinto para sa isang itim na lalaki na may hawak na kape. 2. Binigyan ng kape ng lalaki ding iyon ang mga katrabaho niya, pati na ang Indian na nasa naunang larawan.

“Magpakita kayo ng pag-ibig, dahil lubusan nitong pinagkakaisa ang mga tao.”​—COLOSAS 3:14.

Ang ibig sabihin: Mas napapalapít ang mga tao sa isa’t isa kapag gumagawa sila ng mabuti. Habang mas nagpapakita ka ng pag-ibig sa iba, mas nababawasan ang nararamdaman mong diskriminasyon. Kapag pinunô mo ng pag-ibig ang puso mo, mawawalan na ng lugar ang inis at galit.

Ang Puwede Mong Gawin

Mga larawan: 1. Tinutulungan ng isang Indian ang isang puti na may-edad na iakyat ang mga napamili niya. 2. Binigyan ng may-edad na babae ng cookies ang kapitbahay niya, ang Asian na nasa naunang larawan.

Kung negatibo ang tingin mo sa isang grupo, mag-isip ng mga paraan para makapagpakita ka ng pag-ibig sa kanila—kahit sa maliliit na bagay lang. Subukan ang ilan sa mga ito:

Tuwing nagpapakita ka ng pag-ibig sa iba, nababawasan nang nababawasan ang nararamdaman mong diskriminasyon

  • Magpakita ng kabutihan sa kanila. Halimbawa, puwede mo silang pagbuksan ng pinto o paupuin sa upuan mo sa bus o sa tren.

  • Kumustahin sila kahit hiráp silang magsalita ng wika mo.

  • Pagpasensiyahan sila kapag hindi mo naiintindihan ang mga ikinikilos nila.

  • Makinig na mabuti kapag nagkukuwento sila ng mga problema nila.

Karanasan: Nazaré (Guinea-Bissau)

“Negatibo ang tingin ko noon sa mga lumilipat sa bansa namin. Nabalitaan ko kasi na marami sa kanila ang nananamantala ng mga benepisyo ng gobyerno, at marami rin daw sa kanila ay mga kriminal. Kaya ayaw ko sa kanila. Pero hindi ko naiisip na diskriminasyon iyon kasi gano’n naman ang tingin sa kanila ng karamihan.

“Pero sa paglipas ng panahon, na-realize ko rin na diskriminasyon nga ’yon. Dahil sa payo mula sa Bibliya, mas nakapagpakita ako ng pag-ibig sa kanila. Hindi ko na sila iniiwasan ngayon. Binabati ko na sila at kinakausap. Sinisikap kong makilala talaga sila. Positibo na ang tingin ko sa kanila ngayon at palagay na ang loob ko sa kanila.”

“Gusto kong labanan ang pagtatangi ng lahi”

Si Rafika Morris.

Sumali si Rafika sa isang kilusan para labanan ang pagtatangi ng lahi. Pero ang pagkakaisang hinahanap niya ay nakita niya sa isang kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova.

Panoorin ang video na Rafika Morris: Gusto Kong Labanan ang Pagtatangi ng Lahi. Hanapin ito sa jw.org/tl.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share