Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g21 Blg. 1 p. 12-13
  • Mga Turong Nagbibigay ng Pag-asa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Turong Nagbibigay ng Pag-asa
  • Gumising!—2021
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Aalisin ng Diyos ang Masasamang Tao
  • Pupuksain ng Diyos si Satanas
  • Aalisin ng Diyos ang Sakit at Kamatayan
  • Gagawing Paraiso ng Maylalang ang Buong Lupa
  • Bubuhayin ng Diyos ang mga Patay
  • Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?
    Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
  • Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Ang Mabuhay Magpakailanman ay Hindi Panaginip Lamang
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Maaari Kang Magkaroon ng Maligayang Kinabukasan!
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
Iba Pa
Gumising!—2021
g21 Blg. 1 p. 12-13
Mga taong kasama ang mga hayop, may saganang pagkain, at nakatira sa napakagandang paraiso.

Mga Turong Nagbibigay ng Pag-asa

Nangako ang Diyos na may magagandang pagbabago na malapit nang mangyari. Aalisin niya ang pagdurusa at magiging masaya ang buhay ng mga tao sa lupa. (Awit 37:11) Bakit tayo makakapagtiwala sa pangakong ito? Kasi “ang Diyos ay hindi gaya ng tao na nagsisinungaling.” (Bilang 23:19) Tingnan ang ilan sa magagandang bagay na gagawin ng ating Maylalang.

Aalisin ng Diyos ang Masasamang Tao

“Kahit na ang masasama ay sumisibol na gaya ng panirang-damo at umuunlad ang lahat ng gumagawa ng mali, malilipol sila magpakailanman.”​—AWIT 92:7.

Nakita natin sa naunang artikulo na parami nang parami ang masasamang nangyayari. Hindi na iyan nakakapagtaka. Kasi inihula ng Bibliya sa 2 Timoteo 3:1-5 na sa “mga huling araw,” ang mga tao ay lalo pang sasamâ. Mga huling araw ng ano? Mga huling araw ng mga taong hindi sumusunod sa Diyos. Malapit nang puksain ng Diyos ang masasama na ayaw magbago. Pagkatapos, ang matitira na lang ay ang mabubuting tao—ang mga sumusunod sa Diyos. “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at titira sila roon magpakailanman.”​—Awit 37:29.

Pupuksain ng Diyos si Satanas

“[Dudurugin] ng Diyos na nagbibigay ng kapayapaan si Satanas.”​—ROMA 16:20.

Kapag pinuksa na ang masasama, pati na si Satanas at ang mga demonyo, magkakaroon na ng kapayapaan sa buong lupa. Nangangako ang ating Maylalang: “Walang sinumang tatakot sa [iyo].”​—Mikas 4:4.

Aalisin ng Diyos ang Sakit at Kamatayan

“Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan . . . At papahirin niya ang bawat luha sa mga mata nila, at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot.”​—APOCALIPSIS 21:3, 4.

Mawawala na ang pagdurusa at sakit kasi aalisin ng Diyos ang lahat ng pinsalang idinulot ni Satanas, nina Adan at Eva, at ng ating pagiging di-perpekto. Dahil diyan, “mawawala na ang kamatayan.” Ang mga taong nagmamahal at sumusunod sa Maylalang ay mabubuhay nang walang hanggan. Pero saan sila mabubuhay?

Gagawing Paraiso ng Maylalang ang Buong Lupa

“Ang ilang at ang tuyong lupain ay magsasaya, at ang tigang na kapatagan ay magagalak at mamumulaklak na gaya ng safron.”​—ISAIAS 35:1.

Kapag pinuksa na ng Diyos ang masasama, magiging paraiso na ang lupa! Magkakaroon ng maraming magagandang parke at hardin, at magbubunga ang lupa ng maraming pagkain. (Awit 72:16) Magiging malinis ang mga dagat, lawa, at ilog, at magkakaroon iyon ng maraming buháy na nilalang. Hindi na rin natin maiisip ang salitang “polusyon.” Magtatayo ang mga tao ng sarili nilang bahay at titira sa mga iyon. Wala nang mawawalan ng bahay, magugutom, o magiging mahirap.​—Isaias 65:21, 22.

Bubuhayin ng Diyos ang mga Patay

“Bubuhaying muli ng Diyos ang mga [patay].”​—GAWA 24:15.

Gusto mo bang makitang muli ang mga mahal mo sa buhay na namatay na? Bubuhayin silang muli ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat sa Paraiso sa lupa. Makikilala mo sila, at makikilala ka rin nila. Isipin mo kung gaano kasaya iyon! Bakit sigurado tayong mangyayari ito? Kasi sa Bibliya, may mga bata at matanda na binuhay-muli at nakasama ulit nila ang kanilang pamilya. Isa pa, kadalasan nang ginawa ni Jesus ang pagbuhay-muli sa harap ng maraming tao.​—Lucas 8:49-56; Juan 11:11-14, 38-44.

Ngayon, Masayang-masaya Na Ako

“Tandang-tanda ko pa no’ng una kong malaman ang tungkol sa paraisong lupa na wala nang pagdurusa, sakit, at kamatayan. Sa loob-loob ko, natawa ako. Imposible iyon! Pero nang mag-aral ako ng Bibliya, nakita kong makakapagtiwala ako sa aklat na ito at sa mga pangako nito. Kumbinsido akong ang Bibliya ay galing sa Diyos. Dati, kitang-kita sa mukha ko na nalulungkot ako at nag-aalala. Ngayon, masayang-masaya na ako. Napansin kahit ng mga kapamilya at mga kaibigan ko ang pagbabagong ito sa akin.”​—Ravi.

Si Ravi.

Higit pang impormasyon:

Para sa iba pang detalye tungkol sa pangako ng Maylalang na mabubuhay nang walang hanggan ang mga tao sa paraisong lupa, magpunta sa jw.org/tl at tingnan ang TURO NG BIBLIYA > SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA > BUHAY AT KAMATAYAN.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share