Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 4
  • Kung Bakit Nawalan Sila ng Tahanan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Bakit Nawalan Sila ng Tahanan
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Hindi Sumunod sa Diyos Sina Adan at Eva
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Ano ang Buhay Noon sa Paraiso?
    Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
  • Ang Diyos ay Nasasaktan—Kung Paano Natin Siya Mapasasaya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Mas Mataas ang Iba Kaysa sa Atin
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 4

KUWENTO 4

Kung Bakit Nawalan Sila ng Tahanan

TINGNAN mo kung ano nangyayari ngayon. Pinapalayas sina Adan at Eba sa hardin ng Eden. Alam mo ba kung bakit?

Kasi gumawa sila ng napakasama, isang bagay na ipinagbawal sa kanila. Sinabi sa kanila ng Diyos na puwede silang kumain ng mga prutas sa hardin. Pero sinabi ng Diyos na hindi sila puwedeng kumain ng isang prutas, kasi mamamatay sila. Para sa kaniya iyon. Hindi ba masama ang kumuha ng hindi sa iyo?

Minsan, nang nag-iisa si Eba sa hardin, kinausap siya ng isang ahas. Akalain mo! Sinabi nito kay Eba na kumain ng prutas na ipinagbawal ng Diyos. Alam natin na hindi puwedeng magsalita ang ahas, puwede ba? Kaya may ibang nagsasalita sa pamamagitan ng ahas. Sino kaya iyon?

Hindi si Adan. Kaya tiyak na isa iyon sa mga anghel na ginawa ni Jehova matagal na panahon pa bago niya ginawa ang lupa. Isang anghel ang naging masyadong mayabang. Gusto niyang siya ang sundin imbes na si Jehova.

Ito ang anghel na nagsalita sa pamamagitan ng ahas. Sinabi nito kay Eba na magiging Diyos siya pag kinain niya ang prutas, at naniwala naman siya. Kaya kumain siya, pati na rin si Adan. Sumuway sila sa Diyos, kaya nawalan sila ng magandang tahanan.

Pero balang araw, titiyakin ng Diyos na ang buong lupa ay magiging kasingganda ng hardin ng Eden. Malalaman din natin kung papaano ka makakasali sa pagpaganda nito. Pero alamin muna natin kung ano ang nangyari kina Adan at Eba.

Genesis 2:16, 17; 3:1-13, 24; Apocalipsis 12:9.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share