PAANO KAPAG NAGTAASAN ANG MGA BILIHIN?
Magkaroon ng Pag-asa
Mas mataas ba ang presyo ng bilihin kaysa sa kinikita mo? Namomroblema ka ba kung paano mo susuportahan ang sarili mo o ang pamilya mo? Kung oo, baka mag-alala ka sa mangyayari sa hinaharap. Sa mahihirap na sitwasyon, makakatulong kung may pinanghahawakan kang pag-asa.
KUNG BAKIT ITO MAHALAGA
Hindi lang naghihintay ang mga taong may pinanghahawakang pag-asa na may magandang mangyayari sa kanila. Pinapasigla sila nitong kumilos at gawin kung ano ang pinakamagandang magagawa nila sa sitwasyon nila. Halimbawa, ipinapakita ng mga pag-aaral na ang mga taong may pag-asa ay . . .
mas matatag
mas madaling makapag-adjust
nakakagawa ng mas magagandang desisyon pagdating sa lifestyle at kalusugan nila
ANG PUWEDE MONG GAWIN
Una, tingnan kung paano ka matutulungan ng Bibliya ngayon. May mga payo ang Bibliya na makakatulong sa iyo kapag tumaas ang presyo ng mga bilihin at bayarin. Kapag sinunod mo ang mga payo dito, matutulungan ka nito na maging panatag ngayon. Maihahanda ka rin nito na maharap ang mga problemang darating.
Ikalawa, tingnan ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa hinaharap. Kapag napatunayan mong tama ang mga payo sa Bibliya, mapapakilos ka nitong alamin ang sinasabi nito tungkol sa hinaharap. Halimbawa, malalaman mo na gusto ng Diyos na magkaroon ka ng “magandang kinabukasan at pag-asa.” Malalaman mo rin na may ginawa siya para matupad ito. (Jeremias 29:11) Itinatag niya ang Kaharian ng Diyos.
ANO ANG KAHARIAN NG DIYOS, AT ANO ANG GAGAWIN NITO?
Ang Kaharian ng Diyos ay isang gobyerno na mamamahala sa buong lupa. (Daniel 2:44; Mateo 6:10) Mula sa langit, aalisin nito ang pagdurusa at kahirapan. Magiging payapa na ang lupa, at ibibigay nito ang lahat ng kailangan ng mga tao. Pansinin ang mga tekstong ito:
Milyon-milyon sa ngayon ang nagtitiwala sa mga pangakong ito kasi alam nila na “hindi makapagsisinungaling” ang Diyos. (Tito 1:2) Subukan mong pag-aralan ang Bibliya! Dahil sa pag-asang mababasa mo rito, makakayanan mo ang mga problema sa ekonomiya ngayon. At magiging panatag ka kasi alam mong gaganda ang kalagayan sa hinaharap.